1st Circle | 6

9 3 0
                                    

Chapter 6

"Okay ma'am, the interview is done, ang kailangan nalang natin ay hintayin ang resulta at tatawagan ka namin ulit," magiliw na bati nung interviewer at yumuko naman ako bilang pagpapasalamat.

Umuwi na ako sa amin. Nakita kopa si mama sa distansya na nagluluto ng hotdog. Hanggang ngayon ay nagbabarbeque parin kami para kahit papano ay makakapagpera kami. Hindi na nagpapakita si papa simula nung araw na yun kaya medyo bumalik narin sa normal ang lahat.

"Mama," tawag ko kay mama. Lumiwanag bigla ang mukha niya saka niya ako nilingon at sinalubungan niya ako ng mahigpit na yakap.

"Anak! Kumusta ang interview mo papuntang Saudi Arabia?" tanong ni mama sa akin sabay punas sa noo ko. Pinagpapawisan kasi ako sa jeep kanina. Masikip kasi tapos mainit pa ang klima. Dagdag pa ang suot kong formal office attire.

Ningitian ko naman siya. "Okay naman po ma. Wala naman pong aberya. Maghihintay nalang ako ng announcement para maiayos kona ang mga requirements," magiliw na sabi ko.

Ngumiti naman si mama sa akin. "Ohh sya, umupo ka muna, lutuan kita ng barbeque," sabi niya saka niya ako giniya papunta sa bakanteng lamesa para paupuin.

Umupo na ako saka ko tinignan si mama na ngayon ay busy kakaluto ng isaw at adidas. Marahan pa niyang pinunasan ang pawis niya saka niya nilingon yung mga costumer na tumatawag sa kanya. Nakangiti lang si mama habang nagseserve ng pagkain sa lamesa.

Napangiti naman ako ng malumay.

Sobrang naaawa na talaga ako sa kanya.

Kung kaya ko lang ma... kung kaya ko lang talaga...

*pffft*

"Ano ba naman yan!" suway ko kay Amber na ngayon ay umiinom ng kape.

Napaubo pa siya saka niya ako nilingon na may gulat sa mukha. "G-girl? Sigurado ka na aapply ka ng trabahong sales lady sa Saudi? Bakit? Gipit naba talaga kayo? Baka may maitulong ako," sabi niya sabay kuha ng bag niya at nagkalkal nang naglabas siya ng cheke at ballpen. 

Lumaki bigla ang mata ko nang nagsimula siyang magsulat sa papel na yun kaya pinigilan ko siya. Hinahawakan ko ang kamay niya para hindi na siya makapagsulat pa. 

"Amber, wag," tigil ko sa kanya. Nilingon niya ako na may lungkot sa mga mata. Umiling naman ako. "Sobrang sobra na ang ibinigay mo sa amin," malumay kong sabi sa kanya.

Mas lalong sumakit ang dibdib ko nang nagsimulang tumulo ang luha ni Amber. "Nix... hindi ako papayag na pupunta ka sa Saudi," nangingiyak na sabi niya sa akin sabay yuko. Umiling iling pa siya. "Ayaw ko," patuloy pa niya.

Hayy...

Nilapitan ko naman siya saka ko hinimas ang likod niya. "Pero may mga utang kami Amber at kailangan namin yung bayaran," mahinahon kong sabi. "Naaawa na rin ako kay mama. Sana maintindihan mo," patuloy ko pa.

Agad siyang umangat at nilingon ako. "Kaya nga tutulungan kita diba?!" Tumaas ang boses niya. Hindi ko naman siya masisisi. Ilang beses na siyang tinanggihan ng best friend niya, masakit rin yun sa dibdib niya.

Pero masakit rin sa akin lalo nat iniisip ko na umaasa lang kami sa pera ni Amber. Naaawa rin ako kay Amber. Ayaw ko nang manghingi pa sa kanya.

Hanggat makakaya ko, gagawin ko...

"Pero, malaki na ang utang ko sayo," sabi ko sa kanya.

Umiling siya agad saka niya pinunasan ang pisngi niya. "Wag mo isipin yun," sabi niya. Inayos niya ulit ang sarili niya saka magtangkang sumulat sa papel na yun na hinawakan ko ulit ang kamay niya. Nilingon niya ako. Nang nagtama ang paningin namin ay umiling ako.

FAMILY CIRCLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon