Chapter 16

1.6K 29 5
                                    

Reminder for readers: Get ready to shed some tears. Grab your tissue, Jewels!

LUMULUHANG nakatingin ako sa nakangiting mukha ng aking gwapong asawa. Masakit para sa akin na nakalimutan ni Mikel na may lakad kami ngayon, pero heto siya, kasama ang magandang babae na kakapasok lang kanina. Cindy pala ang pangalan ng magandang babae. Cindy Acosta Villarreal.

Sinundan ko pa ng tingin ang dalawa. Nakita kong naupo ang dalawa patalikod sa akin. Pinaghila pa ng aking asawa ng upuan ang magandang babae, ngunit ngayon ay pangit na sa paningin ko.

Katapat nila ang isang ginang at isang ginoo na sa tantiya ko ay kaedad lamang ng magulang namin ni Mikel.

Hindi sana maaalis sa paningin ko ang dalawa, ngunit mabilis na hinarangan ni Sonomi ang tinitingnan ko.

"Nasasaktan ka na nga, tapos tititigan mo pa," malditang angil ng kaibigan sa akin at hinila ako ni Sonomi.

Laking pasasalamat ko na hindi nila kami nakita. Nang makatalikod ay sinamantala naming lumabas sa exit door ng restaurant at dumiretso sa kotse ni Sonomi.

"Wag ka nang umiyak, papanget ka niyan lalo, sige ka. Gusto mo bang mas maganda sa'yo ang Cindy-munyong 'yon?" Si Sonomi na pinupunasan ang masasaganang luha ko. Kanina pa ako hindi nagsasalita at nakatulala lang kaya kinakabahan na siya.

"Hayaan mo, kapag nakita ko iyang si Dashiell, ipabubugbog ko siya sa mga kaibigan kong tambay," dugtong pa niya galit na galit at tila gustong manakit.

"Hindi na ba niya ako mahal?" Umiiyak kong tanong.

"Mahal ka n'on."

"Pero bakit may kasama siyang iba ngayon?"

Sumasakit na ang sintido ni Sonomi dahil hindi niya alam kung paano ako patitigilin sa pag-iyak. Sa mga oras na ito, feeling ko pinapatay na ni Sonomi si Mikel sa isipan niya dahil sa pagpapaiyak nito sa akin. Kaya mahal ko ang babaeng ito, hindi niya ako iniiwan.

"Malay natin, baka kaibigan lang," pang-uto niya pa sa akin.

"Wala naman akong kilalang may kaibigan siya ah, hindi kaya kabit niya 'yon?" humihikbing tanong ko kay Sonomi. "Balikan natin, Bes. Baka agawin niya sa akin ang asawa ko," mas lalo lamang akong umiyak.

Napakamot na lamang si Sonomi sa ulo. Ako pa yata ang magiging dahilan ng pagkapanot niya sa ulo.

"Wala 'yon, baka business partner, gano'n?" pagkukumbinsi pa niya pero hindi siya sigurado para matigil na akong umiyak.

"Talaga?" masayang tanong ko. Tumango naman si Sonomi sa akin.

"Oo, kaya tahan na, 'wag ka nang umiyak. Iuuwi na kita," napabuntong-hininga na lang si Sonomi. Buo na siguro ang desisyon na ipabubugbog si Mikel sa mga kaibigang tambay. Ikaw ba naman ma-stress sa kaibigan, ewan ko na lang.

Nang makarating kami sa bahay ay agad naman kaming sinalubong ni Nanay Adel.

"Iha, anong nangyari sa alaga ko at mugto ang mata nito?" nag-aalalang tanong ni Nanay Adel ng makita ang kalagayan ko.

"Naku, Nay. Kumain kami sa restaurant kanina, sakto naman at nakita namin si Dash."

"Oh, anong sabi niya, bakit hindi niyo siya kasama ngayon?" nagtatakang tanong ni Nanay Adel.

"Hindi po niya kami nakita e," malungkot na sabi ng kaibigan ko.

"Nanay ko, ipinagpalit na po ako ng asawa ko sa sexy," umiiyak na sumbong nito. "Pangit na ba ako, Nay? Kasi hindi na ako sexy e?"

"Ay sus, ang batang ito talaga, paano ka papangit, e ang ganda-ganda mo. Hindi ba, Sonomi, iha?"

"Opo, Nay," sang-ayon ni Sonomi kay Nanay Adel. "Kaya 'wag ka nang umiyak, gusto mo bang pumangit, Yumi?" pananakot pa ni Sonomi sa akin. Agad naman akong napatigil sa pag-iyak at umiling.

A Love Written In The Stars✓ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon