MIKEL'S POV
I was busy reading the papers on the table when my phone rang beside me. Sino naman kaya ang tatawag ng alas-otso ng gabi? Maybe it was my mother. Nang makita ko ang caller, I was surprised. It was Mayumi. I answered it nervously.
"Hello, Mrs. Lavigne. Any urgent matters I should be aware of?" I made my voice serious so it wouldn't be obvious that I was nervous.
"Hello," sabi ng maliit na boses sa kabilang linya. My brow furrowed.
"Hi!" bati ko, nakaramdam ako ng excitement na hindi ko malaman ang dahilan.
"Who's this?" seryosong tanong ng cute na boses. I couldn't help but chuckle. The voice reminded me of my wife.
"Francheska Elyzia po," the cute voice said.
"Francheska Eyesha?" I repeated.
"No!" agad na sabi nito, halatang nairita sa sinabi ko. Tama naman ah.
"Elyzia," she corrected. Nawawalan na ng pasensya sa akin. Natawa naman ako.
"Eyesha? Ayesha?" tanong ko. Ano ba kasi pangalan ng cute na batang ito?
"Manong, mali po kasi!" sabi na naman nito. Aw, cute.
"I know your name na. Elesha?" I said, smiling.
"You're wrong again, manong," gigil na sabi ng bata. Hindi ko mapigilan ang matawa. Manong, huh?
"Elyzia," ulit na naman nito sa akin. Hirap na hirap na ito. Napangiti naman ako.
"Francheska Elyzia."
"Yes, tama po!" masayang sabi ng bata. Cute.
"Beautiful name," I said smiling.
"Thank you, manong." Natawa naman ako. Ang saya kausap ng batang ito. Parang si Mayumi. "Ikaw, manong, ano pong name mo?" tanong ng bata.
"I'm Mikel Cristopher, but you can call me Tito El!" pakilala ko kay Francheska. Nagliligpit na rin ako at handa nang umuwi ng bahay.
"Okay po, Tito El!" cute na sabi nito. Umingay ang background sa kabilang linya.
"Mommy ko, the cookies are ready na po ba?" tanong ng cute na bata sa kabilang linya. Kumunot ang noo ko. Sinong kasama ni Mayumi ngayon? Pamangkin niya ba? Magsasalita pa sana ako pero namatay na ang tawag.
MAYUMI'S POV
Nagbe-bake ako ng cookies ngayon. Paborito ito ng baby girl ko. Alam niyo na kung saan nagmana. Sa maganda niyang ina, syempre sa akin. Kapag nagluluto ay dinadamihan ko talaga dahil minsan nag-aagawan kaming mag-ina.
Nang matapos maluto ang cookies, nagtimpla ako ng gatas naming mag-ina. Bago ko siya pinuntahan sa salas. Nagulat ako nang makita ang anak kong hawak ang cellphone ko, nakalapit ito sa maliit niyang tainga tila may kausap.
"Francheska Elyzia," kinilabutan ako sa boses na iyon. Bigla akong natakot at kinabahan. She was talking to Mikel.
"Yes, tama po!" my innocent daughter said happily. Tuwang-tuwa sa kausap. Hindi niya alam na daddy niya ang kausap niya.
"Beautiful name!" I heard from the other line, and I smiled. If only he knew.
"Thank you, manong," my daughter said while laughing. I laughed at what my daughter called him. Manong. "Ikaw, manong, ano pong name mo?" tanong niya ulit kaya kinabahan ako.
"I'm Mikel Cristopher, but you can call me Tito El!" pakilala ni Mikel sa kabilang linya.
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi niya sinabi ang apelyido niya. Magtatanong ang anak ko kapag nalaman niyang Lavigne rin si Mikel. Palatanong pa naman itong anak ko. Abella ang palagi kong sinasabi sa mga tao kapag may nagtatanong. Pero sa birth certificate ng anak ko, "Francheska Elyzia Lavigne" ang gamit niya. Kapag naririnig niya na ang pakilala ko sa kaniya ay Abella, nagagalit siya sa akin. Hindi naman daw iyon ang tunay niyang pangalan bakit iyon ang palagi kong sinasabi sa iba. Napailing na lamang ako.
"Okay po, Tito EL!" cute na sabi ng aking anak. Naramdaman niya na andito na ako kaya agad niya akong nilingon.
"Mommy ko, the cookies is ready na po ba?" masayang tanong ng cute kong anak at lumapit sa akin. Inilapag niya ang telepono at nagsimula nang kumain. Natawa na lang ako at pinatay ang tawag. Mabuti na lang at Nagiging matatas na ito sa pagsasalita, kaya niya ng bigkasin ang "R". Napakatalino talaga ni Cheska. Mana sa ama niya. Ako na lang ang bahalang magpaliwanag kay Mikel kung sakaling magtanong siya, alam kong magtataka 'yon.
Pagkapasok sa kompanya ay Mrs. Lavigne pa rin ang tawag nila sa akin. Hinahayaan ko na lang dahil tinatamad akong magpaliwanag. Pagpasok sa opisina ng magaling kong boss ay prente itong nakaupo tila may hinihintay. Gwapong-gwapo ito sa suot niyang kulay gray na suit. Nakapatong ang isang siko nito sa lamisa habang pinapaikot ang mamahaling ball pen sa kaniyang kamay. Sobrang gwapo.
Hindi ko alam noon kung paano ko natitiis na titigan ang kulay abong mata nito samantalang tingin pa lang nito ay nalulusaw na ako. Oo na siya na ang gwapo.
❃❃❃
"Good morning!" he said softly while looking at me. Grabe na talaga, Lord hindi ko na keri. Feeling ko anytime mahihimatay na lang ako.
Himatay agad, Mayumi? Ang OA naman.
"Good morning, too, Mr. Lavigne," bati ko pabalik at dumiretso sa pwesto ko.
Hindi ko nga alam kung may trabaho pa ba ako e, hindi man lang ako napapagod. Wala akong ginagawa pero sumusweldo ako. Paano naman kasi itong si Mikel. Ako naman ang secretary niya pero ang inuutusan niya yung secretary niya talaga sa kabilang kumpanya. Bakit ba kasi andito siya nag-oopisina? Pwede naman kahit sa kabilang kumpanya na lang siya. Kaya niya namang i-handle kahit na wala siya dito e.
"Mrs. Lavigne?" tawag ng magaling kong boss. Boss-ngalan ko ito e.
"Yes, sir?" tanong ko naman sa kaniya.
"Stop being so professional, baby!" he said sweetly, bago ako nilapitan. Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi pinahalata na may epekto ang pagtawag niya sa akin ng baby.
"Excuse me, sir. Nasa trabaho tayo, dapat lang na maging professional ako," sagot ko pabalik. Mas lumapit pa siya sa akin. Malapit na malapit. Kunting galaw na lang ay malapit nang dumikit ang tungki ng ilong namin. Pointed nose pa naman siya. Jusme. Palagi talaga akong sinusubok ni Lord.
"Call me sir one more time, and I will kiss you," he whispered in my ear.
Kinabahan naman ako kaya umatras ako papalayo sa kaniya. Hindi ako makahinga. Hinawakan naman niya ako sa braso.
"Sir, wait la-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang hilahin niya ako palapit sa kaniya at hinalikan. Nanlambot ang tuhod ko. Dampi pa lang iyon pero ang lakas ng epekto sa akin.
Isa pang halik ang iginawad niya sa akin pero hindi katulad ng kanina. Ngayon ay mas matagal, nakakaliyo. Napapikit na lamang ako. Dinadama ang halik na iginawad niya. Naglaho ang galit na ilang taon kong kinimkim sa aking puso at napalitan ng pangungulila, pangungulila sa asawa na dati kong minahal.
Nakaramdam ako ng pagkadismaya nang marahan niya akong ilayo sa kaniya at itinulak.
"Enough. Baka hindi lang halik ang magawa ko sa'yo," he said softly and returned to his table, sitting comfortably. Pinamulahan naman ako ng mukha sa hiya.
Naiinis na talaga ako sa sarili ko. Ang rupok-rupok ko. Kaya ako nasasaktan e.
BINABASA MO ANG
A Love Written In The Stars✓
Romance[COMPLETED] "In the quiet of the night, I trace the lines of our love in the stars, each twinkling light a reminder of our shared destiny." ー Mayumi "Mayumi Chantrea, a simple woman and the sole heiress, has to marry Mikel, in order to fulfill her g...