Chapter 8
*Pak*
Malakas na sampal ang bumungad sa akin pagbaba ko ng hagdan.
Kahapon pa kami nakauwi galing sa hospital. Wala si papa nung araw na yun kaya mapayapa ang pagdating namin. Wala ngayon si mama ngayon dahil may labada siya. Hindi ko naman inaasahan na ngayon pala uuwi si papa.
Ngayon, na wala akong makakampihan...
"Wala kang kwentang anak!" sigaw niya dahil sa galit. Hindi ako umimik. "Akala ko ba naman ay pupunta ka ng Saudi? Ipinagyayabang kita sa kasamahan ko na may anak na akong abroad tapos ngayon buntis ka?" patuloy parin niyang sermon. "Wala ka talagang kwentang anak! Nagdagdag ka na naman ng panibagong lalamunin! Ang landi landi mo Nianna! Wala kang kwenta!" patuloy parin ang pagsigaw niya. Tinuro pa niya ng malakasan ang noo ko saka siya ulit nagsalita. "Wag na wag kang lalapit sa akin kung may kailangan ka dahil hinding hindi ko talaga matatanggap yang bata na yan!"
Inulanan ako ng sermon ni papa.
*Pak*
At panibagong sampal.
Hindi ako umimik sa aking tinatayuan.
Biglang isang kisap mata, bumalik si papa sa dati. Yung dating mapanakit, walang ambag, akala mo kung sinong hari. Takte nga naman, hindi nga lang ako nakapunta sa abroad ganyan na siya. Wala talaga siyang silbe.
Yumuko lang ako.
Nagpipigil ng galit.
Nagpipigil ng magbuhat ng kamay.
Dahil alam kong hindi ko siya mapapantayan.
Paano na to?
Anong gagawin ko?
Pagkatapos ng mahabang sermon ni papa sa akin at sankatutak na palad niya na tumama sa magkabila kong pisngi ay umalis na siya. Doon ko nilabas ang puot sa aking dibdib.
Bakit ganyan si papa?
Nagmukmok nalang ako sa kwarto ko. Nakatulala. Walang gana sa lahat.
"Nix," tawag ni Amber mula sa pinto. Binuksan niya yun at saka ko nakita na nagdala siya ng isang cellophane na punong puno ng mani. "Kain tayo. May good news ako sayo," nakangiti niyang sabi.
Amber...
Pumasok siya saka niya nilapag ang cellophane sa gilid ng kama. Lumapit siya sa akin sabay marahan na hinila ako patayo at ginaya palapit sa kama. Dahil sa wala na akong lakas ay wala akong magawa kundi magpadala sa kanya.
Ayaw ko nang maging pabigat pa sa lahat.
Pumwesto na kami saka kami nagsimulang kumain ng mani. Ngayon ulit ako nakakain ng mani. Kahit na kagustuhan kong kumain ay isinantabi ko nalang.
Mas may mahalaga pang bilhin kaysa sa mani...
"Nix. May bakanteng trabaho dun na pwedeng pwede mong mapagtatrabahuan sa company ni Dad. Interesado ka paba? Okay lang ang buntis basta hindi aabot ng 5 months." Sabi niya sabay nguya.
BINABASA MO ANG
FAMILY CIRCLE
Romance"We look like a family, but we don't feel like we're family at all." Si Nix ay isang normal na babae na napakatalino sa campus ngunit may malalaking isyung pampamilya sa bahay. Sa pagcecelebrate ng kanilang pagtatapos ng second year college, nalasin...