"Ba't malungkot ang beshy ko? Anyare sa family dinner niyo?" tanong ng makulit kong best friend na si Nomi.
"Maayos naman," tinatamad na sagot ko. Tinapik naman niya ang braso ko.
"Anyare sa'yo, girl? Ba't ang tamlay mo?"
"Wala. Ano ka ba naman. Okay lang ako." Pinilit kong ngumiti, labas ang ngipin para hindi na siya mag-alala.
"Inaway ka ba nung Cristoff na 'yon?" Handa na siyang sumugod, buti na lang napigilan ko. Kahit kailan, sadista talaga.
"Ano ka ba namang babae ka? Anong inaway? Hindi na 'ko bata para awayin 'no," Natatawang sabi ko sa kaniya. Sarap niyang sakalin sa leeg, sa totoo lang.
Bigla niya akong hinawakan sa magkabila kong pisngi. "Ay, gago. Ang init mo, tanga!" Nagago na, natanga pa. Tibay! Sinamaan ko siya ng tingin. Ayan, makuha ka sa tingin. Overreacting.
"Ang sama mo, minumura mo na "'ko ngayon ha," Nag-peace sign naman ang gaga.
"Ba't naman pumasok ka pa? Ang taas ng lagnat mo oh!?"
"Ang OA nito. Lagnat lang 'to. Hindi pa naman ako mamamatay." Hinampas niya ako sa braso.
"Aray naman. Ang lakas non, huy!" Kahit kailan talaga, napaka-sadista ng babaeng ito.
❃❃❃
Pagmulat ng mata ko, nandito na ako sa kwarto namin. Sa kwarto namin?! Nanlaki ang mga mata ko nang mag-sink in sa akin ang lahat, kung paano ako napunta dito. Kaya napabangon ako bigla.
"Mabuti naman at gising ka na. Akala ko hindi ka na magigising eh," asar sa akin ng lalaking nasa harap ko. Inirapan ko siya. Sarap mong halikan este sapakin be.
"Ang sama mo. Umalis ka nga sa harap ko!" Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at mahalikan kita este matadyakan kita diyan. Pogi ka pa naman.
"I'm just kidding." Hala, Lord. Nag-chuckle siya. Ang gwapo. Sarap niyang i-kiss. Ano bang ginawa mo sa akin Mikel Cristopher Lavigne at bakit baliw na baliw ako sa'yo.
Mayumi, kalma. Hindi ka pinalaki ng magulang mo para maging haliparot, ang landi mo talaga.
"Tophe, pa'no ako napunta dito sa kwarto natin? Nasa school ako, ah" nagtatakang tanong ko kay Mikel na nasa aking tabi at may binabasa na namang libro. Kahit kailan talaga ang sipag nito.
"It's a long story. You need to rest, 'wag nang maraming tanong," Tumingin siya sa mga mata ko. Biglang lumambot ang ekspresyon ng mukha niya at napansin ko iyon.
"Kamusta pakiramdam mo?" Nag-aalalang tanong nito. Hinawakan niya ang noo ko.
Concern ang bebe ko na iyan. Kinikilig ako. Huwag kang ganyan, baka lalo akong ma-fall tapos hindi mo naman ako sasaluhin. Masakit iyon.
"Okay lang, buhay pa naman. Baka nakakalimutan mong si Yumi ako," mayabang na sabi ko.
"Si Chanty na maliit pero makulit," marahang sabi niya. Kaya hinampas ko siya ng unan para manahimik na.
❃❃❃
Pagkatapos naming mag-asaran, pinakain niya ako ng niluto niyang lugaw at pinainom ng gamot. Aasarin ko pa sana siya pero sermon lang ang inabot ko rito. Magpahinga na lang daw para gumaling ako. In fairness, ang sweet sweet niya. Inalagaan niya ako. Kinikilig ako, Lord. Sign na ba ito na kami ang happy ending?
"Anong nginingiti-ngiti mo riyan? May kalokohan na naman na pumasok sa utak mo?" marahan niyang pinitik ang noo ko.
"Aray ko, gago!" reklamo ko habang hawak ang noo ko. Kahit hindi naman talaga masakit.
BINABASA MO ANG
A Love Written In The Stars✓
Romance[COMPLETED] "In the quiet of the night, I trace the lines of our love in the stars, each twinkling light a reminder of our shared destiny." ー Mayumi "Mayumi Chantrea, a simple woman and the sole heiress, has to marry Mikel, in order to fulfill her g...