LUMIPAS ang tatlong buwan. Patindi nang patindi ang paglilihi ko. Halata na rin ang umbok ng aking tiyan.
"Ayaw nga kitang makita, doon ka muna sa labas."
"Wth, Wife. You don't want to see me?"
"Oo. Kaya umalis ka na at matutulog na ako."
"Gusto kitang katabi matulog," namamaos, nagsusumamo ang boses nito.
"Ayaw." Hindi ako nagpatinag. Hindi ko alam kung saan siya matutulog. Bahala na siya.
KINAUMAGAHAN ay nagising ako na hindi ko katabi ang asawa. Umiiyak ako pagkabangon. Hinahanap si Mikel.
"H-hubby?" Nilibot ko ng tingin ang buong sulok ng kwarto ngunit hindi ko makita ang asawa ko.
"Asawa ko?" Hindi pa rin ako matigil sa pag-iyak hangga't hindi ko nakikita ang gusto kong makita. Nasa kusina na akong lahat-lahat ngunit wala pa rin ang hinahanap.
"Oh, Anak. Bakit ka umiiyak?" Nagtataka si Nanay Adel.
"Si E-el po, Nanay. Wala po siya sa tabi ko nang magising ako." Humihikbi pa ring sabi ko at hindi matigil sa pag-iyak.
"Ah, nasa guest room natulog, anak. Sabi mo ay ayaw mo raw siyang makita." Natatawang sabi pa ni Nanay Adel.
Dali-dali namang akong tumakbo papuntang guest room kung saan ang asawa ko.
"Dahan-dahan sa pagtakbo. Ay sus, ang mga batang ito talaga." Napapailing na lang si Nanay Adel sa kaniyang mga alaga.
"H-hubby!" Tawag ko sa mahimbing na natutulog na asawa. Nagising naman agad ito nang marinig ang boses ko.
"Hey, what's wrong, baby?"
"Bakit hindi ka natulog sa tabi ko?" Humihikbing tanong ko sa kaniya.
"You said you didn't want to see me?" Mikel asked softly. "Hush, stop crying, baby," he said, comforting me. Umiiyak pa rin ako.
"Sinabi ko 'yon?" Humihikbing tanong ko.
"Hmm, yeah." Mahihimig ang pagtatampo sa boses ni Mikel.
"I'm sorry, hubby ko." Malambing na sambit ko at niyakap ko siya. Hinalik-halikan ko pa siya sa pisnge. Natatawang niyakap naman ako ni Mikel pabalik.
"Let's go outside." Aya niya sa akin na ayaw umalis sa pagkakayakap sa kaniya.
"Ayaw."
""Why?" Magiliw na tiningnan ako ni Mikel na naglalambing sa kanya.
"Baka umalis ka na naman e," Natawa si Mikel sa sinabi kong iyon.
"Hindi ako aalis sa tabi mo."
"Promise?"
"I promise."
ABALA ngayon si Mikel sa pagbabasa ng librong para sa buntis, habang ako kumakain. Pagkatapos kong kumain, agad akong nakatulog. Madalas akong tulog, dala siguro ng aking pagbubuntis.
Nang magising ako, tinanong ako ni Mikel kung anong gustong kong kainin.
"Aren't you hungry?" he asked, holding my hand. Nag-isip-isip muna ako bago sagutin ang aking asawa.
"Gusto ko ng grapes, hubby. 'Yung kulay pink."
"What?" Mikel furrowed his brows, iniisip kung meron bang ubas na kulay pink.
Napahinga muna ng malalim si Mikel bago tumango.
"Sige, maghahanap ako ng grapes na kulay pink." He gently said, habang masuyong hinalikan ako sa aking pisngi.
THIRD PERSON POV
"Himala, napadalaw ka?" tanong ni Jan na prenteng nakaupo.
"May alam ka bang market?" Mikel asked, massaging his throbbing head.
"Para saan naman?"
"May alam ka bang nagtitinda ng grapes na kulay pink?" Jan burst into laughter at his friend's question.
"Grapes na kulay pink, meron ba no'n? Gago!"
Mikel rubbed his face in frustration.
"Saan ka naman makakabili no'n? Kahit 'ata kasuluk-sulukan ng mundo wala kang mahahanap na ganon." Natatawang napahawak na si Jan sa kaniyang tiyan dahil sa kanina niya pangtawa.
Hindi na ito matigil sa pagtawa samantalang ang kaibigan ay stress na kung saan ba makakakita ng grapes na kulay pink.
"That's why I'm asking you. Idiot!" Mikel was losing his patience.
"Alam ko na kung paano ka makakahanap nang ganon." Si Jan na hindi pa rin matigil sa pagtawa.
"How? Is it another one of your stupid ideas? I'm serious."
Nang makita ang resulta sa ginawa nilang magkaibigan, napangiti si Mikel.
"Not bad."
"Ayos na rin, para sa aking pamangkin. Ninong ako ha." Si Jan na tinapik pa ang likod ni Mikel.
"For sure. Siguraduhin mo lang na magugustuhan ng asawa ko ito."
"Syempre naman, ako pa."
"Ang hangin mo, gago." Natatawang sambit na lang niya sa kaibigan.
When Mikel arrived home, he handed Mayumi the pink grapes. She immediately took them. Nangingislap at nagniningning ang kanyang mga mata.
"Ang sarap." Masayang nilalantakan niya ang isang punong bowl ng pink na ubas na bili para sa kanya ni Mikel.
Habang si Mikel ay busy na naman sa mga article na binabasa niya.
"Wife." he called out affectionately, ngunit hindi ito umimik.
Paglingon ni Mikel kay Mayumi, mahimbing na natutulog ito, hawak pa rin ang bowl na tatlong pirasong grapes na lang ang laman. Napangiti si Mikel sa ganda ng view na nakikita. Inayos niya ang pagkakahiga ng asawa. Kinuha ang bowl at inilagay sa lamesa sa gilid ng kanilang kama. Mikel leaned in closely and gently kissed Mayumi on the forehead.
"I love you," he whispered, but she only sighed in response.
Hapon na pero hindi pa rin nagigising si Mayumi. Naisipan ni Mikel na ipagluto siya ng champorado. Noong isang beses na ipinagluto niya ito, nagustuhan ito ng asawa. Sariwa pa sa isipan ni Mikel ang cute na ginawa ng asawa. Natatawa na naman tuloy siya.
Papaano, nilagyan ni Mayumi ng Bear Brand na gatas ang champorado niya. Okay lang sana, ngunit punong-puno naman ito at halos umapaw na sa mangkok ang gatas na inilagay niya. Hindi na lamang sinita ni Mikel, baka umiyak na naman ang asawa. Ngayon, ano na naman kaya ang susunod na gagawin sa champorado ng asawa? Gwapong napangiti si Mikel at napailing na lamang siya.
MAYUMI'S POV
"Here's your favorite champorado."
"Yey, thank you, hubby." Pinaliit ko ang boses at nagpapa-baby na naman kay Mikel.
"Pwede pong mag-request?" Malambing na tanong ko.
"Hmm, anything for my wife."
"Pwedeng magpaluto ng egg?"
"Egg?" Mabait namang tumango ako.
"Anong klaseng luto, Mahal?" Mikel asked with a smile at me.
"Laga po, Hubby. Please." I said playfully, at nag beautiful eyes pa.
"You want nilaga?"
"Yes po, please," I clasped my hands together and made puppy eyes at my husband.
Nang matapos maluto ni Mikel ang nilagang itlog, binalatan niya ito bago ibinigay sa akin.
"Thank you, hubby ko."
"You're welcome. I love you."
"I love you too."
Kinuha ko naman ito at inilagay ang tatlong itlog na nilaga sa aking champorado. Natawa na lamang si Mikel sa ginawa ko. Ang champorado kasi ay nagsilbing Arroz Caldo sa akin. Magiliw na pinapanood lamang ako ni Mikel kung ano ang susunod kong gagawin.
BINABASA MO ANG
A Love Written In The Stars✓
Romance[COMPLETED] "In the quiet of the night, I trace the lines of our love in the stars, each twinkling light a reminder of our shared destiny." ー Mayumi "Mayumi Chantrea, a simple woman and the sole heiress, has to marry Mikel, in order to fulfill her g...