Chapter 21

1.7K 32 3
                                    

Ibang klase talaga kung paano makipaglaro ang tadhana. Kung ano pa ang ayaw mong mangyari, siya pang nangyayari sa paraang ayaw mo. Kapag gusto mo naman, kahit ilang beses mo pa iyan hilingin, kahit ilang beses kang magmakaawa, wala pa rin.

"Mrs. Lavigne!" I heard a baritone yet soft voice that woke me up. Nakatulog pala ako. Nagulat ako nang makita ang mukha ni Mikel na kaharap ko ngayon, konting galaw lang ay magdidikit na ang ilong namin.

"Someone's calling you," he whispered before moving his face away from mine. Mabuti naman at kanina pa ako nagpipigil ng paghinga dito. Nakahinga naman ako ng maluwag noong lumayo siya.

I immediately grabbed my phone, na kanina pa nagri-ring at hindi ko nasasagot dahil nakatulog ako. "Baby" ang pangalan ng caller. Naistorbo siguro si Mikel kaya nilapitan na ako.

"Baby, huh?!" The irritation was evident in his voice. Hindi ko na lang siya pinansin at sinagot ko na ang kanina pa tumatawag.

"Hi, baby ko," pambungad na bati ko sa kausap na nasa kabilang linya. Samantalang si Mikel ay masama nang nakatingin sa akin.

"I'm sorry, baby. Nakatulog ako. Pauwi na ako. Andiyan ka na sa labas? Sige, hintayin mo ako. Yeah, I miss you too. I love you." Bago pa marinig ang nasa kabilang linya, hinablot ni Mikel ang cellphone na nasa tainga ko at in-end ang call. Sinamaan ko siya ng tingin. Nakakainis.

"Ano bang problema mo?" I asked irritably. Hindi ko tuloy narinig kung ano ang sinabi ng anak sa kabilang linya.

"You. You are my problem!" Mikel said, exasperated.

"As far as I know, you're the problem here, Mr. Lavigne. Alam mong may kausap 'yung tao, papatayin mo ang tawag," I retorted angrily.

"Who's that? Who were you talking to on the phone? Is that your boyfriend?" he asked furiously.

"Anong pakialam mo? Hindi naman kita boyfriend para sabihin ko sa 'yo," I snapped back before grabbing my phone from him and leaving the office.

Nang makalabas, nakita kong lumabas si Sean sa kotse. Okay, let the game begin...

Very manly, akala mo ay hindi mahilig sa Barbie.

"Hi, love. I missed you," Sean said, kissing me on the cheek and hugged me.

"I missed you too." Hindi pa rin kami umaalis sa pwesto. Siniguro kong makikita ito ni Mikel, at hindi ako nagkamali. Nakita ko si Mikel na nakatingin sa amin. Bakas sa mukha niya ang sakit. Namumula ang kulay abong mga mata nito. Bago ko pa makitang tumulo ang luha sa kanyang abong mga mata, tumalikod na siya at umalis.

"Wala na siya, girl. Umalis ka na sa pagkakayakap sa akin. Nakakadiri, ew!" Sean said, pretending to pushed me away. Lumayo naman agad ako sa pagkakayakap.

"Hindi ako ang yumakap sa 'yo, gaga ka!" I glared at my friend. We were already in the car and ready to leave.

"Ay, oo nga pala, ako. Nakakadistract kasi 'yung husband mo. Ang gwapo! Grabe, sayang taken na si Daddy. Najunakan ka na nga e. Ang sarap siguro ni Daddy. Nakakainis ka, Mayumi. Pengeng ganda," he said, hindi na naman namamalayan na nakukurot na naman niya ako dahil kinikilig siya. Aray, ang sakit, gago! Sa inyo na lang nga ito si Sean, mapanakit e.

"Anong husband ka diyan? Matagal na kaming hiwalay, 'no. Kung gusto mo, sa 'yo na lang," inis na sabi ko at inayos ang higa ng anak sa kandungan ko. Natawa na lamang ako dahil hindi na ako nahintay ng anak dahil tulog na ito napagod siguro sa school.

"Pass. Ayokong maging kabet, no. Kumakain ako ng pakbet pero hindi ko keri maging kabet. Pero aminin mo? Nalaglag ulit 'yang panty mo nung nakita mo siya, 'no? Ang gwapo ba naman ng asawa mo," he asked with raised eyebrows.

"Gwapo nga, manloloko naman."

"Naku, naku, naku, te. Nakakalasa ako ng pait, pero inamin mo rin na gwapo. Ang isda nga naman nahuhuli sa sariling bibig. Naku, Mayumi, tilapia ka, tilapia!" He said, at sabay kaming natawa.

Nagtuloy-tuloy ang pagiging busy ko sa trabaho kahit ang kaibigan kong si Sean ay busy rin. Hindi lang talaga maiwan ang anak. Sa kaniya ko iniiwan si Cheska kapag nasa trabaho ako, mabuti na lang hindi siya gaanong busy nitong nagdaan na araw. Nagdesisyon kaming kumuha na lamang ng magbabantay sa anak namin.

"Mommy ko, I want to go to school na po." Kinukulit na naman ako ng anak kong madaldal dahil gusto na raw nitong pumasok sa school.

"Pero baby, three ka pa lang, hindi pa po pwede," malambing na saad ko naman sa anak at inaayos ang buhok niyang nagulo. Malungkot na tiningnan niya ako. Nang hindi talaga ako pumayag ay humarap ito kay Sean. Naku, patay na.

"Dada, pwede na po ako pumasok sa school?" Nagpacute pa talaga ito. Manang-mana sa akin.

" Oo naman, baby girl, pwedeng pwede po," si Sean na kinunsente na naman ang anak.

"Gaga ka, tatlong taon pa lang ang baby ko!" sabi ko, masamang tiningnan si Sean.

Napatigil na lang kami ng may marinig na hikbi. Umiiyak na si Cheska. Inalo naman namin siya.

"Hush, baby. Bakit umiiyak ang baby girl ko?" malambing na tanong ko sa umiiyak pa rin na anak.

"I want to go to school na po, Mommy ko" umiiyak na sabi pa rin nito.

"Gusto mo na talagang pumasok?" Tumango naman ang anak.

"Sige, pasok na ang baby ko na 'yan," pang-aalo ko sa anak. Tumigil naman ito sa pag-iyak. Ang hirap palang magkaroon ng mini-me. Naku, mas mahihirapan ako kapag naging kaugali ko siya kapag lumaki na ito.


"Ate Mayumi, nasa labas na po si Sir Sean," sigaw ni Keisha ang bantay ng aking anak habang palabas na rin ako ng kwarto kasama ang maganda kong anak.

Nang makarating sa school, excited na bumaba ang cute kong anak at humalik sa amin ni Sean.

"Bye, Mommy. Bye, Dada!" paalam ni Cheska sa amin.

"Bye, Ate. Bye, S-Sir Sean. Mauuna na po kami," paalam naman ni Keisha, ang kinuha naming mag-aalaga kay Cheska.

Kasambahay ito nila Sean. Panatag kami na nasa maayos na kalagayan ang anak dahil mabait naman si Keisha.

Mas okay na kumuha ng matagal nang kakilala kesa baguhan pa lang.

Sa henerasyon natin ngayon, karamihan, 'yung iba ay may mga tinatagong motibo. Mas lalo na kapag ang usapan ay pera. Gumagana ang utak nila. Karamihan, 'yung iba sa kanila magaling magmanipula, magaling manlamang sa kapwa. Minsan 'yung iba kaya nilang pumatay para lang sa pera. Nakakatakot na talaga sa panahon ngayon, talamak ang krimen.

Hindi lang dahil sa pera ang dahilan. Kadalasan, nangyayari ang mga ito sa rape, inggit, galit, selos, pamana, at may motibo at iba pa. Kahit saang lugar nangyayari ang mga ganitong krimen kaya nakakatakot magtiwala sa panahon ngayon. Hindi sa nilalahat ngunit minsan kahit na sariling kaibigan, kapatid, pinsan, basta kahit kadugo natin ay walang sinasanto. Mas mabuti na ang nag-iingat para rin sa kaligtasan nating lahat. Huwag basta basta magtiwala kahit kanino, maliban lamang sa iyong sarili.

A Love Written In The Stars✓ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon