Chapter 9
"Hoy babae ka! Kumain kana at baka mapahamak pa ang inaanak ko! Hindi lang ikaw ang masasaktan kundi maging sa anak mo kaya please lang kumain kana!" sermon niya saakin. "Kung may plano kang kakaiba isipin mo na may bata kapang dinadala!" dagdag pa niya.
Alam kong galit siya sa nalaman niyang inasta ko ngayon. Hindi ko naman siya masisisi dahil iniisip rin niya ang kapakanan ng anak ko.
Ang anak ko...
Natahimik pa ang kabilang linya saka siya nagbitaw ng mabigat na paghinga. "Wag kang magaalala, ako na bahala sa medical fees diyan," sabi niya na ikinalaki ng mata ko.
"Paano kita bayaran?" basag ang boses kong tanong sa kanya.
Sobrang sobra na ito Amber... sobrang sobra na...
"Sa susunod mo na yan isipin. Kumain ka muna," utos niya sa akin. "Sige na may gagawin pa ako, pag hindi mo ako sinunod uuwi talaga ako diyan para ako mismo ang susubo sayo! Tandaan mo yan! Bye!" sigaw niya saka niya pinatay ang tawag.
Nanahimik pa ako ng ilang segundo saka ko inabot kay Colton ang phone niya.
Tama nga naman...
Hindi ako dapat magmukhang mahina...
Hindi ako dapat mag-iinarte...
Kailangan kong maging malakas...
Kailangan kong magpalakas...
Para sa aking sarili...
Para kay mama...
At para sa anak ko.
Hinimas ko ang tiyan ko. Ang laki na nun, ramdam na ramdam ko pa nga ang marahan na pagsipa niya sa loob. Mararamdaman kong buhay siya sa loob ko.
Sorry anak kung nagmumukhang mahina ang mama mo... masyado lang kasing mahirap ang sitwasyon natin... hindi mo naman ako masisi diba?
At sinunod ko na ang utos niya. Kumain na ako pero nasa kaloob looban ko parin ang sakit.
Bakit ganito?
Bakit nagkaganito?
Pagkatapos kong kumain. Inaalayan ako ni Colton na pumwesto para makatulog. Makakatulong daw yun para mawala ang stress ko. Hindi umalis si Colton sa tabi ko sa mga oras na yun.
Sana, ikaw nalang ang ama ng anak ko... siguro pananagutan naman niya ako diba? Tulad ng ginawa niya sa akin ngayon.
Hindi ko maiwasang isipin ang sinabi niya.
Ama...
Yan ang wala ako,
At pati ng anak ko,
Takte... nasa lahi naba yan namin?
Na walang ama na kayang panagutan ang pamilya niya?
Na walang ama na aalalay sa anumang pagsubok?
Hay...
BINABASA MO ANG
FAMILY CIRCLE
Romance"We look like a family, but we don't feel like we're family at all." Si Nix ay isang normal na babae na napakatalino sa campus ngunit may malalaking isyung pampamilya sa bahay. Sa pagcecelebrate ng kanilang pagtatapos ng second year college, nalasin...