20.

0 0 0
                                    

Chapter 20:

"Oops, sorry" Napapikit nalang ako sa inis ng tumalsik ang tubig sa mukha ko mula sa lababo ng ibagsak ni Loisa ang basong ginamit niya.

"Hugasan mo nga 'yan! Wala kang katulong dito!" Sabi ko sa kaniya pero tinalikuran niya ako kaya hinatak ko ang buhok niya. "Sinabi ng hugasan mo 'yan e!"

"Ouch!" Reklamo niya, "Naghuhugas ka rin lang naman, idamay mo na 'yan" Sabi pa niya at akmang tatalikod pero hinatak ko siya ulit pabalik.

"Huhugasan mo 'yan o ibabato ko sa mukha mo 'yan? Sabihin mo lang na gawin, talagang hindi ako nagdadalawang isip na gawin 'yon!" Napairap naman siya at kinuha ang baso sa hinugasan, "good, susunod din naman pala e." Tumalikod na ako at pumunta sa sala.

"Ang init na naman ng ulo mo, sis" bungad ni Dane na nakaupo sa sofa.

"Aga aga nagpapainit ng ulo 'yon e!" Sabi ko.

"Wait, tutal weekend ngayon, sumama ka samin, mag sho-shopping tayo" nakangiti aniya.

"Sino kasama?" Tanong ko habang nakakunot ang noo.

Ngumiti naman siya ng malapad. "Si Calix" bulong niya. Nanlaki naman ang mata ko.

"Ano? 'Wag ka na ngang sasama do'n!" Napasimangot naman siya sa sinabi ko.

"Bakit? Nagseselos ka ba?" Gulat akong napatingin sa kaniya.

"Ako? Bakit naman ako magseselos? 'di ko siya type 'no!" Dipensa ko.

"O, 'yun naman pala e! Sumama ka na!" Pagpupumilit niya.

"Talagang sasama ako! Baka mamaya kung ano pang gawin sayo nung lalaking 'yon e!" Natuwa naman siya sa sinabi ko. Natuwa pa siya huh?

"Yey—"

Parehas kaming natahimik ng may magdoorbell.

"Baka si Calix na 'yun!" Tumayo na siya at lumabas.

Ang tagal niya at ang tagal pumasok kaya sumunod na ako para tingnan kung anong ginagawa nila. Napangiti ako sa nakita. The bangayan 101. Si David.

Kung titingnan para talagang may something sila noon kung kaya't ang laki nalang ng galit nila sa isa't isa. Mas bagay sila kesa kay Calix James. Oo tutol talaga ako kay Calix! Ewan basta.

"Hi David!" Sumingit na ako sa kanilang dalawa. May kalokohan akong naiisip kaya Ang laki ng ngiti ko.

"Hi, Dianne! Tabi nga!" Tinulak niya si Dane kaya naman inis na inis ang ate mo!

"Uhm...David, pwede bang sumama nalang tayo sa kanila?" Nanlaki naman ang mata ni Dane.

"Ano? Ikaw lang! 'Wag mo ng isama 'yan!" Sabi niya at pinanlakihan niya ako ng mata.

"Sige!" Lumaki ang ngiti ko ng sumangayon sa akin ang tadhana.

"Aish! Hibang ka na ba Dianne?" Nanlilisik ang mata ni Dane.

"Ano ka ba, ayaw mo no'n? Double date" kinindatan ko siya.

Labag man sa loob ko pero gusto ko talagang mapaglapit si Dane at David. Mas malakas kase ang chemistry nila haha!

—————

Kanina ko pa napapansin na balisa si Dane habang palabas kami ng gate. "Okay ka lang?" Tanong ko sa kaniya.

"Hindi" Diretsang sagot niya.

"Dahil kay David 'no?" Pang aasar ko.

"Hindi 'no!" Tinawanan ko nalang siya.

"Hello, twins!" Muntik na akong mapatalon ng biglang sumulpot sa harap namin si Calix.

"Papatayin mo ba ako!" Singhal ko sa kaniya.

If We Fall Inlove (Teen Series)Where stories live. Discover now