"Ihing-ihi na ako, Yumi, samahan mo 'ko, bilis!" Hila sa akin ng kaibigan kong si Sonomi.
Sa sobrang bilis ng takbo namin, nakarating agad kami sa CR ng girls. Nasa labas ako at hinihintay ang kaibigang matapos.
"Sabi ko naman sa inyo, si Mayumi Chantrea 'to, eh," masayang bulong ng babae na hindi pamilyar sa akin at nilapitan ako ng mga ito.
"Hi, Mayumi!" sabay-sabay na bati sa akin ng tatlong babae na nasa harapan ko. Nagtaka ako dahil hindi ko naman kilala ang mga ito samantalang sila kilala nila ako.
"Wait, Excuse me. Do I know you?" Nagtatakang tanong ko. Hindi masungit at hindi bastos ang tono ng pagkakatanong ko. Nginitian ko ang mga ito, lumawak naman ang ngiti ng mga ito.
"'Di ba pinsan ka ni Mikel Cristopher, pwede bang pakibigay ito sa kanya?" Mahihimigan ang harot sa walang prenong bibig ng babaeng kulot na nasa harapan ko. Biglang nawala ang ngiti ko sa babaeng kaharap at napalitan ng inis.
Ininsulto na ako at inutusan pa talaga. Actually, hindi naman siya maganda, ang kapal ng kolorete na nilagay niya sa kanyang mukha, nagmukha tuloy siyang clown.
Napatingin naman ako sa inaabot ng babaeng mukhang clown. Love letter? Uso pa ba ito sa panahon ngayon? May puso-puso pa talaga. Napairap tuloy ako sa hangin. So, cheap. Ang pangit kahit nag-effort pa siya.
Plastic akong ngumiti at kinuha ang letter na halos malukot na sa sobrang inis ko.
"Oh, ano 'yang hawak mo?" Nagtatakang tanong ni Sonomi na kalalabas lang ng CR. Ano ba ang ginawa ng kaibigan ko at bakit feeling ko ay sobrang tagal nitong umihi?
"A-ah, wala 'to. Basura lang." Tinago ko naman ang letter sa likuran ko. Nang may makitang basurahan ay itinapon ko ito.
Pagkapasok sa room ay saktong kararating lang nang aming prof. Nang matapos ang klase ay dumeretso na kami ng canteen, break time namin.
Hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob ko. Kahit na aware naman ako na ang alam ng lahat ay pinsan ako ng asawa, maliban sa kaibigan namin. Nagtataka kasi ang iba bakit pareho ang apelyido namin ni El. Hindi naman talaga dapat lihim ang kasal namin. Ayaw ko lang talagang ipaalam. Sa dami ba naman ng nagkakagusto sa asawa ko, ay hindi talaga nila pwedeng malaman na asawa ko siya.
"Huy, babae. Ang aga-aga nakabusangot ka rito?" sinamaan ko naman ng tingin ang kaibigan ko.
"Wala. Badtrip lang." Naiinis pa rin ako sa mga babaeng nakausap ko kanina. Sa ganda kong ito, mapapagkamalan lang ako na pinsan. Pinapainit talaga ang ulo ko.
"Good afternoon, Class!" pambungad na bati ng aming Prof na si Doc Rivaz.
Nakikinig lang ako buong klase habang nagdi-discuss ang prof sa harapan. Mabuti na lamang at patapos na. Hay naku, ang boring magturo ni sir.
NASA canteen na naman kami ngayon ni Nomi. As usual, kumakain dahil nagugutom. Patay-gutom kasi kami. Habang kumakain, siyempre hindi mawawala ang pagiging chismosa namin dahil parte naman talaga ng buhay iyon. Nagulat na lang kami nang may biglang sumingit.
"Pwede bang maki-upo? Wala na kasing space sa ibang table," napalingon kami sa nagsalita. Si Jan lang pala. Oo, si Jan lang. Nilibot ko nang tingin ang buong canteen, wala na nga talagang space. Nasaan kaya ang magaling kong asawa at bakit wala ito ngayon.
"Pwede naman," sagot ko sa lalaki at nilingon ang delulu kong kaibigan para malaman kung sang-ayon ba siya dahil pumayag ako. Ngunit ang sobrang lawak ng ngiti ng gaga. Bakit ko pa nga ba tinanong, alam ko naman na papayag siya kahit hindi pa ako nagtatanong.
"Hi, Jan!" masayang bati ng haliparot kong kaibigan. Tiningnan lang ito ni Jan kaya natawa ako sa reaksyon nito.
Ang ending, ang dalawa na naman ang magkatabi.
"Kung hinahanap mo si Topher, hindi ko siya kasama," sabi ni Jan na bakas sa mukha ang nakakalokong ngisi. Inirapan ko naman ito.
"Wala akong pake, hindi ko tinatanong!" iritang sabi ko rito.
"Baka lang kasi hinahanap mo, humahaba kasi 'yang leeg mo." Banat na naman nito kaya mas lalo akong nairita. Hindi ko na lang siya pinansin. Badtrip ako ngayon dahil dinagdagan na naman ng magaling kong asawa ang inis ko.
Hanggang sa matapos kaming kumain, kinukulit ni Nomi ang lalaki. Hindi naman siya nito pinapansin. Hindi naman masungit si Jan, sadyang ayaw niya lang pansinin si Nomi. Kawawa naman ang best friend ko.
Ngunit hindi naman tatabi ang lalaki kung hindi niya gusto si Nomi. Sus! Style niya, bulok.
❃❃❃
"You look so happy, huh!" sabi ng lalaking kina-iinisan ko kanina pa.
"Sobra," nakangiting sang-ayon ko naman. Sa sobrang saya ko, nawala pati inis ko sa kanya.
"Don't turn your back on me, Wife. I'm still talking to you!"
"Ano ba?!" tingnan mo itong lalaki na ito, pinapainit na naman ang ulo ko.
"Who's that guy?" seryosong tanong nito.
"Huh? Sinong guy?" nagtatakang tanong ko.
"That guy na kinukulit ka sa canteen kanina," napatawa naman ako nang makilala kung sinong guy ang tinutukoy niya.
Classmate namin ni Nomi. Lumapit ito sa table namin kanina. Nangungulit na naman. Hinihingi number ko. Hindi talaga umaalis hangga't hindi ko binibigay. Kaya sumuko na lang ako. Binigay ko kahit hindi naman talaga iyon ang number ko. Ang kulit niya kasi.
Nagseselos ba ito?
"Yang mga ngiti mo na ganyan alam ko 'yan. Sino 'yon?" naaasar na talaga ito pero ang gwapo niya pa rin.
"Wala ka na do'n!" sabi ko sabay talikod. Ang alam ko ay wala si Mikel kanina. Kung maka-asta ito ay parang nagseselos siya. Hindi naman.
Hay naku, Mikel Cristopher. Tigil-tigilan mo ako. Nasabi ko na lang sa isipan ko.
❃❃❃
Kanina ko pa kinukulit ang asawa. Hindi niya ako pinapansin. Hindi ako sanay na hindi niya ako iniimik. Hindi ko alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko, parang ang sakit. Simula kanina hindi niya ako nililingon at kinakausap man lang ni Mikel. May nagawa ba ako? Bakit ba kasi ito nagagalit? Naiiyak na ako, pinipigil ko lang, parang may batong nakabara sa aking lalamunan. Ang sakit.
"Tss. Nakakainis." Napalingon ako kay Mikel nang bigla itong magsalita.
Inihilamos nito ang dalawang palad sa mukha pagkatapos ay lumapit sa akin at pinunasan ang luha sa mga mata ko. Hindi ko alam na tumutulo na pala ito kanina pa.
"Shh. Stop crying, papangit ka niyan, sige." Pang-aasar pa nito. Hinampas ko naman siya.
"Ikaw kasi. Hindi mo 'ko pinapansin," naiiyak na sabi ko. Sobrang sama talaga ng loob ko, hindi ako sanay.
"Wala, trip ko lang. Ang sarap mo kasing asarin." Alam kong mababaw na dahilan iyon pero hindi ko na lang ito pinansin. Ang mahalaga okay na kami.
"May pa tampo-tampo effect ka pa r'yan. Wala naman palang dahilan." Nagtatampo pa rin na sabi ko sa aking asawa.
"Kung alam mo lang ang dahilan." May sinabi pa siya pero hindi ko narinig.
"Anong sabi mo?"
"Wala naman ah," maang-maangang sabi niya sabay pisil sa ilong ko.
"Aray, ang sakit g*go!" Nagulat na lang ako ng ilapit niya ang mukha sa mukha ko.
"Hahalikan kita o magmumura ka pa?" Malambing na bulong nito. Hindi ko maiwasan na maamoy ang mabangong hininga niya, amoy menthos.
Tumingin ito sa kaliwang mata ko, sa labi, at pagkatapos no'n sa kanang mata ko. Napatampal na lang ako nang ma-realize kong... Ginamitan ako ng asawa ko ng triangle method. Pa-fall! Heto na naman tuloy ang puso ko, tumatalon sa sobrang kaba. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, sana lang hindi niya marinig dahil nakakahiya.
BINABASA MO ANG
A Love Written In The Stars✓
Romance[COMPLETED] "In the quiet of the night, I trace the lines of our love in the stars, each twinkling light a reminder of our shared destiny." ー Mayumi "Mayumi Chantrea, a simple woman and the sole heiress, has to marry Mikel, in order to fulfill her g...