Chapter 19

1.5K 30 4
                                    

As Sean and I approached my parents, I noticed they were surprised. Pabalik-balik ang tingin nila sa aming dalawa hanggang sa huminto ang kanilang mga mata sa isang cute na batang nakangiti sa kanila.

"Hello!" pambungad na bati ni Cheska.

My parents looked at me in confusion, and even my friend raised an eyebrow and gave me a look that clearly said I needed to explain.

"Anak, meet your Lolo, Lola, and Tita Ninang." I guided Cheska closer to my parents and friend.

"Lolo, Lola, Tita Ninang. Hello po, I'm Francheska Elyzia. I'm three years old na po." Sabi ni Cheska at itinaas ang tatlong maliliit na daliri.

Magiliw namang pinapanood nila ang cute na si Cheska. Sadyang napakadaldal talaga ng anak ko. Habang nasa byahe pauwi, nakay Cheska na ang atensyon ng mga magulang ko. Doon muna kami tutuloy sa bahay ng magulang ko.

Lilipat na lang kami kapag nakabili na ako ng sarili naming condo. Malaki-laki pa naman ang naipon ko noong nasa Paris pa ako. Pinag-stay muna kami ng mga magulang ko ng ilang araw dahil gusto raw nilang makasama ang pinakamamahal nilang apo.

Dito na kami titira ni Cheska sa Pilipinas at hindi na muling babalik sa ibang bansa. Hahanap na lang siguro ako ng magandang trabaho dito sa Pinas. Kahit na gustong-gusto akong tulungan ng mga magulang ko para hindi na ako magpagod sa trabaho, tinanggihan ko sila.

Mas pinili ko pa rin na galing sa pinaghirapan ang ipapakain ko kay Cheska. Ayaw kong ipasa sa magulang ang responsibilidad ko. I'm a mother now, at obligasyon kong magtrabaho at kumayod. Hindi ko kailangan iasa sa magulang ko kahit kaya naman nila akong tustusan.

Para sa akin, mas masarap kainin ang pinagpaguran kaysa sa hindi mo pinaghirapan. Mas gusto kong maranasan ang realidad ng buhay kaysa ang maging prinsesa na hindi man lang naranasan ang hirap ng buhay.

"Ang gwapo naman nitong fiance mo, anak." my mom said as we sat at the dining table eating dinner.

Nakarating na kami sa mansyon. Namiss ko ang tumira sa puder ng magulang ko. Dito na ako lumaki kaya sobrang namiss ko talaga sina Mom and Dad.

Nang magsalubong ang tingin namin ni Sean, sabay kaming natawa.

"Mommy, hindi ko po fiance si Sean." I said, laughing, at nilingon si Sean at tinaasan ng kilay.

"A-ano? Kung hindi mo siya fiance, anak, ano mo siya?" my mother asked, clearly shocked to what I said.

"He's my friend, my best friend," I explained, still laughing.

"Huh? Ibig sabihin, hindi ikaw ang daddy ni Cheska?" Naguguluhang tanong ni Mommy. Tila pinoproseso pa niya ang sinabi ko.

"Hindi po, Tita. Pero ako po ang tumayong daddy niya." Sean answered, smiling. He was proud to be Cheska's Dada.

"Pasensya ka na, iho, napagkamalan ka pa tuloy nitong aking asawa. Kahit ako, akala ko ikaw na ang mapapangasawa ng aming unica hija." my dad said, laughing.

Alam kong matalino ang mga magulang ko kaya kahit hindi ko pa sabihin, alam kong malalaman nila ang lihim kong pinakatago-tago.

My mother looked at me, then at Cheska who was happily eating. Sinusuri kung sino ba ang maaaring maging kamukha ng anak ko. Lumingon muli ito sa akin, nagtatanong ang mga mata, marahil ay alam na nito kung sino ang ama ni Cheska. Gusto lamang nitong sa bibig ko mismo manggaling.

Sa unang tingin, kamukhang-kamukha ko ang anak ko. Ang cute niyang pisngi, labi, kilay, at shape ng mukha ay sa akin namana ni Cheska. Ngunit ang kulay abo nitong mga mata, matangos na ilong, at kulay brown na buhok ay namana ni Cheska sa kaniyang ama. Kapag tinitigan ng mabuti, kamukhang-kamukha ito ng kaniyang ama.

"Hay naku, Momshi, hindi kami talo ng anak ninyo, please lang. Er, kadirdir." Sean said in an exaggeratedly feminine voice, flicking his shoulder as if shaking off something disgusting. My parents were shocked by his behavior. Hindi pala ito tunay na lalaki kundi isang binabae. Jusmeyo!

"Its just an act, Mommy, Daddy. Ano, ang galing na ba naming umarte?" Tanong ko, tila aliw na aliw sa nakitang gulat sa mukha ng magulang ko.

"Oo, pwede na kayong umarte." my mother said, shaking her head at our antics.

"Hay naku, Momshi, noong unang kinontrata ako ng magaling ninyong anak, tumanggi ako. Hindi ko keriboom ang pakiusap niya, hindi ko feel." Nandidiring sabi ni Sean at hinawi ang buhok sa tainga na akala mo ay mahinhing babae.

"Pero sa huli, napilit din kita dahil uto-uto ka. Sabi ko ay may ipapakilala ako kaya pumayag ka."

"Oo, bruha ka. Ang sabi mo ay ipapakilala mo ako sa isang gwapo at matchong lalaki, pero hindi, umasa ako don. Sa magandang babaeng pinay mo lang pala ako ipapakilala at sinet-up mo pa kami ng date, empaktita ka. Hinding-hindi ko makakalimutan ang bangungot kong iyon. Habang buhay kong maaalala." Mahabang reklamo ni Sean na dismayadong-dismayado talaga.

When Sean and I were still in France, I had already asked him to pretend to be my fiancé, na kunwaring mahal namin ang isa't isa. Ang totoo niyan, nandidiri kami noon kapag nagiging sweet sa isa't isa. Lalo na si Sean, kulang na lang ay isumpa niya ako. Sa dami-dami kasing gawing call sign ko, LOVE pa talaga. Mas lalo namang nandiri si Sean. Hindi niya lubos maisip na magagawa niyang magpanggap na isang tunay na lalaki gayong ang isinisigaw ng kaniyang puso ay isa siyang binabae na mahilig sa Barbie.

Kung alam niyo lang kung paano umirit iyang si Sean kapag may nakitang gwapong lalaki. Nakukurot niya ako dahil kinikilig siya. One time, may nakita kaming pogi, nag-hi ito sa amin. Nung makaalis ang lalaki, pinaghahampas niya ako sa braso. Ang laki-laki pa naman ng palad niya. Namaga tuloy ang braso ko. Iba pala kiligin ang bading na ito, pati ako nabubugbog ng hindi niya nalalaman.

Pusong mamon si Sean. Pusong mamon ang bestfriend ko.

Sinong nag-isip dito na fiance ko si Sean?

Sino ang napaniwala na anak namin ni Sean si Cheska?

Kung napaniwala kayo, ang galing pala talaga naming umarteng dalawa. Sobrang mabenta.

What will be our next move? What other secrets will we hide that will make you wonder? What new game will we start? Can you keep up and play along with us, play along with love?

The only question is...

Will we win or lose?

Sa larong aming nasimulan.

A Love Written In The Stars✓ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon