Chapter 18
"Umm, I'm a visitor," nahihiya ko pang sabi sa kanya.
Nix naman!
"Any appointments?" malamig na tanong niya ulit nung bodyguard sa akin. Medyo kinakabahan na ako.
Grabe naman...
"U-umm," naging daing ko.
Anong isasagot ko?
"Uhh, I wanted to enroll as a substitute teacher in grade 3, I'm friend with the teacher," sagot ko. Totoo naman na yun ang sadya ko.
Sana maniwala siya...
"Miss?" tanong ulit niya sabay bukas ng notebook niya at mukhang may hinahanap.
Umubo pa ako ng peke. "Nianna Xyreen Guevara," sagot ko. Palihim ko pang inangat ang ulo ko para tinignan ang notebook niya, nabigla ako nang bigla niyang sinirado ang notebook niya.
"Welcome Miss Guevara," sagot niya sabay lahad ng kamay niya giniya papasok sa loob.
Nilabas kona ang hanging kanina kopang tinatago sa kalooblooban dahil sa takot at kaba.
Whoo! Akala ko ano na! Kinakabahan ako dun ah...
Time check, 9 am na, means class hours ngayon. Pumasok na ako, tinignan ko yung guard at nakatingin siya ngayon sa paligid, hindi ako pinansin.
Pssh,
Dahan dahan pa akong naglalakad sa hallway, papasok sa malaking pinto kung saan may dalawang bench sa magkabila. Pagpasok dun ay bumungad sa akin ang malapad na area kung saan nakalocate ang canteen sa kabila, library sa kanan, locker sa may gilid, may mga pinto rin na duda ko ay dun ang mga lab at mga ibang subject rooms. Habang naglalakad ako ay may nakita akong hagdan na magkabila ang datingan.
Lumunok pa ako ng ilang beses dahil sa nakita.
Grabe tong campus na to,
Umakyat na ako, wala paring tao na nasalubungan ko. Dahan dahan parin akong naglalakad, minamasid ang lugar.
Maganda ang environment nila dito,
Naglakad lakad pa ako, hinanap ang office ng dean.
Nasaan ba yun?
Sabi ni Teresa, may matatanungan ako, bakit parang wala namang tao...
May guard nga, ang sungit naman, parang kapag magsasalita ka, may panumbat na agad.
Bahala na...
Habang naglalakad lakad ako, may nasalubungan akong isang bata. Nagulat pa ako nung una pero nung namukhaan ko ang bata ay dali daling lumaki ang mga mata ko.
Yung bata sa airport! Yung cold na bata!
Diretso siyang naglalakad habang nakalingon sa may kanan. Nakapamulsa at nakauniform. Parang hindi niya ako napansin dahil patuloy parin siya sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
FAMILY CIRCLE
Romansa"We look like a family, but we don't feel like we're family at all." Si Nix ay isang normal na babae na napakatalino sa campus ngunit may malalaking isyung pampamilya sa bahay. Sa pagcecelebrate ng kanilang pagtatapos ng second year college, nalasin...