Chapter 12
Napaupo ako sa gilid ng kalsada. Sa tabi ko ay ang gate ng elementary school. Nilapag ko muna ang mga gamit ko sa kalsada habang hawak ko parin si Daryl sa braso ko.
Sinubukan kong tawagan si Amber. Pero hindi siya sumasagot.
Tinawagan ko rin si Haevyn. Hindi rin siya sumasagot. Siguro nasa klase siya.
Isa nalang ang natira.
Tinawagan ko si Colton, alam kong class hours ngayon kaya malabo na sasagutin niya ang tawag pero hindi ko inaasahan sa narinig ko.
"Ugh-ah-ah-ugh! Shit... Hello? Hello Nix?" sagot niya sa tawag.
Bumagsak ulit ang luha ko saka ko pinatay ang tawag.
Busy si Colton.
Napasandal nalang ako sa dingding ng gate ng school. Wala na masyadong batang lumalabas kasi class hours.
Nilingon ko ang mga buildings sa may distansya.
Wasak na ang pangarap ko.
Dahil sa kahirapan...
Dahil sa aking magulang...
Sa aking kasalanan...
Sa aking anak...
Nilingon ko si Daryl. Napakapayapa ng mukha niyang natutulog sa bisig ko.
Ano na?
Napagdidisyunan kong maglakad ulit. Ewan ko lang kung saang kalye na ako napapad. Ewan ko lang kung anong nangyare sa buhay ko. Ewan ko lang kung anong ginagawa ko rito.
Pagod na ako...
Pero kailangan kong mabuhay.
Ito lang ang tanging pangarap ni mama para sa akin.
Wala na akong balita tungko kay papa. Wala narin akong pakealam sa kanya.
Habang naglalakad ako sa mga bahay bahayan, may nakikita akong mag-asawa sa may gawing pintuan. Siguro nagpapahangin sila. Nakayakap ang lalake sa likod nito. Nasa may distansya lang ako kaya hindi nila ako napansin.
"Hon," tawag ng babae sa lalake.
"Hmm," sagot naman ng lalake.
"Alam mo ba kung ano ang pangarap ko?"
"Ano?"
"Ang magkaanak tayo," malumay na sabi ng babae habang nakayuko. Bakas sa tono niya ang dismaya at kasabik na may anak.
Biglang bumagsak ulit ang luha ko.
Bakit?
Bakit yung mga taong gusto ng anak hindi binibigyan, habang yung hindi gusto, binibigyan.
Hindi ko naintindihan.
Napalingon ulit ako ni Daryl.
BINABASA MO ANG
FAMILY CIRCLE
Romance"We look like a family, but we don't feel like we're family at all." Si Nix ay isang normal na babae na napakatalino sa campus ngunit may malalaking isyung pampamilya sa bahay. Sa pagcecelebrate ng kanilang pagtatapos ng second year college, nalasin...