2nd Circle | 4

10 3 0
                                    

Chapter 16

Bumaba na ako, dala dala ang maleta kong itim. Sinuot ko ang shades ko at saka naglakad papasok sa airport. Tinext kona si Ronan na nandito na ako sa airport. Sabi niya hintayin ko muna siya dito.

Habang lumalakad ako para maghanap ng mauupo ay hindi ko maiwasang tumingin tingin sa paligid, sinaulo ang bawat sulok ng lugar. Tinignan ko rin ang mga tao, may mga mag-asawang matanda na parang may hinintay, may mag-ina, may pamilya, may teen ager at may lalakeng nagcecellphone.

Wala lang, wala lang magawa...

"The CEO is here. Prepare the plane," sabi ng kung sino na narinig ko lang. Habang naglalakad ako ay tumama sa paningin ko ang isang makisig na lalake na lumalakad papunta sa direction ko kasama ang mga ibang lalake sa may gawing likod niya.

Nakagel ang buhok niya habang nakashades ng black. Naka suit siya sa loob habang pinatungan niya yun ng isa pang itim na coat sa may balikat niya. Naka slacks siya ng itim, nakasapatos at nakapamulsang naglalakad habang nilingon ang kanan niya.

Shit, ang gwapo nitong lalakeng to...

Pero umiwas agad ako ng tingin dahil feeling ko tumataksil ako kay Ronan. Ang sama ko namang girlfriend pagnagkataon.

Hindi kona siya pinansin, nagpatuloy parin ako sa paglalakad. Mukhang hindi naman niya ako napansin kaya napanatag ako dun. Nang malagpasan ko siya ay sa hindi ko inaasahan na may nararamdaman ako.

Nararamdamang pamilyar,

Inaalala ko kung anong pamilyar yun at...

Ang pabango!

Pero pwede namang magkapareha lang ng pabango diba? Sabagay mukhang big time yung lalakeng yun eh.

Ikinabahala ko nalang ang naisip pero napahinto ako sa sunod kong narinig.

"Mr. CEO Darren Michael Asuncion, welcome aboard," sabi ng kung sino sa may likod ko kaya napalingon ako dun. Tanging likod niya lang ang nakita ko sa lalaking yun at kinakausap ang captain ng eroplano.

Bakit parang...

Aishhh! Mukhang naulol na yata ako.

Nang lilingon na sana ako paharap ay may bangga akong bata.

Takte...

Napaatras naman ako agad para hindi ko siya tuluyang mabangga. Nang nilingon ko ang bata na yun ay malamig na tingin agad ang sumalubong sa akin. Nakagel ang buhok niya, walang expression ang kanyang mukha, nakakwintas ng silver, nakaitim na pollo, nakapants ng itim at itim na sapatos. Nakapamulsa siya habang nakaharap sa akin. Medyo nasa may braso ko lang ang height niya.

Grabe tong bata to, 

At mas lalo akong napahinto ng biglang nagsalita ang bata.

"Watch your way next time miss," malamig na sabi nito saka siya umalis sa harapan ko at nagpatuloy sa paglalakad.

Hindi ko alam kung bakit pero may nararamdaman na naman akong kakaiba sa batang yun. Sinampal ko ng mahina ang pisngi ko sa pinag-iisip.

FAMILY CIRCLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon