Chapter 25

1.6K 32 3
                                    

"I'm sorry, baby. Wala ako ng mga panahon na kailangan mo ako, noong mga panahon na hirap na hirap ka, noong mga panahon na nag-iisa ka. Kung alam ko lang, hindi na sana nangyari ang lahat ng ito, sana hanggang ngayon magkasama pa rin tayo." Yakap-yakap niya lang ako, hindi siya umaalis. Iyak lang kami ng iyak.

Nasasaktan at naghihirap. Ang daming taon na nasayang.

"I'm sorry, hubby. Kasalanan kong lahat, kung sana inintindi kita, kung sana mas nag-ingat pa ako. Edi sana masaya tayo ngayon, kasama ang mga anak natin. Ako ang sumira sa relasyon natin, ako ang lumayo at tinakasan ang sakit, habang ikaw hirap na hirap at tiniis ang sakit," humihikbing sabi ko. Ang sakit sa bawat salitang binibigkas ng aming bibig ay ramdam na ramdam ko na parang tumatagos sa aking dibdib.

"Hush, hindi mo kasalanan, baby. Kung sino ang dapat sisihin, ako 'yon. Pinabayaan kita. I'm sorry, I'm sorry," ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya.

Ang bawat sakit at pait na nararamdaman namin ngayon ay parang punyal na nakabaon sa aming dibdib, panghihinayang at pagkadismaya. Sana hindi na lang ako umalis at pilit na kinalimutan ang lahat, sana pinakinggan ko siya.

"Pwede na ba nating ayusin 'to?" Marahang tanong niya sa akin at pinunasan ang aking luha. "Pwede na ba tayong magsimula ulit?"

Tanging tango lang ang aking naisagot. Marami akong natutunan sa aming relasyon, na dapat marunong makinig at magpatawad. Na dapat ang mas nauna kong ginawa noon ay nakinig at pinatawad ko siya. Pareho kaming nasaktan at naghirap. Ibang klase talaga kung paano makipaglaro ang pag-ibig. Kailangan mong makaranas ng sakit at pagdurusa bago mo maranasan ang maging masaya.

"I love you, Wife, and I'm sorry," hawak niya ang aking pisngi habang sinasabi ang katagang matagal ko nang gustong marinig.

"I love you too, Hubby," lumuluhang sabi ko. Karupukan na ba ang magpatawad muli? Ang mahalin siya muli?

Gusto kong makipag-ayos ulit, hindi dahil para sa sarili ko, kundi para na rin sa aking anak na ilang taon nang nangungulila sa kanyang ama. Ang hirap makitang naghihirap ang aming anak. Daddy ang palagi niyang hinahanap.

As we embraced, I understood that the path ahead wouldn't be easy. But with every step forward, guided by the constellations above that had witnessed our love story unfold, we were reclaiming what was lost and weaving a new chapter in the stars.

"Pupunta tayo kay Cheska?" Marahang sabi niya at ngumiti sa akin.

"Tara, baka naiinip na 'yon, mana pa naman sa'yo," natatawang sabi ko, totoo 'yon. May parte na nakuha niya ang ugali ng Daddy niya.

"Mommy ko, Daddy ko!" Masayang sabi ng aming anak. Kasama na pala niya si Sean.

"Anak, lumapit ka kay Daddy mo," nakangiting sabi ko. Tumingin siya sa Daddy niya at maiiyak na naman. Lumuhod si Mikel para makapantay sa mukha ng anak. Lumapit si Cheska sa kanya habang umiiyak na yumakap.

Naluha naman ako sa eksena na nakita. Ang sarap makitang masaya na ang anak ko dahil nasa tabi niya na ang Daddy niya.

"Daddy ko, miss na miss na miss ka, Cheska," huhikbing sabi ng cute kong anak. Bumuhos na naman ang aking luha sa narinig. Miss na miss talaga niya ang Daddy niya.

"Miss na miss na miss ka rin ni Daddy, anak ko," sabi ni Mikel, nakita kong tumulo ang kanyang luha.

"Dito ka na lang po, wag ka na pong umalis," malungkot na sabi ng anak ko na magsisimula na naman sa kanyang pag-iyak.

"Hindi na aalis si Daddy sa tabi mo, anak, pangako 'yan," pangako niya sa aming anak. Lumapit ako sa kanila at agad silang niyakap.

"Ay, nakakaiyak naman. Para akong nasa telenovela," maarteng sabi ni Sean at pinunasan ang luha na nasa kanyang pisnge.

"What? Are you ah?" gulat na napatingin si Mikel sa inasta ng aking kaibigan. Hindi niya maiintindihan ang nais sabihin. "WTH, all this time, that was-"

"Oo, Dadey, naku, pinapaiyak niyo ako. Bwisit kasi tong gaga na'to, andami pang drama. Gusto rin naman palang maging masaya," putol niya sa sasabihin ni Mikel at hinampas ako at sinabunutan.

"I'm sorry, Sean. Pati tuloy ikaw nadamay pa," malungkot na sabi ko.

"Hay naku, okay lang 'yan. Nag-eenjoy naman akong makita si Dadey Cristoff. Gaga ka, ang swerte mo!" inirapan niya ako. "Oh, ano pang hinihintay niyo, pasko? Group hug na!" masayang sabi niya at niyakap kaming tatlo. Kunwari pa 'tong baklang ito, gusto lang namang tsimisera sa asawa ko. Kaya sa bandang huli, nagkukurutan kaming dalawa sa tagiliran.

"Omg, Dadey. Akala ko pa naman anak mo ang gwapong batang 'to. Kamukhang-kamukha ng baby girl natin, oh," kahit kailan talaga, chismosa ang bading na ito. Maka-anak natin, akala mo sa kanila lang anak ni El. Sinamaan ko siya ng tingin, pero tinawanan lang ako ng gaga.

"He's not mine, but he's also my son. Kambal ko ang tatay niya."

"Oh, sorry. May kambal ka pala? Akala ko naman. Kamukhang-kamukha ng baby ko. Mygosh, Mayumi. Tingnan mo nga ang gulong pinasok mo. Dahil sa maling akala, nag-effort ka pa talagang lumipad ng Paris at magpakalayo," overacting. "Sino palang mommy niya at bakit wala?"

"His mom is Cindy, may pinuntahan lang kanina at sinundan siya ni Eldon, hindi ko alam na hindi pala sila magkasama."

Bigla na namang sumikip ang dibdib ko nang marinig ang pangalan na 'yon, kahit na alam kong hindi si Mikel ang kahalikan niya noon.

"Ah, si Cindy-munyo pala, hehe," sabi ni Sean. Kahit kailan talaga ang isang ito.

"What?" nagtatakang tanong ni Mikel sa kanya at natawa ako.

"Ah, sabi ko, si Cindy pala, ang mommy ni Eldon."

"Hay naku, na-stress ako sa naging twist ng buhay niyo, kahit ako dinamay ng author niyo. Every chapter 'ata puro iyak na lang ang ginawa nitong si Mayumi. Baka hindi lang dito nagtatapos ang kwento niyo? Dahil marami pa kayong natitirang kabanata. Makita ko lang ang author na ito, sasabunutan ko siya ng very hard, jusko. Pinapasakit niya ang ulo ko."

Natawa na lang ako sa kakulitan at kaingayan ni Sean. Pati si author nadamay tuloy. Naiiling na lang ako. Bakit naman kasi pinahirapan mo kami Author? Nasisi ka tuloy.

A Love Written In The Stars✓ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon