Prologue
Nasa hapag-kainan kami ngayon. Pinakiramdaman ang isat-isa habang kumakain. Tahimik, walang kumikibo, walang pansinan, walang wala. Nakatuon lang ang sarili sa pagkain.
"Ahem..." putol ni Dawn sa mahaba naming katahimikan. "Umm, Ma'am Nix, Mr. Asuncion, what should I call you?" tanong niya.
Napakurap pa ako sa narinig. Minasdan ko pa si Darren na pinunasan ang kanyang bibig gamit ang tissue.
"You can call me, father. Daddy or dad should do," tipid niyang sabi sabay kuha ng wine at sumimsim dun.
Lumingon agad ako sa kanya na may ngiti. "Pwede mo akong tawaging Mama, o di kaya'y Mommy o Mom, depende sayo kung saan ka komportable," nakangiti kong sabi sa kanya.
Tumango naman siya at nagpatuloy sa kinakain.
Nakakailang ang katahimikang ito
"Umm, Dawn," mahinahon kong tawag sa kanya at lumingon naman siya sa akin. "Umm, ano ang pwede ko o kaming itawag sa iyo?" mahinahon kong tanong sa kanya.
As usual, malamig lang niya akong dinapuhan ng tingin. "You can call me Son, anak or simply just Dawn. Depends on your choice," tipid niyang sagot.
Yeah, were a family.
There's a mother,
There's a father,
And there's a son,
We look like a family,
But we don't feel like were family at all...
Family Circle by chillincatnblue
Disclaimer:
This is a work of fiction. Names, characters, business, place, events and incidents are either the product of the author's imaginations or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual person living or dead or actual events is purely coincidental.
Plagiarism is a crime... Whoever plagiarized my works will be reported and punished by laws.
©All Right Reserved.Chellrich.January2022
BINABASA MO ANG
FAMILY CIRCLE
Romance"We look like a family, but we don't feel like we're family at all." Si Nix ay isang normal na babae na napakatalino sa campus ngunit may malalaking isyung pampamilya sa bahay. Sa pagcecelebrate ng kanilang pagtatapos ng second year college, nalasin...