"Nakahanda na ang damit na isusuot mo. Maghugas ka na," sabi ko nang hindi tumitingin sa asawa ko, ngunit hindi ito gumagalaw sa likod ko, kaya nilingon ko ito para masiguradong may kausap nga ba ako.
Sana hindi ko na lang ginawa. Dahil nahuli ko itong nakangiti. Mas guwapo kasi ito lalo na kapag ngumingiti.
"Ano pa ang ginagawa mo riyan?" Nagtatakang tanong ko.
Pinilit kong gawing casual ang boses para hindi mahalatang kinikilig na naman ako.
"My beautiful wife is caring for me, huh" nagyayabang na sabi niya sabay ngiti at pabirong tawa. Sa pagkakataon na iyon, alam ko na namumula na naman ang mukha ko.
"Luh, wife ka riyan?!" Hindi mo nga ako mahal, tapos tatawagin mo akong wife. "Mag-shower ka na nga!" Ramdam ko ang pait sa aking boses nang itaboy ko siya.
Sa sobrang sama ng loob, hindi ko siya pinapansin. Ramdam ko ang paglubog ng aming kama sa likuran ko. Magkatabi kaming matulog. Wala namang masama dahil legal naman kaming kasal.
"Hey, wife. What's wrong?" Takang tanong niya sa akin. Mag-a-alas nueve pa lang naman. Lintik na wife iyan. Hindi na ako nakatiis at inis na nilingon siya.
"Can you please stop calling me bad words?" Masungit kong sabi. Hindi naman sa ayaw ko. Ayaw ko lang na kiligin sa harap ni Mikel.
"Oh, calling you wife is a bad word to you?"
"Oo," nagtatampong sabi ko kahit hindi naman talaga.
"What do you want me to call you, then?" Mapang-asar na tanong niya. Pero hindi ako nagsalita.
"Baby?" nakangiting tanong niya. Sa sobrang kahihiyan, tinalikuran ko siya.
"Baby, then" malambing na bulong niya sabay hila sa akin at niyakap ako mula sa likod. Hindi ko mapigilan ang mapangiti. Ang rupok ko, kainis.
"Manahimik ka nga, Baby mo mukha mo!"
"My baby is so grumpy," he said softly and kissed me on my shoulder.
Inirapan ko siya at hinampas sa braso. Na dapat ay hindi ko ginawa. Sa tigas ng braso niya, ako lang din naman ang nasaktan.
❃❃❃
MAAGA kaming pumasok ni Mikel. As usual, palagi kaming sabay pumasok sa school.
"Kamusta naman ang buhay may-asawa? Chika naman d'yan," tanong ni Nomi sa akin.
"Okay naman. Sobrang saya," nakangiting sabi ko sa kanya.
"Ay naks! Pansin ko nga, iba 'yang mga ngiti mo!" Mapang-asar na sabi niya sa akin at tinaasan ako ng kilay.
"Mahal mo na 'no?" pinanliitan ako ng mata nito. "Umamin ka!"
"Syempre naman, pakakasalan ko ba kung hindi ko siya mahal?"
"Ay may ganun? Ang landi mo!"
"Well, mana sa'yo!" Sagot ko naman at sabay kaming natawa.
"Kamusta pala honeymoon niyo ni Cristoff sa Paris? Chika naman d'yan!" Pangungulit niya pa, handa nang makinig sa kung ano ang sasabihin ko.
"Ayon, sobrang nag-enjoy kami sa date namin. Ang dami naming pinuntahan," masayang kwento ko. Naalala ko na naman ang araw ng honeymoon namin ng asawa ko. Pagkatapos kasi ng kasal namin, lumipad din agad kami papuntang Paris.
"Date lang?" Mahihimig sa boses niya ang pagkabigo. Hindi niya nagustuhan ang narinig mula sa akin.
"Ang boring naman ng married life niyo!"
"Ano bang boring do'n? Ang saya kaya," malungkot na sabi ko at nagtataka sa ini-asta ng kaibigan ko.
"Hays, napaka-inosente mo talaga!" Napasabunot na siya sa sarili dahil sa hirap paliwanagan ako. "Alam mo ba ang honeymoon, Yumi?" Iritado na talaga siya sa akin.
"Oo naman. Nakapag-honeymoon na nga kami e."
"Ay ewan ko sa'yo, ikaw pa ata ang dahilan ng pagkapanot ng ulo ko. Kung hindi lang kita kaibigan, naku!" Tahimik lang akong nakikinig sa sermon niya sa akin.
"Honeymoon is for making a baby, sex, making love, ganun. Hay naku Yumi, nag-research ka ba?" Bigla naman akong namula sa sinabi niya.
"Manahimik ka nga, baka may makarinig sa'yo nakakahiya!" sabay takip sa bibig ni Sonomi pero tinanggal naman niya ang kamay ko.
"Ano ka ba? Natural lang sa mag-asawa 'yon. And besides, hindi ka na bata. Kaya pwede na kayong mag-se-!"
Tinakpan ko ulit ang bibig ni Nomi bago pa matuloy ang sasabihin niya. Ang kaibigan ko talaga ay walang preno kung magsalita.
"Ang bastos ng tabas ng bibig mo." Tinawanan naman niya ako. Halata naman na inaasar lang ako nito.
"Ilang taon ka na nga? 20, turning 21? For Pete's sake! Bakit ka pa nahihiya?"
"Wala. Bakit ba kasi gan'yan pinag-uusapan natin?" Nahihiya pa rin ako. Hindi alintana ang biglang tanong na iyon ng kaibigan ko.
"Because I want to have a pamangkin na, ang weak naman ng Cristoff na 'yon."
"Kung gusto mo pala ng baby, bakit 'di na lang ikaw ang gumawa?" Ang bata-bata pa namin para isipin ang bagay na 'yan. Third-year college pa nga lang kami at hindi pa tapos ng pag-aaral, mag-aanak agad.
"Kung may-asawa lang ako, why not diba? Kahit isang dosena pa 'yan. Keri boom boom ko 'yan, basta ba si Jan ang asawa."
"Ay ang landi ha!" At sabay na naman kaming natawa. Ang sarap maging kaibigan ni Nomi, napaka-supportive niya.
Kwentuhan at asaran lang ang ginawa namin, wala pa ang aming prof. Marahil ay busy ito, hindi biro ang maging isang guro dahil marami silang inaasikaso. Kahit pagod ay nagagawa pa rin nilang magturo. Kaya masiyado kong iniidolo ang mga ito. Hanga ako sa pagiging masipag ng mga ito. Kaya kailangan din silang irespeto.
❃❃❃
"How was your day?" tanong ni Mikel, prenteng nakasandal ang ulo sa headboard ng kama. Nakasuot na siya ng pantulog, samantalang ako ay kalalabas lang ng banyo at tapos na mag-shower. Nakapalit na rin ako ng pantulog na katulad ng sa asawa ko.
Hindi ko alam kung anong trip nila Mommy at ganito ang binili para sa amin. Halos lahat ng gamit ay pareho kami. Pero syempre hindi ako nagreklamo dahil gusto ko rin naman.
"Okay lang naman, puro chika lang ginawa namin ni Nomi dahil wala naman kaming klase," sabi ko habang pinapatuyo ang basa ko pang buhok.
"Can I?" tanong niya at tinuro ang basa kong buhok. Nakuha ko naman ang nais nitong ipahiwatig kaya inabot ko ang blower sa kanya.
Nang matapos sa ginagawa, sabay kaming sumampa sa kama.
"Gusto mo bang manood ng movie?" malambing na tanong niya.
"Hala, seryoso?!" Gulat na tanong ko, nanlalaki ang mata.
Hindi ko mapigilan ang sarili at niyakap siya. Nagulat naman siya sa ginawa ko. Sobrang saya ko lang siguro. Sa simpleng bagay lang masaya na ako.
"H-hey, take it easy, woman." At saka siya natawa nang bahagya. Nahulog na naman ang puso ko sa kasiyahang nadarama.
Sa sobrang tuwa, ako na ang pumili ng papanoorin sa Netflix. Nang mag-start ang palabas, tumabi ako kay Mikel at sumandal sa dibdib niya.
Nang matapos ang palabas, hindi pa kami tuluyang natulog.
"Alam mo, curious ako sa mangyayari in the future," biglang tanong ko, at marahan siyang natawa.
"Hmm... Why?" balik na tanong niya habang nilalaruan ang mga daliri ko.
"Wala naman. Naisip ko lang na what if pinagtagpo lang pala tayo, pero hindi tayo ang itinadhana?" Bigla akong nakaramdam ng kirot sa puso ko. Naluluha na naman tuloy ako. Matagal siyang hindi umimik kaya akala ko ay hindi na siya magsasalita pero...
"Kahit paulit-ulit man tayong paglayuin ng tadhana, paulit-ulit ko rin sasabihin sa'yo na... mahal kita."
Hindi ko na narinig ang huling sinabi niya. Naramdaman ko na lang na may humalik sa aking noo. Sa sobrang pagkaantok, hindi ko man lang namalayan na nakatulog pala ako ng mga oras na iyon.
BINABASA MO ANG
A Love Written In The Stars✓
Romance[COMPLETED] "In the quiet of the night, I trace the lines of our love in the stars, each twinkling light a reminder of our shared destiny." ー Mayumi "Mayumi Chantrea, a simple woman and the sole heiress, has to marry Mikel, in order to fulfill her g...