Chapter 1

2.1K 61 7
                                    

Ang aga-aga kinukulit na naman ako ng paborito kong Lolo.

I was busy reading my favorite Wattpad books here in my room when Lolo walked in.

"Apo, ito lang naman ang gustong regalo mula sa'yo ng Lolo." Malambing na sabi sa'kin ni Lolo. Kanina pa niya ako kinukulit, hay naku.

"Ang weird naman ng gusto mong regalo, Lolo." Napangiti siya sa sinabi ko. Nakasimangot na ako ngayon dahil sa kakulitan niya.

"Gusto ko lang na makita kang ikinakasal, Apo ko." Malungkot na sabi pa nito. Alam ko na ang gusto niyang iparating ngunit ayaw ko nang marinig pa ito. Lumapit ako kay Lolo at niyakap ko siya.

Naiintindihan ko ang gusto niyang mangyari. Naiiyak na naman tuloy ako, Lolo naman kasi ang kulit.

"Lolo? Paano po kapag ayaw niya po sa'kin?" Malungkot na tanong ko.

"Sa ganda at bait ng aking Apo, walang makakatanggi sa'yo" tugon nito sa tanong ko at sabay kaming natawa. Sus, ang tanda na ang bolero pa rin.

"Mabait at masunurin na bata si Mikel, alam kong papayag siya sa hiling ng kaniyang Lolo."

Suddenly, the fear that coursed through my body dissipated, supplanted by an ineffable joy.

Matagal na kaming kinausap tungkol sa kasal na'to. Dahil bata pa kami noon, wala lang sa amin ang bagay na 'yon. So, I just ignored it back then. At dumating ang araw na ito na matagal kong pinag-isipan.

Akala ko handa na ako, pero hindi pa pala. Am I nervous? Scared, or maybe I'm just excited? Hindi ko na alam. Sinong hindi matutuwa kapag ikinasal sa taong pangarap niyang pakasalan in the future?

Matagal nang alam ni Lolo na gusto ko si Mikel. Ang kwento sa'kin nina Mom, and Dad childhood friend ko ang lalaki hindi ko alam kung natatandaan pa ba niya o hindi na dahil mga bata pa naman kami noon. Close naman kami pero hindi na kagaya ng dati.

Kapag may dinner ang pamilya Abella at Lavigne, palagi ko siyang nakikita. Mukha lang siyang seryoso pero kaya naman niyang ngumiti. Magalang, marespeto at gentleman pa. The reason that's why I liked him, and he was my ideal type of a man naman. Nakaka-inlove, grabe! Manahimik ka nga Mayumi ang landi!

Matalik na kaibigan naman ni Lolo si Chairman Lavigne. So, I was shocked when I found out, that I will marry his gwapong Apo. May usapan na pala ang dalawa noon pa lang. Alam niyo ba na kahit ang Initial name namin ni Mikel ay magkapareho, para raw wala nang kawala dahil kami naman daw talaga ang tinadhana. Sobrang lakas talaga ng trip ng dalawang mag-bestfriend na matandang 'yon, kaya pati pangalan namin pareho. Ah damn, Abuelo's!

Kampante naman ako dahil alam kong komportable at safe ako sa kaniya. The only question that always bothers me is..

Gusto niya rin ba akong pakasalan?

Hindi naman ako makasarili at mag-t-take advantage dahil lang sa gusto ko ang mga nangyayari. Palagi kong iniisip na masaya ako pero paano naman siya. Masaya ba siya sa desisyon niya kung sakali man na pumayag siya?

⋆⭒˚.⋆ ˚⋆⋆⭒˚.⋆ ˚⋆

As I gaze up at the expansive night sky, I find myself reflecting on how our lives intersected most surprisingly. People say that love is written in the stars, and as I reminisce, I realize how accurate that sentiment is for our story.

Dumating na nga ang araw na pinakahihintay ko. Ang ikasal sa lalaking mahal at pinapangarap ko.

Having heard your vows and promises to each other, I now invite you to affirm your commitment to one another. Do you, Mikel, take Mayumi to be your lawfully wedded wife, to have and to hold, in sickness and in health, for better or for worse, for as long as you both shall live?"

A Love Written In The Stars✓ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon