Chapter 12

982 33 2
                                    

MAAGA akong nagising at agad hinanap si El.

"Nay, nasaan si El?" malungkot kong tanong kay Nanay Adel na abala sa paglilinis ng bahay.

"Maaga siyang umalis, Anak. Sabi ko nga ay gisingin ka muna para sabay kayong mag-almusal ngunit huwag na raw para makapagpahinga ka," sagot ni Nanay Adel.

"May gusto ka bang kainin?" tanong ni Nanay Adel. Umiling ako.

"Okay lang, Nay. Ako na ho. Magpahinga na ho kayo," sagot ko nang walang gana. Pilit akong ngumiti kay Nanay Adel, pero unti-unting nawawalan ako ng pag-asa dahil marahil ay nasa babaeng kausap kagabi ang asawa ko ngayon.

"Sinasabi ko na nga ba at bibigay ka rin," Sonomi said, Habang prenteng nakaupo sa harap ko.

"Huh?" nagtataka kong tanong.

"Hay, ewan ko sa'yo, Yumi. Magkakaanak ka nang lahat lahat, inosente ka pa rin?" My friend teased me. Hindi ko napigilang matawa.

"Ano? Masarap bang kumain si Daddy Cristoff?" mapang-asar na tanong niya.

I'm glad she visited. I really needed someone to talk to right now. I feel like I'm not alone anymore. Hindi ko naman pwedeng sabihin kay Nanay Adel kung ano ang bumabagabag sa isipan ko. hindi pa naman kumpirmado.

"M-masarap, pakiramdam ko para akong nasa ulap," I said, playing along with my bestfriend's antics.

"Ay naks! Sarap palang kumain ni Daddy, kaya magiging ninang na ako." Sonomi joked, and we laughed together. My friend's mouth had no filter.

"Ikaw, kamusta ka antagal mong nawala ah?" Mababakas ang tampo sa tono ng boses ko. Ilang taon din siyang nawala.

"M-maayos naman. See, ang ganda ko pa rin." Sonomi said cheerfully. Napangiti naman ako sa narinig.

"Oo. Lalo kang gumaganda." Sang-ayon ko. Lalo talaga siyang gumanda.

"Sus, nambola pa, alam ko. Kulang lang ako sa dilig." I was surprised by what I heard.

"So, nadiligan ka na?"

"Ang alin? Ang petchay ko? Oo naman 'no matagal na! Ikaw lang naman ang inosente sa ating dalawa." She said while laughing.

"Ang landi mo talaga, mana ka sa'kin, sino 'yang masuwerteng lalaki na 'yan?" I raised my eyebrow at her.

"Secret, malalaman mo rin."

"Ang daya mo naman, sige na nga."

"Good evening!" Lumapit si Mikel sa akin at hinalikan ako sa labi.

Sa sobrang busy sa pakikipag-usap kay Sonomi, hindi ko namalayan na dumating na pala siya.

"Good evening! Ay, bold!" Si Jan na kunwareng tinakpan pa ng kamay ang mukha. Lahat kami ay nagtawanan sa iniasta niya, maliban kay Sonomi na nakatitig lang sa kanya.

"Aray!" Daing nito at nagtatakang tiningnan si Mikel na binato siya ng sumbrero nitong kulay itim.

"Para sa'n naman 'yon, dude?"

"Stop overacting, brute. You act like you've never kissed a girl before."

"Matagal-tagal na rin." Makahulugang sabi nito. Seryoso ang tunog sa boses, sabay tingin sa nakatulalang si Sonomi. Bakas sa mukha ng kaibigan ko ang pangungulila ngunit nawala rin agad iyon ng lumingon si Jan sa kanya.

Hindi nagtagal ay nagpaalam na rin si Sonomi sa amin.

"Hindi na rin ako magtatagal. Baka hinahanap na ako sa bahay."

Speaking of hinahap, biglang may tumawag kay Sonomi. Sinagot naman niya agad ito. Bigla namang tumahimik ang paligid at nakikinig lamang kami sa kaniya.

"Yes, baby? Yeah, uuwi na rin ako. Hmm, I miss you too. I love you." Malambing na sabi ni Sonomi sa kabilang linya.

Lumingon siya sa akin, bakas sa mukha ko ang pagtataka.

"Siya ba 'yong tinutukoy mo kanina?" Nakangiting tanong ko. Tumawa naman si Sonomi.

"Marami-rami ka ng utang na kwento sa akin." Malungkot na sabi ko sa masekretong kaibigan.

"Kwento ko sa'yo sa sunod. Sige na, aalis na ako, bye Yumi, bye Cristoff!" Paalam niya sa amin.

"Hindi na rin ako magtatagal. Marami-rami pa rin pala akong gagawin." Paalam ni Jan.

Nagtataka naman kaming tumangong mag-asawa sa iniasta ng dalawang kaibigan. Sa huli, dalawa na lamang kami ang naiwan sa sala. Naghari ang katahimikan sa buong paligid. Ilang minuto rin bago ako nagsalita.

"Saan ka galing kanina?" I asked sadly.

"Why, do you missed me?" Mikel couldn't help but smile. I nodded. Namimiss ko talaga si Mikel lalo na kapag hindi ko siya nakikita.

"I missed you too, pati na rin si baby." Mikel said, na hinahaplos ang busog kong tiyan.

"Maaga akong umalis dahil marami akong inasikaso sa opisina," paliwanag niya.

Tumango na lamang ako. Iniisip kung totoo ba ang sinabi niya. Sa huli, pinaniwalaan ko si Mikel. Kahit may pag-aalinlangan, sinunod ko ang sinasabi ng aking puso.

Lumipas ang mga araw ngunit wala naman akong napapansin sa asawa ko. Kung paano ang trato nito sa akin ay ganoon pa rin naman. Palaging pinaparamdam nitong mahal na mahal niya ako. Naglaho ang pangamba sa akin at napalitan ito ng kapanatagan sa aking puso.

"Hubby?" I called out sweetly to Mikel, my voice showing affection.

"Hmm?"

"Gusto ko ng Barbie," I said eagerly.

"Okay, what else does my beautiful wife want?"

"Wala na, Barbie lang."

"Okay, I'll call my secretary to buy your Barbie," he said, ready to call his secretary.

"No!" Masungit na pinigilan ko si Mikel.

"Why, Baby?" Nagtataka siya na tiningnan ako.

"Gusto kong ikaw ang bumili."

"What the hell, wife!" He said in surprise.

"Ayaw mo?" Tumango naman siya.

"Sige, maghiwalay na lang tayo," bakas ang iritasyon sa boses ko.

"Are you serious, Wife?"

"Sino bang nagsabi na nagbibiro ako?" Masungit na angil ko sa kanya.

"Sino bang nagsabi na ayaw kong bumili?" Si Mikel na wala na namang magawa kundi sundin ang gusto ko.

THIRD PERSON POV

"Ayan na nga ba ang sinasabi ko!" Jan teased Mikel playfully.

"Shut the fuck up, brute, just find that goddamn Barbie."

Nang makita nila ang Barbie section, lumapit silang dalawa at hinanap kung ano ang magugustuhan ng asawa. Nang hahawakan na ni Mikel ang Barbie, biglang napasipol si Jan sa tabi niya. May narinig pa silang nagbubulungan sa tabi nila.

"Hala, diba si Engineer Mikel Cristopher Lavigne 'yan?"

"Oo nga 'no?"

"Anong ginagawa niya dito sa laruang pambata?"

"Baka para sa anak niya?"

"Wala naman akong nabalitaan na buntis ang asawa niya," nagtataka naman ang isa.

"E para kanino 'yang bibilhin niya?"

"Naku, hindi kaya para sa sarili niya?"

"Sayang naman ang gwapo pa naman."

"True ka diyan, girl. Sayang ang lahi."

Sabi ng mga chismosang nagbubulungan bago umalis. Hindi naman napigilan ni Jan na mapahagalpak ng tawa sa narinig.

"Shet, bading ka pala, Cristoff!" Natatawang pang-aasar nito sa kaibigan.

Hindi naman maipinta ang mukha ni Mikel sa narinig na bulungan.

"Fuck this Barbie dolls, but it's for my beautiful wife, kaya okay lang," sabay kuha sa lahat ng klase ng Barbie.

A Love Written In The Stars✓ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon