Chapter 26
Napansin kong kumuha si Darren ng slice ng cake para ilagay sa platito at inabot yun ni Dawn na ngayon ay nagbabasa parin ng magazine. Nang napansin niyang may nilapag si Darren sa harapan niya ay binaba niya ang binasa saka kumuha ng maliit na tinidor at nagsimulang kumain ng cake.
Wow, de sila na.
Ano paba ang hinihintay ko? Kunan rin ako ni Darren ng cake? Duh!
Kumuha ako ng isang platito at saka maliit na tinidor, paglapag ko nun sa harapan ko ay biglang naglagay si Asuncion ng isang slice ng cake, at may cherry pa sa dulo. Hindi ko alam kung bakit pero, medyo napangiti ako.
Nix naman, binigyan ka lang, walang meaning yun!
"Eat up," sabi niya sabay subo sa cake niya. Nagkuha na pala siya ng kanya. Nagsimula na rin kaming kumain.
Habang kumakain kami, hindi ko maiwasang sulyapan ang mga kasama ko. Si Dawn, nakatuon ang sarili sa platito habang kumakain, habang si Darren naman ay kumakain habang may binabasang magazine.
Hindi ko alam kung anong sadya namin dito, siguro gustong kumain ni Darren ng cake na may kasama.
Pwede naman yung secretary niya, diba?
O di kaya'y yung dalawang lalake,
O di kaya'y yung babaeng nagdeliver kanina,
Bat kami?
At bakit kami nandito?
Anong kailangan niya?
Napansin ko nalang na malapit nang maubos ang cake nila habang ako ay kalahati pa.
Takte, iniwan ako!
Dahil dun, dali dali kong kinain ang cake ko. Paglapag nila sa tinidor nila ay dali dali kong nilapag ang tinidor ko habang lumobo ang pisngi ko dahil sa kinakain.
I made it! Sabay kaming natapos!
Taka akong nilingon ng dalawa. Si Dawn na nanlaki ang mga mata at si Darren na nakatingin sa magkabila kong pisngi.
Dahil sa reaksyon nila ay dali dali kong ninguya yun. Inabutan naman ako ng tubig ni Darren kaya tinanggap ko yun at saka ininom.
Whoah!
Nag-ayos na ako saka ako umupo ng maayos, nagkukunwaring wala akong ginawa.
Hehehe...
Pinunasan narin ni Darren ang bibig niya, maging si Dawn. "Are you done eating Domingo?" baling niya kay Dawn.
"Yes Mr. Asuncion," plain na sagot ni Dawn.
Nilingon naman ako ni Darren. "How about you Guevara?" Tanong niya sa akin.
Tumango naman ako agad. "Oo," sagot ko.
Tinitigan pa niya ako ng ilang segundo saka siya bumalik sa harapan. "Good, I wanted to discuss some matters, very important matters," panimula niya.
BINABASA MO ANG
FAMILY CIRCLE
Romance"We look like a family, but we don't feel like we're family at all." Si Nix ay isang normal na babae na napakatalino sa campus ngunit may malalaking isyung pampamilya sa bahay. Sa pagcecelebrate ng kanilang pagtatapos ng second year college, nalasin...