Chapter 22
So the next day, tinanong tanong ko ang mga estudyante dito tungkol kay Dawn at ang dami kong narinig tungkol dun.
"Dawn? He's a very cold guy, kung hindi mo siya tatanungin ng matino, hindi ka niya sasagutin ng matino."
"We're not that very close because he's so cold and hard to approach, like anytime he can burst out or something."
"Oh, Dawn the cold than ice guy? Duh I won't waste my time on his cold expression."
"You know... he was kinda scary..."
"Dawn seems nice, he was just refusing to talk, that's it."
Medyo sumasakit na ang ulo ko dahil dito. Pati grade 4, 5 at 6 tinatanong ko pero hindi naman nila sinasagot ng matino.
Bata pa talaga...
Habang may inasikaso ako sa table ko ay palihim kong sinusulyapan si Dawn, may dala na siyang calculator ngayon at naka specs. Siguro may math quizzes siyang initake.
Grabe
"I know what Dawn's favorite food," bungad bigla sa akin ni Fabby, napalingon ako agad sa kanya.
Biglang lumiwanag ang mga mata ko pero hindi ko yun pinahalata, baka iniisip niyang may gusto ako kay Dawn. "Really? What is it?" pilit kong pinakalma ang sistem ko kahit na gusto kong sumigaw na para bang nakita kona ang piso ko sa canal.
Sa wakas ay may matino nang sasagot sa tanong ko!
Lumingon lingon pa siya saka siya lumapit sa akin. "Please don't tell him that I tell you, he will get mad at me," sabi niya. Tumango naman ako saka ko nilahad ang tenga ko sa kanya. Handang handang pakinggan ang sagot niya. "His favorite food was peanuts."
Napahinto ako sabay laki ng mga mata ko dahil sa gulat. Namilik mata pa ako ng ilang beses.
M-mani?
Umangat na ako saka ko nilingon si Fabby, pilit tinatago ang gulat sa mukha ko. "T-thank you Fabby," nauutal ko pang sabi sa bata. Ngumiti naman ito sa akin saka siya umalis sa harapan ko kaya pinakalma kona ang sarili ko.
Takte, nagpakahirap ako tapos mani lang pala?!
Sinulyapan ko ulit si Dawn.
Hindi na ako magtataka kung bakit ang utak niya parang library sa sobrang daming alam.
After class ay umuwi na ako sa bahay, tapos mini date with Ronan, uwi ulit sa bahay at natulog.
Kinabukasan, nag-ayos na naman ako ulit sa sarili dahil papasok na naman ako sa Dallas. Pagkatapos kong mag-ayos ay sumakay na ako sa kotse ni Ronan para ihatid sa school.
Habang umaandar ang sasakyan ay tumama ang tingin ko sa tindahan sa may tabi. Naalala ko bigla yung sinabi ni Fabby sa akin.
"Ihinto mo ako sa may tindahan," dali dali kong sabi sa kanya sabay hawak ng balikat niya at hindi tinatanggal ang paningin sa tindahan mula sa bintana.
BINABASA MO ANG
FAMILY CIRCLE
Romance"We look like a family, but we don't feel like we're family at all." Si Nix ay isang normal na babae na napakatalino sa campus ngunit may malalaking isyung pampamilya sa bahay. Sa pagcecelebrate ng kanilang pagtatapos ng second year college, nalasin...