Chapter 26

1.4K 30 1
                                    

Masarap palang magpatawad, pakiramdam ko ay nawala ang tinik na nasa aking dibdib. Nakahinga ako nang maluwag at ang sakit na parang punyal na nakatarak sa aking puso ay biglang naglaho.

I came to understand that forgiveness was a gift not just for Mikel, but for me as well. It was a love written in the stars, demonstrating the lasting strength of healing and the boundless potential of a heart ready to release the past.

Dahil sa maling akala, nasira ang tiwala namin sa isa't isa. Nasaktan kami at naghirap. Nasira ang aming relasyon, at maraming araw, buwan, at taon ang aming nasayang.

Marami akong pinagsisihan, ang kasinungalingang aking pinaniwalaan sa aking isipan, ang maling desisyon na aking ginawa, at ang biglang pag-alis na hindi ko pinag-isipan.

Tama naman sila na nasa huli talaga ang pagsisisi. Kung hindi lang sana ako nagpadalos-dalos ng kilos, edi sana hindi na kami nakaramdam ng paghihirap at hindi kami nasasaktan ngayon. Ang dami kong natutunan. Isa na rin doon 'yung sinasabi nila na "don't add fuel to the fire." It's true, lalo lamang lalala ang sitwasyon kung mas gagawin pa natin itong komplikado. Kaya ngayon, I learned my lesson.

"Let's go home," aya niya sa amin.

"Hala siya, sige gora na kayo, girl. Uwi na, bilis," Sean pushed me. Ibang klase talaga ang kaibigan kong ito.

"Sandali lang naman. Excited?" I annoyingly glanced at my friend who was grinning at me.

"Ay, pakipot pa si ate mo, girl. Akala mo naman virgin," lumapit siya sa akin at bumulong, "Gamitin mo 'yung pangmalakasang night dress from Paris. Galingan mo, huh," he whispered again, kinilabutan naman ako sa sinabi niya.

"Gaga, anong pinagsasabi mo? Okay kami, pero hindi ibig sabihin no'n magsasama na ulit kami."

"Impaktita ka, sabi nga, 'di ba let's go home daw? Mag-isip ka nga. Hello, wala akong kaibigang slow."

"Ewan ko sa'yo," angil ko sa kaniya at sinamaan ng tingin.

"O alam mo na, sige na, babush na!" Humalik siya sa akin at lumapit kay Cheska at humalik sa pisngi nito. "Bye, baby girl. Bye, Daddy!" malanding paalam niya. Napakamot na lang ako sa ulo ko. Kahit kailan talaga, sulsulero.

Dumeretso kami sa itim na kotse ni Mikel. Mamahalin, parang nakakahiya namang sumakay. Ang linis at ang bango. The scent of his perfume lingered. I felt like I was hugging him again.

Nagtaka ako nang ibang daan ang tinatahak namin. Parang pamilyar sa akin kaya napalingon ako sa gwapong si Mikel na kalmadong nagmamaneho ng kaniyang kotse.

"El?" I softly called out. Nakatulog na kasi ang anak namin sa kandungan ko at baka magising.

"Hmm?" His voice was gentle and soft. Hininto niya muna ang kotse sa gilid ng kalsada bago ako nilingon.

"A-ano kasi..." I said shyly. Bakit ba ako nauutal? Sasabihin ko lang naman na hindi dito ang daan pauwi sa amin.

"What?" he asked gently and looked at me.

"H-hindi kasi dito 'yung daan pauwi sa amin," I softly said. Alam ko na kung saan ito papunta pero ayokong mag-assume.

"What do you mean na hindi dito?" tanong niya, at bakas sa boses nito na gusto niya lang akong asarin.

"Hindi kasi dito. Mali," pag-uulit ko.

"Akala ko, alam mo na uuwi tayo? Why are you doubting, baby?" nakangiting sabi pa nito. Umiwas ako ng tingin. That "baby" makes me tremble.

"Mali kasi, mali 'yung way papunta sa condo ko." Hindi na ako makatingin sa kaniya. Tingin pa lang nito ay tiklop na ako.

"Who told you na uuwi tayong condo mo? Dito naman talaga ang daan pauwi sa atin, dito tayo tutuloy." He said and started the engine again. What the hell!?! Nalintikan na!

Nang makarating kami ay nakaramdam ako ng lungkot. Nakakamiss tumira dito. Ang dating tahanan na lagi kong uwian, ang tahanan na lagi kong sandalan noong mga panahong nalulungkot ako at nag-iisa. Ang tahanan na saksi sa araw-araw kong pag-iyak at sa sakit na aking naranasan. Ang dami kong alaala na iniwan sa bahay na ito. Hindi pa rin nagbabago. Ganoon pa rin.

"Mommy ko, ang ganda naman po dito, parang bahay ng princess," tuwang-tuwang sabi ng cute na anak namin. Mikel and I laughed at what she said.

"Yes, sweetie, and you are the princess," her father said.

"Talaga po?" gulat na tanong ni Cheska na malapad na ngumiti. Nakikinig lang ako sa kanila. Hindi naman kami dito titira. Itong si Mikel talaga, hilig magpaasa.

"Yes anak, dito na kayo titira ng Mommy mo." Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"It's true, Mommy? Dito na po tayo titira?" our innocent daughter asked, at tumatalon-talon pa sa sobrang saya.

"Hindi, baby, uuwi din ta-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang sumagot si Mikel.

"Uuwi kayo bukas, kukunin niyo na ang mga gamit niyo dahil lilipat na kayo bukas ng Mommy mo," Mikel said with a smile and kissed our daughter's forehead. I glared at him. Paladesisyon. Wala naman akong sinabi na dito kami titira.

Ilang araw na mula noong lumipat kami ng bahay. Noong dumiretso kami dito, hindi na kami pinaalis ni Mikel. Nalaman ko rin na dito pa rin siya nakatira mula nang umalis ako. Hindi siya umalis, iniisip niya na baka bumalik ako. Nalungkot naman ako nang malaman ko ang bagay na iyon. Tatlong taon siyang naghintay, at sa tatlong taon na iyon ay hindi siya sumuko.

Namimiss ko si Nanay Adel, sayang lang at wala na siya dito sa bahay. Noong nakaraang taon pa ito bumalik sa mansyon ng mga Lavigne. Kahit sina Mom and Dad, magulang ni Mikel, ay namimiss ko. Matutuwa ang mga iyon kapag nakita nila ang maganda nilang apo. Napangiti ako. Ako na lang ang dadalaw sa kanila.

Wala si Mikel ngayon. Nagpaalam siyang umalis. Hindi ko alam kung nasaan siya ngayon. Day off namin ngayon sa opisina pero umalis siya. Nakaramdam ako ng inis sa hindi ko malamang dahilan. Hindi pa nga niya napapatunayan ang sarili niya pero heto na naman siya ngayon.

Binigyan ko siya ng pangalawang pagkakataon at napag-usapan na namin na bibigyan ko siya ng chance. Hindi naman porket napatawad ko na siya ay magkakabalikan agad kami. Oo, marupok ako pero sa ganda kong ito, dapat ako 'yung hinahabol! Hindi 'yung ako 'yung naghahabol. Ilang taon na akong naghabol noon, siya naman ngayon.

Kailangan niya munang patunayan ang sarili niya bago niya makuha ang matamis kong oo. Sayang ang ganda ko, worth it pa namang i-pursue. Excuse me, hindi na siya lugi, may bonus pa siya dahil inanakan niya ako.

A Love Written In The Stars✓ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon