Chapter 23
Simula nun ay hindi ko na pinansin si Dawn. Tinatawag ko siya minsan para sagutin ang tanong ko, sinagot naman niya. Siguro hanggang teacher-student lang talaga ang namamagitan sa aming dalawa.
Galit siya sa akin.
"Class dismissed," sabi ko saka nagsipag tayuan na ang mga estudyante. Bukas ay sabado na kaya may oras na kami ni Ronan na magdate ulit.
Habang inaayos ko ang mga kagamitan ko ay sinulyapan ko si Dawn. Mukhang okay lang naman siya, walang nagbago, ganun parin walang expression, focus sa libro.
Tapos na ako sa mga pinaggagawa ko sa lamesa kaya nilingon ko ulit si Dawn. Mukhang marami pa siyang ginagawa kaya tinawag kona siya. "Dawn, I'm heading now," pilit kong magtunog okay kahit na presko parin sa isipan ko ang nagyare sa amin nung nakaraan.
"Leave the keys there," malaming na sabi niya, hindi manlang nag-abalang lumingon sa gawi ko.
Umiling ako agad. "No."
Napahinto siya sa ginagawa dahil sa narinig. Nilingon niya ako at tinaasan ng kilay. "What do you mean 'no'?" plain paring tanong niya sa akin.
"I'll wait for you here," plain ko ring sabi saka ko nilabas ang science notebook at nagsimulang maghighlight.
Hindi ko pwedeng iwan si Dawn dito na mag-isa...
Sinulyapan ko si Dawn at bakas na ngayon sa mukha niya ang gulat, pero sa makalma na paraan. Hindi ko alam kung bakit pero parang gusto kong mag-saya, parang may nagawa akong achievements na ewan.
May nakita narin akong ibang expression bukod sa wala!
Gusto kong ngumiti sa kanya pero hindi ko magawa, baka magbago bigla ang timpla ng mukha niya, maging bato pa ang achievements ko.
Tinitigan pa niya ako ng ilang segundo saka niya binalik ang sarili sa ginagawa. Bumalik narin ako para maghighlight.
"Excuse me, is Miss Guevara here?" tanong ng isang boses lalake sa may pintuan.
"It's me- hon!" tawag ko sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin saka niya binuksan ang pinto at lumapit para gagawiran sana niya ako ng halik sa noo ng may nakitang siyang bata sa dulo.
Sumalubong naman bigla ang kilay niya. "Bat may estudyante pa dito? Hindi mo pinapauwi?" takang tanong niya sa akin.
Natawa naman ako sa itsura niya. "Oh no, I waited for him, hindi pa kasi siya tapos eh," nakangiting sagot ko sa kanya. "Oh, that was Dawn," pakilala ko sa kanya kay Dawn.
"Oh..." sabi niya. Lumapit pa siya sa tenga ko saka bumulong. "You mean the boy who hated you," natatawa niyang sabi kaya hinapas ko siya sa balika. Umiling naman si Ronan saka nagtangkang lumapit kay Dawn. Hindi man lang niya nilingon si Ronan na paparating sa kanya.
"Hello young man-"
"Im done," putol ni Dawn sa kanya saka siya tumayo, nilagay niya ang mga libro at papel niya sa kanyang bag saka niya binuhat at nilampasan si Ronan. Huminto siya sa harapan ko. "You can leave now Maam since your honey do some efforts of coming here." Tinalikuran na niya ako pero huminto siya agad. "Goodbye ma'am," sabi niya saka niya tuluyang nilayasan ang room.
BINABASA MO ANG
FAMILY CIRCLE
Romansa"We look like a family, but we don't feel like we're family at all." Si Nix ay isang normal na babae na napakatalino sa campus ngunit may malalaking isyung pampamilya sa bahay. Sa pagcecelebrate ng kanilang pagtatapos ng second year college, nalasin...