2nd Circle | 20

6 2 0
                                    

Chapter 32

Hindi ko na sila pinansin pa. Umiwas ako ng tingin sabay cross arm at nakapout. Iniisip kung anong namana ni Dawn sa akin, mukha namang halos buong pagkatao niya ay kay Darren nagmana. 

Ang daya...

Napalingon ako kay Darren nang tumayo siya at saka lumapit sa gawi ko. May kinuha siyang folder sa cabinet niya at saka lumapit ulit sa akin. "So, you wanted to become a Asuncion huh?" nakakaloko niyang tanong sa akin.

Napatitig pa ako sa kanya ng ilang segundo bago ako umiwas ng tingin. "O-oo, hindi dahil gusto kita-"

"I didnt say anything," putol niya sa sabihin ko.

Mas lalo ko namang iniwas ang tingin ko sa kahihiyan.

Ayan pa Nix, masyado ka lang assuming...

"Y-yun nga, dahil ginawa ko to para kay Dawn. Malaki ang pagkukulang ko sa kanya kaya babawi ako," pahinang sabi ko.

Takte... bat naman ako nagkaganito?

"How about me? Hindi kaba babawi sa akin?" tanong niya dahilan para nagulat ako at saka dali dali siyang nilingon.

"H-huh?" nauutal ko pang tanong sa kanya. "Ano naman pakealam ko sayo?" takang tanong ko sa kanya.

Bumitaw pa siya ng mahinang tawa. "Wow, I was the one who'll tied to you Guevara, not just Dawn," sabi niya. "And also, tinago mo ang anak ko from me so you should pay for it," sabi niya. Lumaki naman agad ang mga mata ko.

Eh paano naman eh hindi kita kilala nun! Ulol rin to minsan eh.

Tinaasan ko siya ng noo. "Eh ikaw? Dapat magbayad ka rin! Wala ka sa tabi ko para alagaan si Daryl!" sigaw ko sa kanya.

Tumango naman siya agad. "Okay, I'll pay, name your price," plain niyang sabi kaya napalaki ko agad ang mga mata ko.

"A-anong, hindi pera ang kailangan ko!" sigaw ko sa kanya.

"What do you want, name it," plain parin niyang sabi, lumapit siya sa may ilalim ng lamesa at nang nalaman kong cheke ang kunin niya ay agad agad kong hinawakan ang braso niya. 

"Woi!" tigil ko sa kanya. Nilingon niya ako kaya nagtama ulit ang mga paningin namin. Napatitig pa ako ng ilang segundo saka ako umiling agad at saka umangal. "Aishh, pipirma na ako," sabi ko sabay kuha sa folder na hawak niya sa kanan.

Binuksan ko yun at tama nga na marriage contract ang nasa loob nun.

"Are you sure Guevara?" paninigurado ni Darren sa akin.

Tumango naman ako agad saka ako kumuha ng ballpen mula sa lalagyan niya. "Yes. Para sa anak ko," sagot ko.

"Okay then," sabi niya. Umalis na siya sa table niya at saka lumapit sa table para kunin ang folder niya. "You can read the papers before you sign, I still have works to do," sabi niya habang inasikaso ang sarili.

Tumango naman ako saka ako nagbasa. Kahit na sa statement ako nakatingin ay biglang naglayag ang utak ko sa ibang henereasyon, I mean sa ibang lugar.

FAMILY CIRCLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon