Chapter 15

1.1K 31 1
                                    

THIRD PERSON POV

"WTF, dude. Ano ba kasi 'yang kinain mo, tae?" tanong ni  Jan kay Mikel na kanina pa labas-masok sa CR.

"Shut the f*ck up, brute. Hindi ako makapag-concentrate, ang ingay mo," gigil na sabi naman ni Mikel na kanina pa humihilab ang tiyan dahil sa kinain na chicken curry na luto ng asawa.

Ano bang nilagay na flavor ng asawa at bakit sobrang asim ng chicken curry na niluto nito? Hindi niya mawari kung ano-ano'ng sangkap pati ata ang hindi rekado ay inilagay nito. Naging lasang panis tuloy, malayong-malayo sa lasa na palagiang niluluto nito.

"King ina ang baho talaga," panay ang spray ni Jan ng pabango sa loob ng unit niya. Halos maubos ang mamahaling pabangong ginagamit niya. Mawala lang ang sumpa ni Mikel.

"Kung ano-ano kasing pinapakain sa'yo ng buntis na asawa mo, susundin mo naman. Kung papakainin ka ba niya ng tae, kakainin mo rin?" Hindi malaman kung matatawa ba si Jan o maaawa sa kaibigan.

"Hindi lang basta-basta pagkain 'yon, niluto 'yon ng magandang asawa ko," nakangiting sabi ni Mikel na akala mo ay hindi sumakit ang tiyan sa niluto ng asawa.

"Sus, mamamatay ka nang lahat-lahat kinikilig ka pa rin?" natatawang banat pa ni Jan.

"Mas mauuna ka pa sa'kin, gago."

"Masamang damo ako, matagal-tagal pa 'to!" pagyayabang ni Jan. At pareho silang natawa sa kalokohan.

Nang makaraos ay lumabas din si Mikel mula sa comfort room.

"Sa wakas, lumabas na rin ang salot. Hallelujah." May paluhod pa iyan na parang nagdadasal, gago talaga.

"Stop that, para kang tanga, gago. Aalis na ako. Baka hinahanap na ako ng asawa ko."

Natatawa na lang na natayo si Jan sa pagkakaluhod.

"Salamat ha?" sarkastikong sabi pa niya sa kaibigan.

Matapos siya nitong pahirapang hindi huminga, aalis na lang itong hindi siya pinapasalamatan. Naku, hindi siya papayag kaya pinigilan niya muna ito.

"Mamaya ka na umalis, langhapin mo muna 'tong sama ng loob na inilabas mo. Damayan mo 'ko, ang baho. Gago ka ha." Hila niya pa kay Mikel.

"Kaya mo na 'yan, tiisin mo na lang, aalis na ako." Sambit nito bago takasan ang kawawang kaibigan. Napasabunot na lamang ito sa sariling buhok.

MAYUMI'S POV

"Bakit andito ka pa rin sa sala, gabing-gabi na?" tanong sa akin ni Mikel. Hinintay ko siyang makauwi ng bahay.

"A-ah, ano, hinihintay kita." Nag-pout ako.

Naabutan niya akong kumakain ng hotdog at itlog. Napailing na lamang siya nang makita ang pagkaing nilalantakan ko. Ang cute kaya ng kinakain ko may design. May mata, may ilong, at bibig pa ang mga ito.

"Hubby, may masakit ba sa'yo?" marahang idinampi ko ang likod ng palad sa noo ng aking asawa.

"Hmm, nothing," malumanay na sagot nito. Napansin ko na parang pagod ito.

"Pinagpapawisan ka ng malamig, sigurado ka bang okay ka lang?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.

"Yeah," sambit nito. Marahan niya akong hinila, pinaupo sa kandungan niya at niyakap.

"Sandali, kukuhanan kita ng gamot, para hindi na tumuloy 'yang sakit mo." Tatayo na sana ako ngunit agad akong nahila ni Mikel.

"No. Dito ka na lang." pigil niya sa akin. Iniisip siguro niyang ibang gamot na naman ang makuha ko at baka hindi lang sakit ang abutin niya pag nagkataon. Minsan kasi mali 'yung mga gamot na binibigay ko, ngunit iniinom pa rin niya.

"Wait lang, El. Nakikiliti ako, ano ba?" natatawang sabi ko sa kanya. Paano ba naman, pinanggigigilan na naman ako nitong asawa ko.

MAAGANG nilalambing ko ang aking asawa.

"Sige na, hubby, please. Samahan mo na ako, mag-mall mamaya." Kanina ko pa kinukulit si Mikel.

"I'm so sorry, Wife. I have something to do in my office, pero susubukan ko, kapag may free time ako mamaya, sasamahan kita. I promise. I love you."

Lumipas ang alas-tres ng hapon ngunit walang Mikel na dumating. Kahit na ganoon ay naghintay pa rin ako baka sakaling dumating ang asawa ko at na traffic lang, o baka sakaling nakalimutan lamang nito ang lakad naming dalawa.

Ngunit nang lumipas muli ang trenta minutos ay gumuho na ang pag-asa ko. Nagpasya akong sa kaibigan na lang magpasama. Siguro nga ay marami pang ginagawa si Mikel.

"Himala at hindi ka nasamahan ngayon ni Daddy Cristoff?" pambungad ng kaibigan at nagbeso sa kaniya. "Hi baby, Ninang's here!" Anito na akala mo ay maririnig siya ng anak kong nasa sinapupunan pa lang.

Marahil nga ay naririnig siya nito. Dahil naramdaman kong biglang gumalaw ang anak ko. Mas lalo na kapag ang daddy nito ang kumakausap sa anak namin ay nararamdaman ko na kumukulit ang anak namin. Lalo na ngayon at limang buwan na akong buntis. Mas lumaki pa ang tiyan ko.

"Wala siya ngayon, nasa office. May inaasikaso." nakasimangot na paliwanag ko sa kaibigan. Tinaasan naman ako ni Nomi ng kilay.

"Bakit parang dismayado ka, ayaw mo'kong kasama?" kunwaring nagtatampong angil nito Sonomi.

"Syempre, gusto. Miss na kita e."

"Ayon naman pala e, hala sige, tara na at kumain muna tayo. Gutom na ako, wala pa akong kain. Libre mo ha." Hinila niya ako sa isang mamahaling restaurant. Naisahan na naman ako ng kaibigan.

Nang makahanap kami ng pwesto, agad na hinawakan ni Sonomi ang menu. Agad namang lumapit ang waiter sa amin. Kung ano-anong pinagtuturo ni Nomi. Kapal talaga ng mukha nito. Napapailing na lang ako. Nang umalis ang waiter at nakuha ang order nila, ay sinamaan ko ng tingin ang kaibigan.

"Maubos mo naman kaya 'yang pinag-oorder mo?" tinaasan ko siya ng kilay.

"Syempre naman 'no. Kulang pa nga 'yon e." pang-aasar nito. Konting-konti na lang talaga at makukurot ko na ito sa singit.

"Sa yaman mong iyan, Mayumi Chantrea, kuripot ka pa rin?"

Napangiti na lang ako sa kaingayan ng kaibigan ko. Wala talagang pinipiling lugar ang maingay nitong bibig. Kaya pati tuloy ang mga customer na tahimik na kumakain ay napapalingon sa amin. Kahit kailan talaga ay agaw-eksena ang matalik na kaibigan.

Habang busy kami sa kinakain, sabay kaming napalingon sa kalansing ng maliit na bell na nakasabit sa pintuan, hudyat na may pumasok.

Napatulala ako sa ganda ng babaeng kakapasok pa lamang. Napakasopistikada nitong tingnan, pinong-pino kung kumilos, sobrang ganda ng babae. Kung titingnan ito ay para itong isang modelo sa ibang bansa, ang makikinis nitong balat na alagang-alaga sa mamahaling skin care. Ang sexy at balingkinitan nitong katawan ay hindi nakaligtas sa mga mata ko.

Kung ikukumpara ako sa babae, malayong-malayo ako rito. Hindi katulad ko na magaslaw na parang hindi tunay na babae. Hindi na din ako sexy sa paningin ko dahil sa dami ng kinakain ko simula nang magbuntis ako ay lalo lamang akong tumataba. Nakaramdam ako ng inggit sa katawan. Feeling ko ang pangit-pangit ko na. Biglang akong nawalan ng ganang kumain.

Mas lalo lamang gumuho ang mundo ko sa aking nakita. Nanlalabo ang aking mga mata, hindi makapaniwala sa aking nakita. Kasabay ng buhos ng malakas na ulan ang pagbagsak din ng aking masasaganang mga luha. Nag-uunahan, at hindi tumitigil sa pagbagsak. Tila alam din nito ang aking tunay na nararamdaman.

Posible pala iyon? Ang hindi mo inaasahang mangyari, ay darating ng hindi mo mamamalayan. Pwede siyang dumating ngayon, bukas, sa isang araw, at sa iba pang mga araw. Malas lang at ngayon dumating sa akin ng hindi ko inaasahan. Kung kailan masaya na ako?

A Love Written In The Stars✓ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon