Chapter 28
Lumapit na si Ronan sa akin kaya umayos na ako ng tayo. "What did he said hon?" tanong niya sa akin.
Nilingon ko siya saka ako umiling. "Ah wala, lets go?" pilit ngiti kong yaya sa kanya. Tumango naman siya saka niya kinuha ang kamay ko at nilisan ang classroom.
Nang nakasakay na ako sa sasakyan niya ay bumiyahe na kami, medyo nagtataka ako kung bakit hindi pamilyar ang lugar na dinadaanan niya at gusto ko sanang tanungin si Ronan tungkol dun pero pinili kong manahimik. Maya maya ay huminto na ang sasakyan sa isang bakanteng lote.
Bumaba siya saka niya binuksan ang pinto para makalabas ako. "Bakit tayo nandito?" takang tanong ko sa kanya sabay baba.
Ningitian lang niya ako saka niya kinuha ang kamay ko at dinala sa bakanteng lote na yun. Pagdating namin dun ay tinanaw namin yun habang mahigpit ang pagkahawak niya sa kamay ko. Medyo mahangin dahil hapon na kaya medyo natangay ang buhok ko dun.
Bumitaw pa siya ng malaking buntong hininga at saka siya nagsalita. "Here is where we gonna live" nakangiti niyang sabi habang tinanawan ang tanawin.
Nanlaki naman ang mga mata ko sa narinig. "Sa lote na ito?" gulat na tanong ko sa kanya.
Tumango naman siya. "Yes," sagot niya sabay lingon sa akin. "I didn't start the lot process yet because maybe you won't like the spot," sabi niya.
"I like it Hon. Take it," nakangiting sabi ko sa kanya.
Maganda naman ang pwesto ng lugar, maraming puno, medyo mahangin, walang masyadong bahay, at tamang tama para sa tanawing pangtahanan.
Maganda...
"Sure," sagot agad ni Ronan.
Nilingon ko siya at kitang kita ko sa mukha niya ang excitement parang nasa isip na niya kung ano ang magiging itsura nun. "Your eagerly wanted to marry me huh?" natatawa ko pang tanong sa kanya.
Ngumiti naman siya sabay lingon sa akin. "Of course hon, I love you," sabi niya sabay halik sa noo ko.
Ngumiti rin ako. "I love you too."
Bigla kong naalala yung tungkol kay Dawn at kay Darren.
Paano kung positive ang result?
Paano kung anak ko nga talaga si Dawn?
Paano na si Ronan?
Paano na ang buhay ko?
Paano ang pangarap naming dalawa?
"I'll talk to the owner for the papers tomorrow. Lets go?" aya sa akin ni Ronan.
Tumango naman ako. "Okay."
Umuwi na kami sa bahay. Nagluto ako ng hapunan na requested ni Ronan. Pagkatapos kong magluto ay kumain na kaming dalawa. Nagkwentuhan pa kami tungkol sa magiging future house namin kaya natawa ako. Pagkatapos naming kumain ay nag-asikaso na ako para bukas.
May ginagawa pa ako regarding sa school kaya inabutan ako ng alas 12. Nagshower na ako tapos nagbihis. Nagsuot ako ng strapped night gown dress na kulay black na hanggang ibabaw ng tuhod at handa na sanang matulog nang may nagdoorbell.
BINABASA MO ANG
FAMILY CIRCLE
Romance"We look like a family, but we don't feel like we're family at all." Si Nix ay isang normal na babae na napakatalino sa campus ngunit may malalaking isyung pampamilya sa bahay. Sa pagcecelebrate ng kanilang pagtatapos ng second year college, nalasin...