Chapter 31
"Good. Welcome Mrs. Asuncion," sabi nung lalaki sabay lahat ng kamay niya papasok sa pinto. Naiilang pa ako nung una pero pumasok narin ako, sumunod naman siya sa akin sa may likod.
Takte... ganito naba ang trato nila sa akin kapag maging Asuncion na ako?
Wow... lakas makaangkin mo ng apilyedo Nix ah!
Tumikhim nung lalake sa may likod ko kaya nilingon ko siya. "Let me introduce myself, I'm Philip Ximenez," nakangiting pakilala niya sa akin sabay lahad ng kamay niya sa akin.
"Oh, Nianna Xyreen Guevara," pakilala ko rin sabay tanggap ng kamay niya.
Akala ko shake hands ang magaganap pero hinawakan agad niya ang kamay ko sabay lapit nun sa nguso niya saka dinampian yun ng magaan na halik. "I know," nakangiting sabi niya dahilan para namula ako.
Takte, hindi ako sanay sa ganito...
Binitawan naman niya yun kaya agad ko yung binawi. Natawa pa ng mahina yung Philip dahil sa asta ko. "Hinahanap mo ni Mike?" nakangiting tanong niya saakin.
Sumalubong naman ang kilay ko sa narinig. "Mike?"
Umiwas naman siya ng tingin sabay tumawa ng mahina. "Haha." Nilingon naman niya ako agad. "Si Darren, His buddies called him Mike," nakangiting sabi niya.
Pinaningkitan ko siya ng kilay. "Saan nyo nakuha?" tanong ko.
Mas lalo namang lumawak ang ngiti niya. "Darren Michael ang pangalan niya," sabi niya.
Tumaas pa ang dalawa kong kilay, naalala ko bigla yung nabasa kong contract. "Oh," naging sabi ko.
Michael pala...
"Anong kailangan mo sa kanya?" tanong niya saakin.
"Um something important," sagot ko.
"Oh, gaano kaimportant?" tanong niya ulit. Mukhang iba ang pag-intindi ko sa 'important' niya.
Umiwas naman ako ng tingin sabay kamot ng pisngi ko. "Um, I dont know."
Hindi ko naman alam kung importante ba ang marriage contract na yun kay Darren o maging sa akin, para sa anak namin yun, siguro consider na yun as important diba?
"Hahaha," tawa pa niya sa asta ko. "I heard you both two have a son," nakakaloko niyang sabi sa akin dahilan para maimulat ko ang mga mata ko sa gulat.
So alam niya?
Umuwas agad ako ng tingin. "U-um y-yes," nahihiya ko pang sagot.
Bakit ko ikinahihiya na may anak kami? Kasalanan ko ba?
"Nice, can I meet him? Ilang taon na siya? Nasaan siya ngayon? Kahawig ba ni Mike?" sunod sunod na tanong niya sa akin. Kitang kita sa mukha niya ang liwanag at kagustuhang makita si Dawn
"Um hehehe," tanging nahihiyang tawa nalang ang ganti ko, hindi ko naman alam kung nasan si Dawn ngayon at saka hindi ko kayang pantayan ang hyper nitong isa.
BINABASA MO ANG
FAMILY CIRCLE
Romance"We look like a family, but we don't feel like we're family at all." Si Nix ay isang normal na babae na napakatalino sa campus ngunit may malalaking isyung pampamilya sa bahay. Sa pagcecelebrate ng kanilang pagtatapos ng second year college, nalasin...