Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit palaging mainit ang ulo ko. Hindi naman ako ganito dati.
"Baby," nagmamakaawa si Mikel sa akin.
"Ano?" inis na lingon ko sa kanya.
"What's wrong?" He asked carefully, afraid I would get annoyed again.
Napapansin ko na madalas mainit ang ulo ko sa kanya kahit wala naman siyang ginagawa. Hindi ko alam kung ano ang dahilan.
THIRD PERSON POV
Nasa opisina si Mikel ngayon. Hindi siya mapakali dahil kaninang umaga pa hindi sinasagot ni Mayumi ang mga tawag niya. Nag-aalala na siya.
"Ganito ba talaga kapag may asawa na?"
"What?" He furrowed his brows at his friend na prenteng nakaupo sa harap niya.
"Maang-maangan pa si Gago," sumisipol na sabi pa ni Jan. Halatang inaasar ang kaibigan.
Habang ang problemadong si Mikel ay abala sa pagpindot sa cellphone dahil kanina pa ito hindi nirereplyan ni Mayumi.
"Pag-ibig nga naman. Nakakabaliw," banat ni Jan na hindi maimahe ang sarili na magkaroon ng asawa. Kinikilabutan siya.
"I gotta go!" Dali-daling tumayo si Mikel. Handa nang umalis.
"Sige, ingat ka, lover boy," sabay tapik ni Jan sa braso ng kaibigan.
"Good luck," mapang-asar na sabi pa ni Jan. At sabay silang lumabas ng opisina.
"Can't wait to see you too, dude. Settle down, soon," Mikel teased his friend.
"Sonomi, maybe?" Pahabol pa niya, sinasabayan ang pang-aasar ng kaibigan. Biglang sumama ang mukha ni Jan nang marinig ang pangalan ng babae.
"Wtf, dude?" He said annoyed. Halatang pikon na.
"What? I thought she's in love with you?"
"Oh, come on! S-she's not my type!" Halata sa boses nito na sumusuko na. Kapag si Sonomi ang pinag-uusapan, ang bilis nitong sumuko nang hindi niya alam.
"I see," halata sa boses ni Mikel ang pang-aasar.
MAYUMI'S POV
Nasa kusina ako ngayon kasama si Nanay Adel.
"Kanina pa tumatawag ang asawa mo, hindi mo ba sasagutin?" tanong ni Nanay Adel.
"Kanina pa nga po niya ako kinukulit, Nay. Naiinis na nga po ako," malumanay na sabi ko ngunit mahihimigan ang iritasyon sa boses ko.
Ilang araw nang napapansin ni Nanay Adel na mabilis akong mainis. Hindi kaya buntis ako?
"May nararamdaman ka bang kakaiba, Anak?" Nanay Adel asked gently.
"Wala naman po, Nay. Maliban na lang po sa kadalasang pagkahilo at sakit sa ulo." Masama rin ang pakiramdam ko. Hindi naman ako napapagod sa gawaing bahay dahil wala naman akong halos ginagawa.
"Hindi kaya buntis ka, Anak? Kailan ka huling niregla?" maingat na tanong ni Nanay Adel.
"Dalawang linggo na po akong delayed, Nay," my eyes widened. Ibig sabihin, buntis ako? Bakit ngayon ko lang naisip ang bagay na iyon? Hinaplos ko ang impis kong tiyan.
"Naku, kailangan itong malaman ng mga magulang niyo!" Masayang sabi ni Nanay Adel at dali-daling pumunta sa telepono at tinawagan ang magulang namin ni Mikel.
Wala pang tatlumpung minuto ay nakarating na sila Mommy, kasama ang butler ng mga ito na may bitbit na gamit pangbata. Napatampal ako sa aking noo. Masyado namang advance mag-isip ang mga magulang namin. Bitbit ng mag-asawang Lavigne ang purong kulay asul na gamit pangbata samantalang bitbit naman ng mag-asawang Abella ang purong kulay pink na gamit pangbata? Talaga? Ganyan sila ka-excited? Samantalang hindi pa nga ako sigurado kung buntis ako o hindi.
Masayang nilapitan ako ng dalawa kong ina, hinalikan at niyakap. Samantalang ang dalawang ama ay niyakap ako.
Ang mga magulang namin ang nag-ayos at nagsalansan kung paano ang ayos ng laruan. Ang mga ito rin ang nag-decorate at nagdisenyo, pati na ang pagkabit ng lobo na may nakasulat na "Boy" o "Girl". Wala na akong magawa kundi hayaan ang mga magulang sa gusto nilang gawin.
Nang marinig na may dumating na sasakyan, inihanda namin ang sarili. Isusurpresa namin si Mikel na kadarating pa lamang. Pagkabukas ng pinto,
"Surprise!" Sabay-sabay na sigaw ng mga magulang namin. May hawak pa kaming confetti na sumasabog. Nangunot ang kilay ni Mikel sa pagtataka. Nilibot niya ng tingin ang buong paligid.
"What's that for?" he asked, looking at me intently.
Tinutulak ako ng dalawang ina palapit kay Mikel. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makapagsalita. Bigla na lamang ako napatulala, hindi mailabas ang dapat kong sabihin.
"A-ano, Hubby. Ano kasi" nauutal na sabi ko, si Mikel ay naghihintay ng sasabihin ko.
"Ano? Hmm?" Malumanay na tanong niya, nakatitig lang ako sa kanya. Halata sa mata nito ang tuwa. Ang gwapo niya. Lalo tuloy akong hindi makapagsalita.
Nang hindi ko magawang ilabas ang nais kong sabihin, sila mommy na ang nagsabi para sa akin.
"Buntis si Yumi, Anak!" Masaya na sabi ni Mommy na mas excited pa sa akin.
"Magkakaroon na kami ng apo!" sabay-sabay nilang sabi. Nagtatalo pa sila kung babae o lalaki ang magiging apo. Lalo pang sumasakit ang ulo ko sa kakulitan ng mga magulang namin.
"I know. My baby is pregnant" bakas ang tuwa sa boses nito na halos maluha-luha pa. Gulat na napatingin ako sa kanya. Paano niya nalaman? At hindi pa naman kami sigurado kung buntis ba talaga ako.
"Magiging Daddy na ako, Yes!" he said happily and approached me to hug me.
Nagdiwang kami ng gabing iyon, kahit hindi pa sigurado kung may laman na ang tiyan ko o wala. Lahat kami ay masaya, lalo na ang gwapo kong asawa. Sa sobrang tuwa nito, hindi na umalis sa tabi ko. Nakayakap lang ito sa akin.
"What do you want to eat?" malambing na tanong ni Mikel sa akin.
"Busog pa ako," malditang sabi ko at tinalikuran ko siya.
"What did I do wrong this time?" Mikel wondered to himself.
"Baby, look at me please," ngunit hindi ko pa rin siya pinapansin. Naiinis ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit.
"Why didn't you answer my phone calls?" nagtatampong tanong niya. "Nag-aalala ako sa'yo!"
"Bakit ba kasi text ka ng text, tawag ka ng tawag?" masungit na sabi ko pabalik.
"Namimiss kita palagi. Nakakabaliw kapag hindi ko nakikita ang magandang asawa ko." Malungkot na sabi nito.
Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti. Nawala tuloy bigla ang inis ko sa kanya at napalitan ng kilig.
"Ewan ko sa'yo!" ang nasabi ko na lang.
Mikel approached me and hugged me. Slowly, he brought his face close to mine and kissed me, gentle and cautious, as if afraid of hurting me. I kissed him back, moving with him even I don't know how to kiss. Suddenly, he laughed in the middle of the kiss.
Dahan-dahang gumapang ang malapad na kamay ni Mikel papunta sa maliit kong bewang at maingat na pinipisil-pisil ito habang marahang akong hinahalikan. Isa pang halik ang pinakawalan niya bago niya ako tinigilan. Ang tagal na ng halik ngunit parang nabitin pa rin ako. Umaasa na hahalikan pa ulit ako ni Mikel, ngunit humiga na ito, tumabi sa akin at yumakap. Hays nakakabitin.
BINABASA MO ANG
A Love Written In The Stars✓
Romance[COMPLETED] "In the quiet of the night, I trace the lines of our love in the stars, each twinkling light a reminder of our shared destiny." ー Mayumi "Mayumi Chantrea, a simple woman and the sole heiress, has to marry Mikel, in order to fulfill her g...