Chapter 23

1.6K 32 1
                                    

Tahip-tahip ang kaba na nasa aking dibdib. Nakakainis. Bumigay na naman ako. Gusto kong murahin ang sarili ko. Wala na, nahalikan naman ako dahil nagpadala naman ako sa sinasabi ng puso ko. Tanga mo, Mayumi. Sobrang tanga.

Hindi porket mahal mo pa siya ay bibigay ka na lang agad-agad. Naloko ka na noon. Gusto mong maulit na naman? Hindi porket mahal mo pa at najunakan ka ay give-sung ka na lang ng give-sung. Dapat magtira ka sa sarili mo.

Sinisermunan ko na ang sarili ko sa pagiging tanga. Hindi talaga pwedeng magpadala sa emosyon. Kailangan ko pang malaman ang tunay na dahilan kung bakit niya nagawa sa akin iyon. Kung bakit mas pinili niyang saktan ako. Ano pa bang kulang? Ibinigay ko naman lahat, pinaramdam ko naman na mahal na mahal ko siya. Hindi na nga ako nagtira para sa sarili ko.

Akala ko ba mahal niya ako? Bakit niya ginawa sa akin ito? Bakit niya ako niloko?

Kayong mga lalaki, akala niyo pag nang babae kayo, nasasaktan niyo lang kami? Makikipagtyuktyakan kayo, tapos ine-expect niyo, iiyak lang kami? Itutulog lang ang sakit tapos pag gising okay na? 'Yon ang pangarap namin. Sana nga ganun lang kadali iyon.

Pero hindi. Walang tigil ang takbo ng utak namin. Pinipilit sagutin ang maraming tanong.

Bakit niya kaya nagawa 'yun?

Am I not enough? May kulang ba sa akin? May mali ba sa akin? Pangit ba ako? Pangit ba ang katawan ko? Kapalit-palit ba ako?

Then why?!!

Ay, iba na pala 'yon. Palabas iyon nina Enrique Gil at Liza Soberano e. Ano na nga ba 'yon?

Ayon, yung My Ex's and Whys.

Sorry, nadala lang sa emosyon, pero seryoso, bakit kaya maraming manloloko? Sa ganda kong ito, naloko pa!

Hindi ko alam na umiiyak na naman ako. Nasasaktan na naman ako. Ang sakit-sakit. Ang hirap magpanggap na hindi na ako nasasaktan. Ang hirap magpanggap na nakamove on na ako, pero hindi pa.

"Umiiyak ka na naman, 'di ba sabi ko sa'yo ayokong nakikita kang umiyak?" Marahang sabi ni Sean at pinunasan ang luha ko.

"Tahan na, kapag hindi ka tumigil diyan, papangit ka na tapos mas maganda na ako sa'yo, sige ka." Natawa naman ako sa kaniya.

"Ano, itutuloy pa ba natin ang laro? Laro ng pag-ibig?" Tanong niya. Kaya tumango ako at sabay kaming tumawa.

"Gaga ka, effective naman kaya?" Maarteng sabi niya at hinawi ang imaginary long hair niya.

Pumipilantik pa ang kamay na akala mo ay babae. Kung makikita niyo si Sean, magugulat kayo. Hindi niyo iisipin na mahilig siya sa talong.

"Feeling ko effective. Hinalikan nga ako, e. At sa ganda kong ito, hindi na 'yon makakatanggi." Sabi ko at tinaasan siya ng kilay.

"I love the confidence ha. Slay, Mimasaur. Ang gwapong CEO/engineer, na one of the youngest and richest businessman in Asia na si Mikel Cristopher Lavigne ay hinalikan ka. Ikaw na talaga te. Sa'yo na ang korona."

"Syempre naman no, ako na 'to e."

"Pero kanina, umiyak ka?" Banat naman niya. Sinamaan ko nga ng tingin. Parehong-pareho sila ni Sonomi. Ang hilig nila akong asarin.

"Ewan ko sa'yo!"

"O siya, magising ka ng maaga ha, para maaga tayong makagala bukas. Aalis na rin ako." Humalik siya sa aking pisngi at dumiretso na palabas ng pinto. Family day namin bukas. Wala kaming trabaho non. Kaya igagala namin si Cheska.

Alas sais pa lang ng umaga nang matapos akong mag-ayos at lumabas ng kwarto. Sakto naman at kadarating lang ng sasakyan ni Sean.

"Good morning!" Bumaba ito ng sasakyan. Sinalubong naman namin siya.

"Good morning, Dada," bati sa akin ng anak ko. Napangiti naman ako. Lumalaki na talaga si Cheska. Hindi na siya nahihirapang magsalita.

Lumapit siya sa kaniyang Dada at nagpakarga. Napangiti na lang ako habang nakangiti na pinapanood sila. Kahit bata pa lang si Cheska ay naiintindihan niya ang sitwasyon namin. Sa tuwing hinahanap niya ang daddy niya, "nasa malayo si Daddy anak" ang palagi kong sinasagot sa kaniya.

Naaawa ako para sa anak ko. Dahil lumalaki siyang hindi kasama ang kanyang daddy. Kung nandito lang ang kanyang kambal at ang kanyang daddy, mas masaya siguro ang anak ko. Hindi niya mararamdaman na hindi siya buo.

Mabuti na lamang at ang kanyang Dada ay palaging nasa kanyang tabi. Pero iba pa rin talaga kapag ang tunay niyang daddy. Talagang hinahanap-hanap niya. Alam naman niya ang mukha ng kanyang ama. May picture din ito sa kaniya. Kapag namimiss niya ang daddy niya, titingin lang siya sa litrato ni Mikel at ikikiss ito. Sasabihan niya ng "I love you" kahit hindi naman siya naririnig. Minsan, nakikita kong lumuluha ang anak ko habang kinakausap ang litrato ni Mikel. Tuwang-tuwa din siya kapag nakikita niya ang ama sa mga articles o sa TV.

Nasasaktan ako para sa anak ko. Ang makitang nahihirapan siya ay hindi ko kaya, kaya nagdadalawang-isip ako kung itutuloy ko pa ba ito. Kung itutuloy ko pa ba ang larong nasimulan ko o ipagpapatuloy ko habang ang anak ko ay naghihirap dahil nangungulila sa ama na matagal niya nang gustong makita.

Sobrang taas na talaga ng naabot ni Mikel. Kung ano siya noon, doble sa ngayon. He has more power now, kayang-kaya niyang gawin kung ano ang gusto niya, kung anong naisin niya, dahil umiikot lang ang pera sa kamay niya. Kayang-kaya niyang makuha ang gusto niya. Usap-usapan na his money is more than a trillion. Halimaw sa negosyo, halimaw sa pera.

Maraming nagsasabi na si Mikel daw ay hindi tumitigil hanggat hindi siya nanalo sa negosyo. He loves business so much kaya hindi na ako magtataka na isa siya sa pinakabatang businessman na trilyon ang pera, na isa siya sa pinakasuccessful na tao sa mundo.

"Kamusta naman ang naging tulog ng baby girl ko?" Tanong ni Sean habang inaayos ang seatbelt ng aking anak.

"It's fine naman po, Dada. I sleep well po!" Masayang sabi ng anak ko.

Nang nasa mall ay pumunta kami sa playground. Ilang oras na naglaro ang anak ko at nang mapagod kalalaro, pinagpahinga muna namin siya. Tapos naglibot muli kami sa mall.

"Lets go there, Mommy, Dada!" Cute na sabi ng anak namin bago kami hinila. Natawa naman kami sa kakulitan niya.

May nakita pala siyang ice cream machine.

"What flavor do you want, baby?" Tanong ko sa kaniya.

"I want cheese po, Mommy, please," pagpapacute pa nito kaya natawa na lang ako. Nakikita ko ang sarili ko sa kaniya, but she loves cheese din, like her daddy. Hati talaga ang namana niya sa amin ng daddy niya. Nang maibigay sa kaniya ay nilantakan niya agad ito.

Pagkatapos naming kumain ng ice cream, nanood muna kami ng sine. Nang matapos ay dumiretso kami ng restaurant malapit dito sa mall. Nagutom kami sa kanonood.

Nang makapasok kami ng restaurant, humanap kami ng pwesto at nag-order naman si Sean. Nagpaalam naman ako na pupunta muna ng CR.

Nang matapos akong umihi, nag-retouch muna ako ng mukha. May narinig akong batang umiiyak sa labas ng CR kaya dali-dali akong lumabas. Nagulat naman ako ng makita ko ang anak ko na inaalo ang isang batang lalaki. Pinapatigil niya itong umiyak. Lumapit naman ako sa kanilang dalawa.

"Baby, bakit, anong nangyari?" Tanong ko kay Cheska.

"Mommy ko, nawawala daw po siya. Hindi niya po makita yung mommy at daddy niya."

Lumuhod naman ako sa harap ng bata at pinapatahan ko siya.

"Hush, 'wag ka nang umiyak. Hahanapin natin ang mga magulang mo, okay?" Malambing na sabi ko at agad naman itong tumahan at nilingon niya ako. Nagulat naman ako sa itsura ng bata.

Biglang sumikip ang aking dibdib. Bigla akong nanlambot sa aking nakita. Nanginginig ang aking mga kamay nang mahawakan ko ang bata. Ang kulay abo nitong mga mata ay katulad na katulad ng sa anak ko. Bigla na lang tumulo ang aking luha. Hindi makapaniwala sa nakita.

Kamukhang-kamukha niya si Cheska. Kamukhang-kamukha niya ang anak ko.

A Love Written In The Stars✓ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon