Chapter 1
"Cheers!" naglalakasang sigaw ng mga kasamahan ko habang inangat nila ang kani kanilang baso upang makipag toast.
Nasa bar kami ngayon, sineselebrate namin ang completion ng second college namin. Date check, It's March 2005.
Im a 2nd year college completer and next school year ay 3rd year college na ako. Excited na akong makatapos ng college para makahanap na ako ng trabaho bilang isang teacher.
Yes, teaching ang kinuha ko na course.
"So... anong plano mga classmates?" tanong ni Amber sa amin. Kaibigan ko. Siya ang pinakasikat sa lahat. Higit sa maganda, mayaman at may utak, hahabulin pa ng mga lalake.
"Well, I'll be transfer to London to continue my law course," plain na sabi ni Haevyn. Kaibigan ko rin. Siya ang pinaka tahimik sa magkaibigan. Madaming alam tungkol sa mga bagay bagay lalo nat tungkol sa laws. Pati pakikipagsalita niya tunog abogada rin.
"Oh ikaw? Nix anong plano mo after graduation?" baling ni Amber sa akin habang tinutunga ang baso niyang may alak.
Ngumiti lang ako ng tipid. "Malamang magtake ng board exam para maging licensed teacher na," sabi ko.
Pinanlakihan ako ng mga mata ni Amber. "Gosh girl! Bakit nga ba teaching ang kinuha mo? Sabagay, mabuti nga yun magagamit mo ang natutunan mo sa Academics. You're such a high like, highest among the highest!" sigaw niya sabay angat ng kamay niya. Halatang lasing na siya.
Nianna Xyreen Guevara, yan ang pangalan ko. Top 1 sa klase, laging nasa dean's list at simpleng buhay at simpleng pangarap lang ang meron ako.
Natawa nalang ako sa inasta ni Amber. Uminom na rin ako. Nangako pa naman ako sa sarili ko na hindi na ako iinom dahil sa mahina lang ang alcohol tolerance ko at kung masobrahan, magwawala ako na para bang... ayaw ko nang sabihin, nahihiya tuloy ako.
Pero ngayon, habang tumatagal, mas lalong sumasarap ang alak, at mas lalo akong nalulong dahil dun.
"Shot! Shot! Shot! Shot!" Sigaw pa ng kasamahan ko nang natalo si Haevyn sa laro at painumin ito. Ngayon lang siyang pumayag na sumali sa party naming kabatch kaya naging gitna siya ng atensyon.
Napailing nalang siya at saka tinunga niya ang alak. Nagsipag tawanan naman ang kaklase ko sa ginagawa niya.
Matahimik lang yang babae na yan pero malakas rin yan sa inuman.
Inabutan kami ng oras sa bar na yun. Pawang inuman, tuwaan, harutan, sayawan at iba pa. At dahil nakaupo lang ako dito sa pwesto namin ay walang puas rin akong umiinom habang ang iba ay nagsasayawan na at yung iba naman ay nagmamake out na.
Si Amber ang tinutukoy ko.
At yun na nga, may lalaki siyang kinandungan at walang puas silang naghahalikan. Sanay na ako sa babaeng nayan kaya okay na sa akin na makita ko siyang ganyan. Kahit ganyan siya ay mabait naman. Palagi niya kaming tinutulungan hindi lang sa financial, maging bilang mabuting kaibigan narin.
Si Haevyn naman, yun may kaharutan sa may tabi.
Hays, mga kaibigan ko talaga.
Tumunga ulit ako. Hindi ko na maalala kung pang ilang baso ko nato pero bahala na, uuwi rin naman ako mamaya.
Hindi ko alam kung bakit pero parang nararamdaman ko nalang ang tama ng alak sa akin.
Shit...
Medyo nahihilo na ako at sumasakit na ang ulo ko na para bang kahit kailan pwedeng pwede na akong matumba at matulog sa sahig.
BINABASA MO ANG
FAMILY CIRCLE
Romance"We look like a family, but we don't feel like we're family at all." Si Nix ay isang normal na babae na napakatalino sa campus ngunit may malalaking isyung pampamilya sa bahay. Sa pagcecelebrate ng kanilang pagtatapos ng second year college, nalasin...