2nd Circle | 8

7 2 0
                                    

Chapter 20

Kahit ganoon ang pormahan niya ay sobrang gwapo niya parin. Naka uniform siya ng white pollo, dark blue short na may straps na nagmumukhang jumper, black shoes, may specs pa. Nakagel ang buhok niya at mukhang genius siya sa asta niya.

Hindi ko alam pero parang tinititigan namin ang isat-isa, sinaulo ang mukha namin sa isat-isa, parang may nakita kaming kakaiba sa isat-isa.

"Does anyone calls you 'Nix' by any chance?" nagulat ako ng bigla siyang nagtanong sa akin. Napakurap pa ako ng ilang beses saka ko nasink in ang tanong niya.

N-nix? Paano niya nalaman ang nickname ko?

"Umm..." naging daing ko sabay iwas ng tingin. Ramdam na ramdam ko parin ang kakaiba niyang titig saakin.

"Hey Dawn! Ohh, hi ma'am pretty," bati sa akin ng isa pang bata. Pareha sila ng suot ni Domingo.

"Hello," bati ko, maya maya ay naalala ko yung paano nila ako tawagin.

P-pretty?

"Why does everyone call me ma'am pretty?" takang tanong ko sa aking sarili na hindi ko pala napansin na nailabas ko yun sa bibig ko. 

"Because your pretty, sense please," sagot ni Dawn na ikinagugulat ko. Tumayo na siya bigla saka niya nilisan ang classroom. Sumunod naman yung batang lalakeng tumawag sa kanya.

Napakurap pa ako ng ilang beses. Sa hindi ko malamang dahilan ay namula ako.

Does he called me pretty? Gosh baka bata mapatulan kona! Ang sama ko namang girlfriend!

Tapos na ang lunch, kaya bumalik na sila sa kanilang upuan. Nagsimula na ang klase. Kahit medyo nawiweirduhan ako minsan sa mga gawain nila at yung mga nakasanayan nila ay hindi ko maiwasang sumakit ang ulo ko.

Hay...

Tapos na ang klase. Nagligpit na ako ng mga gamit sa lamesa ko nang lumapit bigla si Dawn sa akin. Umupo ulit siya sa silya kung saan nakatapat sa mismong harapan ng lamesa, nagkacross pa ang mga braso at saka tinititigan ako. Tulad nung ginawa niya nung lunch time.

Kahit medyo naiilang na ako sa bata na ito ay kailangan ko siyang tanungin. Baka may kailangan siya o ano. Nilingon kopa ang kaliwa at kanan ko saka ko siya nilingon. "Um Mr. Domingo, you need anything?" mahinahon kong tanong sa kanya. Baka naman sasagutin na niya ako ng matino ngayon.

Hindi man lang siya rumeak. "You didn't answer my question last time," plain niyang sabi habang nakatitig parin sa gawi ko.

"U-uh?" patay malisya ko pang tanong sa kanya sabay iwas ng tingin.

Takte ka Nix! Bata lang yan! Bat ka nagkaganyan?

"Does anyone calls you 'Nix' by any chance?" tanong niya ulit sa akin. Ngayon ay may emphasis na ang word 'Nix'.

Umm... sasagutin ko ba? Bakit naman hindi diba?

Pero first day ko palang, wala pa akong masyadong kaalam alam sa klaseng to. Dagdag pa na hindi ko kilala masyado ang batang nasa harapan ko ngayon.

FAMILY CIRCLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon