I decided to tell everything to my parents. Nalinawan naman sila nang matapos kong ikwento ang naging buhay ko makalipas ang tatlong taon. Isa na akong ina alam kong nalulungkot sila sa nangyari sa akin. Masakit para sa isang magulang na nakikitang naghihirap ang kanilang anak. Kahit sino naman sa atin. Kaya alam kong nahirapan silang tanggapin noon na umalis ako ng bansa at nagpakalayo.
"Alam na ba niya ang tungkol dito, anak?" My mother asked. I immediately shook my head. Wala akong balak ipaalam.
"Hindi ko pa po nasasabi. Wala akong balak ipaalam sa kaniya," seryoso ang tono ko.
"Ngunit karapatan niya rin ang malaman, anak," sabi ni Papa.
"Pag-isipan mong mabuti, Mayumi anak. Para rin naman ito sa ikabubuti ng anak mo," My mother added.
Bakit ba tila parang napatawad na nila ang dati kong asawa? Kung kausapin nila ako, parang pinipilit akong makipag-ayos na parang hindi siya nagtaksil sa akin. Hindi ko mapigilan ang masaktan dahil pakiramdam ko'y nakamove on na sila, samantalang ako ay nahihirapan pa rin hanggang ngayon. Buong akala ko ay nakamove on na ako ngunit nagkamali ako.
Hindi ko pa kaya na ipaalam kay Mikel ang lahat. May parte sa puso kong natatakot sa maaaring gawin niya kapag nalaman niya ang totoo na may anak kami. Natatakot ako na baka ilayo niya sa akin si Cheska.
"Malalim na naman 'yang iniisip mo," Sean said, na hinawi ang maikling buhok sa tainga niya na akala mo ay mahinhin na babae.
"Hay naku, girl. Alam mo, kaysa magmukmok ka rito, bakit hindi na lang tayo lumabas at magparty? Pumunta tayo sa bar, ganon," he suggested. I knew he was just looking for handsome guys there, my friend's typical behavior.
Simula kasi noong lumipat kami sa nabili kong condo, palagi itong dumadalaw sa akin. Namimiss niya ako at ang anak ko pero puro pagbabar ang palaging iniisip nito. Hay naku, ang baklang ito.
"Ano ka ba? Walang magbabantay sa anak natin, 'no!" I glared at Sean.
"Ay oo nga pala, 'no? Kawawa naman ang baby girl natin kung maiiwan. Sige, manood na lang uli tayo ng Barbie," maarteng sabi niya.
"Maghahanap ka lang ng pogi sa bar, e ikaw ha, kaya siguro palagi kang nasa Pinas dahil nangha-hunting ka ng pogi. Akala ko ba loyal ka sa'kin?" I rolled my eyes at him.
"Loyal ako sa'yo 'no, impaktita ka. Tinakasan lang kita noon dahil hindi ko matanggap na mas maganda sa'kin 'yung sine-t up mo sa'kin. Nag-expect pa naman ako ng talong pero ang ipinakilala mo tahong. Gaga ka," Sean said, almost pulling my hair, mabuti na lang nakaiwas ako.
"Ayaw mo non, magiging straight ka na," I said, laughing.
"Nakakadiri ka, over my dead gorgeous sexy body. Ew!" He said, pretending to be repulsed and nauseous.
MAAGA akong nagising ngayon dahil unang araw ko sa trabaho sa mismong kompanya namin. Masaya ang mga magulang ko na babalik na ako sa Abella Company. Babalik ako hindi para maging CEO kundi para maging secretary ng kompanya. My parents wanted me to return to my previous position but I declined.
Bago ako magbuntis noon at bago dumating si Nanay Adel, nakiusap ako kay Mikel at sa aking mga magulang na kung maaari ay gusto kong magtrabaho muna sa kompanya dahil naboboring ako sa bahay dahil wala akong ginagawa. Pumayag naman ang dati kong asawa at ang mga magulang ko. Pagkauwi, sabay kaming umuuwi noon ni Mikel. Tuwing hapon, sinusundo niya ako at tuwing papasok sa umaga, hinahatid niya ako.
Napangiti ako nang maalala ang bagay na iyon. Bigla rin nawala ng marealize kong isa na lamang iyong alaala na nakabaon sa isipan ko. Dahil para sa akin ay nakamove on na ako. Pero bakit may parte sa akin na hindi pa? Kabado lang siguro dahil magsisimula na ako sa aking unang trabaho.
"Good morning, Mrs. Lavigne!"
"Welcome back, Mrs. Lavigne!"
"Good morning, Mrs. Lavigne! Welcome back po!"
Nagulat ako sa tawag sa akin ng mga empleyado sa kompanya. Nangunot ang noo ko. Hindi ba alam ng mga ito na matagal na kaming hiwalay? Aaminin ko, oo, hindi pa kami divorce pero wala na kami. Napailing na lamang ako at nginitian ang lahat ng mga bumati.
Pagkapasok na pagkapasok sa opisina ng aking boss, nagsalita ito.
"You're one minute late, Mrs. LA-VIGNE!" Nagulat ako sa boses nang galit na boss ko.
What the hell, out of all the people who could be my boss, si Mikel pa. At sa dami-dami ng pagkakataon na pwede kaming magkita, sa opisina pa talaga kung saan ako araw-araw magtatrabaho. Nakaramdam ako ng kaba sa aking dibdib na hindi ko maintindihan. At bakit ba Mrs. Lavigne ang tawag niya sa akin, e matagal na kaming hiwalay. 'Di ba galit ako? Bakit nakakaramdam ako ng ganito? Bakit parang namiss ko ang asawa ko? Bigla na lamang tumulo ang luha ko. Traydor na luha. Bigla na lang tumutulo.
Biglang nakaramdam ng guilt si Mikel nang makita na biglang tumulo ang luha ko. Iniisip niya siguro na napasobra siya sa galit niya. Hindi niya alam namiss ko siya.
"Stop crying or else, I will fire you!" bossy na sabi niya sa akin at masungit niya akong tiningnan.
Agad ko namang pinahid ang traydor kong luha. Bwesit na mga luha ito, walang lugar na pinipili. Kahit ang sarili ko ay sinisermunan ko dahil nagpapadala na naman ako sa emosyon. Malamig na tiningnan ko si Mikel. Mas lalong gumwapo ang dating asawa ko, mas nagmature ang mukha nito. Ang kulay abo nitong mga mata, ang mahaba at pilantik nitong pilikmata, ang makapal nitong kilay, ang matangos na ilong, at mapupulang labi na parang ang sarap halikan. Kahit ang katawan niya ay mas lumapad pa. Very manly. Ang jumbo hotdog kaya ni Mikel ay mas lumaki rin?
Minumura ko ang sarili ko dahil sa kahalayan ng isipan ko. Kailangan ko nang lumabas dahil iyon naman talaga ang trabaho ng isang secretary, ang maghintay sa labas ng opisina at hintaying tawagin ng boss kapag may gusto itong iutos. Baka kung saan pa mapunta ang imahinasyon na naisip ko. Humakbang na ako palabas para makaalis na sa harap ni Mikel.
"Where are you going?" He asked, busy sa pagbabasa ng mga papel na nasa lamesa niya.
"Ah, a-ano, lalabas na," I said irritably, wanting to leave but he had stopped me.
"That's how you talk to your boss, Mrs. Lavigne?" masungit na sabi niya. I rolled my eyes at him.
"I-I am sorry, Mr. Lavigne. Hindi na po mauulit," I said softly. But in my mind, I wanted to slap him. Makabawi man lang sa pagtataksil niya sa akin noon.
"Who gave you permission to go outside?" masungit na tanong niya.
"Pupunta po sa table ko," I said, wanting to roll my eyes at Mikel but afraid he might fire me and I'd lose my job. Baka wala kaming kainin ng anak niya, anak ko pala, kaya huwag na lang.
"That's your table, so no need to go outside. Just wait for my call," Mikel pointed to my table inside the office so I didn't need to go outside.
Kung hindi ako pwedeng lumabas, paano ko matatakasan ang lalaking ayaw kong makita? Makakaya ko bang makatagal sa presensya ng taong dati kong minahal? Para sa akin, hindi ko kaya. Tingin pa lang ng abong mga mata niya ay natutunaw na ako, paano pa kaya kapag malapit na siya, nanlalambot ang tuhod ko. Iba ang epekto ni Mikel sa akin. Kapag nakikita ko siya, nalulusaw ang galit ko.
BINABASA MO ANG
A Love Written In The Stars✓
Romance[COMPLETED] "In the quiet of the night, I trace the lines of our love in the stars, each twinkling light a reminder of our shared destiny." ー Mayumi "Mayumi Chantrea, a simple woman and the sole heiress, has to marry Mikel, in order to fulfill her g...