Chapter 17
Pagkatapos kong magsuka ay nag-ayos na ako sa sarili kahit alam ko na hindi yun naayos ng maayos dahil sa panghihilo.
Lumabas na ako ng cr ng wala na si Ronan dun.
Saan ang lalakeng yun?
Nang lilingon na sana ako sa kanan ay may nabangga akong lalake.
Takte, humaharang oh!
Agad agad akong umatras at saka inirapan ng likod niya.
"Hoy lalake ka hindi kaba marunong tumingin sa dinaraanan!" sigaw ko sa likod niya sabay turo. Mukhang hindi niya ako narinig.
Aba nga naman, dinedma lang ako!
Nang sisigaw na sana ulit ako ay biglang may nararamdaman akong kakaiba...
Kakaibang pamilyar,
Dahil sa kagustuhang alamin ang pamilyar na yun ay nagtangka akong lumapit sa kanya pero bigla siyang humarap sa akin kaya napaatras ako. Dibdib na niya ngayon ang nasa harapan ko. Medyo isang buong kamay ang pagitan ng mukha ko sa dibdib niya. Sa posisyong yun ay hindi ako mapakali na amuyin yun at nang naalala kona ang amoy ay napaatras ako agad.
D-darren?!
Nilingon ko ang mukha niya at mata agad ang sumalubong sa akin, nagtitigan pa kami ng ilang sigundo nang may narealize ako.
D-dark brown eyes...
Si Darren nga!
Pero parang namukhaan ko tong mukha na to, mukhang nakita ko siya sa...
Airport!
Shit... s-si...
"Mr. Asuncion, what brings you here?" bungad ng isang lalake sa likod niya dahilan para lumaki ang mga mata ko.
Mr. Asuncion?!
P-paanong...
Paanong si Mr. Asuncion si Darren?!
H-hindi ako nagkakamali na siya yung lalakeng yun dahil sa amoy niya at sa kanyang mata,
Pero hindi ko tanggap na si Mr. Asuncion ang lalaking yun!
Bigla nalang akong nanlambot dahil dun. Hindi tinanggap agad ng sistema ko ang aking nalaman.
Hindi maaari, hindi maaari...
Bago pa ako mawalan ng malay ay biglang may sumalo sa akin sa likod.
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Nakabukas pala ang bintana. Bumangon na ako at nilingon ang bedside table nang may nakita akong pancake at honey. Sa tabi nun ay may sticky note. Tumayo ako saka ko kinuha yun.
Eat well, something came up so... see you later hon... love you.
Ronan,
BINABASA MO ANG
FAMILY CIRCLE
Romance"We look like a family, but we don't feel like we're family at all." Si Nix ay isang normal na babae na napakatalino sa campus ngunit may malalaking isyung pampamilya sa bahay. Sa pagcecelebrate ng kanilang pagtatapos ng second year college, nalasin...