Chapter 21:
"Dane, sorry na, dapat nga ako ang magalit dahil hindi kayo nagpaalam sakin" Sabi ko habang nakanguso. Nasa kwarto niya kami.
Hinatid na ako ni Calix dahil ang tagal nila Dane kahapon.
"Si Calix dapat ang kasama ko hindi 'yong lalaki na 'yon! Pero dahil pinagpilitan mong sumama siya e, di sana ayos tayo ngayon" Galit na tono niya.
"Bakit? Ang akala ko ayos kayo kaya nawala kayo bigla" Takang tanong ko.
"Hinatak niya ako, ang sabi niya mag uusap lang kami... At ang akala ko magkakaayos kami pero hindi!" Nagulat nalang ako ng umiyak siya.
"E, ano ngang nangyare?" Curious na tanong ko.
"Nakipag closure siya, dahil ikaw na daw ang gusto niya" Umiiyak na aniya. Lumapit naman ako para patahanin siya.
"Akala makikipagbalikan siya sakin pero mali pala ako" humahaguhol siya sa iyak. "Dianne Mahal ko pa siya e" Sabi pa niya. Niyakap ko nalang siya.
"Shh...tahan na" pang-aalo ko habang yakap yakap ko siya.
"Dane, Dianne!" Napahinto kami ni Dane at sabay na napalingon sa tumawag.
"Pa?" Agad pinunas ni Dane ang mga luha niya at tumakbo palapit kay Papa. Ako naman ay nanatili sa kinauupuan ko.
"Anong nangyare sayo? Bakit ka umiiyak?" Nagaalalang tanong ni papa sa kaniya.
"Wala po" Sagot niya.
"Dianne, si Papa" Bumaling naman ang atensiyon nila sa akin. Tipid lang akong ngumiti.
"Uhm, babalik lang ako sa kwarto ko" Nilagpasan ko sila. Natulala lang sila sa ginawa ko.
I hate that man, since iniwan niya kami ni mama at sapol na dati palang masama na ang loob ko sa kaniya dahil palaging si Dane nalang ang nakikita niya. Anak niya din naman ako 'di ba? Hindi ko alam bakit ang manhid manhid ni Dane at pilit na inilalapit sa akin si Papa kahit na ayaw ko. Galit ako sa kaniya, kahit kailan hindi niya ako tinuring na anak dahil lagi nalang si Dane! Noon palang malayo na ang loob ko sa kaniya. 'Di ba ng nung umalis siya ay si Dane lang ang sinama niya? Ni kahit kailan hindi niya ako kinamusta.
Bumaba ako sa kusina para kausapin si mama. Naabutan ko siyang nagluluto.
"Kailan mo pa siya pinatawad?" Nagulat naman si mama ng bigla nalang akong nagsalita. Seryuso akong nakatingin sa kaniya.
Ngumiti siya sa akin, "Kahapon, anak, Nakipag ayos siya sa akin" halata sa mukha niya ang sobrang saya.
"Niloko ka niya, ma, tapos ganon ganon lang 'yun?" Nawala ang ngiti sa labi niya.
"Anak, sana maintindihan mo ako" Puno ng pagaalala ang mata niya.
"Ma, alam mong simula ng iwan niya tayo hindi ko na siya tinuring na ama" patuloy ko at hindi na maiwasang tumulo ang luha ko. "Ma, galit ako sa kaniya alam mo ba 'yun?"
"Gwen, please, nangako naman siya na babawi siya e" Sabi pa niya.
Sarcastically chuckled. "Babawi? Ganon ganon nalang ba 'yun?"
"Dianne" Napalingon ako kay Dane na lumapit sa amin. "Tama si Mama, pagbigyan niyo si papa sa pagkukulang niya" Seryuso niya aniya.
"'Wag ka ngang mangialam, dahil hindi mo nararamdaman ang nararamdaman ko!" Nagulat naman ako ng sinampal niya ako.
"Bakit? Ano bang nararamdaman mo? Galit, poot, pagkasuklam? Ano? 'yan nalang ba ang kaya mong maramdaman?" Sabi niya.
"Ano pa bang gusto niyong maramdaman ko? E, iyon ang pinakita at pinaramdam niyo sakin e! Ang magalit dahil una palang wala akong kwenta sa inyo!" Natigilan din ako ng sampalin ako ni mama.
YOU ARE READING
If We Fall Inlove (Teen Series)
Teen FictionMs. Siga Queen Vs. Mr. Captain Isang babaeng palaging nakikipag away at laging laman ng gulo sa campus nila. Hanggang isang araw nagbago ang lahat dahil nakilala niya ang isang lalaking ubod ng kulit.