1st Circle | 3

15 3 0
                                    

Chapter 3

"Oh, kumusta na ang parents mo?" alalang tanong ni Amber sa akin.

Nasa labas na kami ng sinehan. Sinamahan ko na siya kasi yun nga, gusto niyang magpasama. Sinamahan ko na para kahit papano makabawi rin.

Lalong lalo na yung tungkol kanina...

"Pagpasenyahan mo muna ang mga magulang ko ah? Hayaan mo, makakabawi rin ako sayo," sabi ko sa kanya habang nakayuko. Hindi ko maialis sa katawan ko ang kahihiyan.

"Asus, thats what friends are for..." sabi pa niya sabay hampas ng balikat ko. Mahina lang naman.

Dali dali ko naman siyang nilingon. "Kahit na... magkano ang binigay mo sa kanila?" tanong ko.

"Hmmm, 10k?"

Lumaki bigla ang mata ko sa narinig. "10k? As in ten thousand?" paglilinaw kong tanong sa kanya.

Saan kami makakahanap ng 10k? Ni 500 nga mahirap nang hanapin, yang ganyang kahalagang pera pa kaya?

Humangad pa siya sa ibabaw, parang may inaalala. "Siguro... Hindi ko matandaan. Sana naman makakatulong na yun," sabi niya sa sabay lingon saakin.

Hindi ko mapigilang umiyak, na naman.

Ganoong kalaking halaga? Mapupunta lang sa sugalan? Takteng buhay to...

"Ohh gurl? Umiiyak ka na naman?" takang tanong niya sabay hawak ng magkabila kong pisngi at marahan na pinunasan ang mga luha ko ko. "Hayaan mo na yun girl, parang hindi mo naman ako kilala. Tara na punta tayo sa mall, libre kita," mahinahon niyang yaya sa akin. Halatang pinapagaan niya ang loob ko.

Umiling ako agad. Sobrang sobra na ito. "Wag na Amber, nakakahiya, mukhang binubuhay mo na nga ang pamilya ko ehh..." humagulgol ko pang sabi sa kanya.

"Nix naman. Hayaan mo na nga yun. Babayaran mo naman ako soon diba? Kaya lubusin mo na ngayon!" natatawa pa niyang sabi.

"Oo naman, malaki ang utang ko sayo kaya babayaran ko yun," pabiro ko ring sabi sa kanya.

"Kaya naman pala ehh, kaya samahan mo ako. Shopping tayo," nakangiti niyang anyaya. Wala na akong magagawa kundi ang sundin siya.

Ito lang ang tanging paraan na alam ko sa ngayon upang mabayaran ko ang utang ko sa kanya.

Napakaswerte ko dahil may Amber sa buhay ko,

Habang umuuwi ako sa bahay galing sa labas, hindi talaga maiiwasan na maabutan kong nag-aaway sila mama at papa. Palagi nalang silang ganyan. Hindi naman ako tumangkang sumali sa kanila dahil kakaiba ang ugali ni papa. Hinahayaan ko nalang silang magsigawan para hindi na lumaki ang lahat. 

Kahit na naaawa na ako kay mama,

"Anak," tawag sa akin ni mama mula sa pinto. Nasa kwarto ako ngayon habang nililibang ang sarili ko sa pamamagitan ng pagkain ng mani. 

Binuksan na niya yun at saka pumasok. Habang kumakain ako, nakatulala rin ako sa kawalan, iniisip kung paano kami makakalabas sa sitwasyong ito.

FAMILY CIRCLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon