Chapter 15
Naglalakad kami ni Amber sa kalye habang kumakain ng kwek kwek, ewan ko ba ni Amber kung bakit naisipan niyang mag kwek kwek ngayon.
Habang naglalakad kami, parang pamilyar sa akin ang kalye. Hindi ko alam kung bakit pero parang...
"Huwaaaaaaaa!"
"Daryl!" sigaw ko agad sabay lingon lingon sa paligid. Biglang kinakabahan ako sa hindi ko malamang dahilan.
Nagtaka naman si Amber sa inasta ko. "Oh Nix, naano ka?" takang tanong niya saakin.
Nilingon ko si Amber. "May narinig kabang iyak ng bata?" takang tanong ko sa kanya. Imposible na ako lang ang nakakarinig nun dahil parang ang lapit lang nun sa may gawi namin.
"Oo, siguro nandun yun sa may unahan. Bakit?" tanong sa akin ni Amber. "At saka anong Daryl?"
Nilingon ko ulit ang kalye, kahit medyo may nagbago sa lugar ay hinding hindi yun nabago na,
Dito ko iniwan ang anak ko.
Dali dali akong tumakbo sa kalyeng yun,
"Hoy Nix! Sandali!" sigaw ni Amber sa may gawing likod ko.
Takbo ako ng takbo, may hinahanap, may gustong makita, may gustong puntahan. Hanggang sa nakita ko ang puno kung saan ako nagtatago noon. Narinig ko ulit ang pag-iyak ng bata.
Daryl!
Dali dali akong lumapit dun saka ko nilingon ang puno saka ang bahay sa gawing harapan nun. Kailangan ko pang tumawid sa daan kasi medyo malayo layo yun.
Ang anak ko...
Umiiyak ang anak ko!
Tumakbo ako agad sabay lapit sa gate ng bahay na yun. Napahinto ako sa narinig ko ulit
"Huwaaaaaa,"
Napalingon ako sa kabilang direksyon at may mag-asawang nagdadala ng isang sanggol, pinatahan at...
Hindi yun si Daryl.
Napalingon ako ulit sa bahay.
Tahimik,
Walang buhay,
Parang walang nakatira,
Nasaan ang mga tao dito?
Kahit kinakalaban ako ng isip, sinubukan ko paring mag-doorbell pero walang sumasagot.
"Ah miss, may hinanap kaba?" tanong ng babaeng dala dala ang sanggol na umiiyak kanina.
Nabigla pa ako nung una pero dali dali naman akong bumitaw ng ngiti. "Ah opo, nasaan na po yung mga taong nakatira dito?" pilit kong magtunog kalma ang pagsasalita ko upang hindi ako mahahalataang may hinahanap ako.
"Ah, nag-abroad sila, pitong taon na ang nakakalipas," sagot sa akin nung babae dahilan para napahinto ako sa kinatatayuan ko.
BINABASA MO ANG
FAMILY CIRCLE
Romansa"We look like a family, but we don't feel like we're family at all." Si Nix ay isang normal na babae na napakatalino sa campus ngunit may malalaking isyung pampamilya sa bahay. Sa pagcecelebrate ng kanilang pagtatapos ng second year college, nalasin...