Ilang linggo na ang lumipas.
"I cooked your favorite seafood!" masiglang sabi ni Mikel sa akin.
Nang malanghap ko ang amoy at makita ang itsura ng crab at lobster, bigla na lang bumaliktad ang sikmura ko. Dali-dali naman akong inalalayan ni Mikel at Nanay Adel papunta sa sink. Nagtataka man si El, mas inuna niya pa rin intindihin ang kalagayan ko.
"Nay, bakit ang pangit at ang baho naman nila?" reklamo ko ng umiiyak. Inaalo-alo naman ako ni Nanay Adel.
"Mikel, ilayo mo muna 'yang niluto mo sa asawa mo," utos niya. Sinunod naman siya ng nag-aalalang asawa ko.
"What happened, baby? May masakit ba sa'yo?" nag-aalalang tanong ni Mikel habang umiiyak pa rin ako.
"Marahil ay buntis nga ang asawa mo. Nitong nakaraang araw, napapansin ko na madalas nahihilo at madalas na pagsusuka nito."
"Morning sickness, Nay?" Mikel innocently asked.
"Maaaring ganoon na nga. Kaya 'wag mong pababayaan ang asawa mo. Pahihirapan ka nga lang," sabay silang natawa ni Nanay Adel. Kahit na ganoon, masaya si Mikel sa narinig.
Dinala nila ako sa sala. Hindi pa rin ako tumitigil sa pag-iyak.
"Stop crying!" Mikel wiped away my tears.
"B-bakit ang pangit nila, hubby?" sabay turo ko sa crab at lobster kanina. Nakita kong inilagay na ni Mikel sa refrigerator. Mamaya na lang daw niya iinitin kapag tulog na ako.
"Such a crybaby, huh!" Mikel chuckled, amused by my reaction.
"Wala na sila, pinalayas ko na, hindi natin sila bati," He said, comforting me.
"Talaga?" tanong ko at biglang natigil sa pag-iyak.
"Yeah!" niyakap niya ako. Ngunit lumayo ako sa kaniya.
"Why?" nagtatakang tanong niya. Masama ko siyang tiningnan.
"Ang baho mo," iritadong sabi ko.
"What?" nagtatakang inamoy naman ni Mikel ang sarili. "Hindi naman."
"Mabaho nga!" sabi ko at iiyak na naman. "Hindi naman 'yan ang pabango na ginagamit mo, e," masama ko siyang tiningnan.
"Hush, magbibihis na ako."
Mikel quickly went upstairs to change clothes. Nang makapagpalit siya ng damit, dumeretso ito sa akin, nagtatampo pa rin ako. Ibang perfume ang nagamit niya dahil naubos ito kanina pero bumili naman na siya ng bago.
Natatawa si Nanay Adel na pinapanood kami. Dito na talaga masusubok ang pasensya ng alaga niya.
"What do you want to eat?" Mikel asked me gently.
"Cookies and milk, please," malambing kong sabi sa asawa ko.
"Okay, cookies and milk for my babies!" My handsome husband said happily. He kissed me and my tummy before leaving the room.
Palagi na lang akong pinapagustuhan ni Mikel. Kahit na pagod ito galing sa trabaho, nagagawang pa rin niyang unahin ako kaysa ang magpahinga. Naaawa na ako dahil kahit ayaw kong sungitan siya, nasusungitan ko siya.
"Bakit hindi mo ako sasamahan sa pagkain?" nagtaka ako kay Mikel na busy na pinapanood lamang ako.
"It's all yours, baby," sabi niya habang marahang hinahaplos ang maliit kong tummy.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit masama ang loob kong malaman na hindi ako sasabayan sa pagkain ng asawa ko. Nagiging emosyonal na naman ako. Maliliit na bagay iniiyakan ko.
Lumingon ako ng maluha-luha sa asawa ko. Agad naman niya akong inalo.
"Hush, stop crying, baby," sabi niya at hinalikan ako sa malambot kong pisngi.
"Sasamahan mo na ba ako kumain?" maluha-luhang tanong ko sa kanya.
"Hmm, yeah. For my babies. So, stop crying, okay?" Agad naman akong tumango, nakuha akong patahimikin ng aking asawa. Love ko talaga itong asawa ko.
Para hindi na ako magtampo at umiyak, sinamahan na ako ng asawa ko sa pagkain.
"Gusto mo bang manood?" Binuksan ni Mikel ang flat-screen TV sa aming kwarto.
"What movie do you want to watch?"
"Barbie!" masayang sabi ko.
"Wth, baby. Pwede bang iba na lang?" Hindi maimahe ni Mikel ang sarili na manood ng Barbie for Pete's sake! Never.
"Sa gusto ko ng Barbie, kung ayaw mo, doon ka na lang sa labas!" masungit na sabi ko na maiiyak na naman. Bakit napaka iyakin ko?
"Ah, fuck, hormones!" Walang nagawa si Mikel kundi sundin ang gusto ko. "Okay, fine! Damn, that Barbie." Sa huli, ako pa rin ang nagwagi.
NAG-EENJOY ako sa panonood habang si Mikel ay nakatitig lamang sa akin. Imbis na sa TV deretso ang tingin niya ay sa akin, kanina pa iyan ganyan, parang ewan. Sadyang napakaganda ko lang talaga siguro, kaya nabighani sa ganda ko. Hanggang matapos ang pinapanood, wala akong ibang ginawa kundi ang kumain ng kumain habang sinusubuan ang gwapong asawa ko na hindi ako iniwan, dito lang sa tabi ko. Kahit napilitan lang siyang manood ng barbie.
"I love you, wife."
"I love you too, hubby!"
Hinding-hindi nagsasawa si Mikel na alagaan ako, kahit na minsan ay sinusungitan ko siya kahit wala naman siyang ginawa, kahit na palaging akong umiiyak kapag may hindi nagustuhan o hindi nakuha ang gusto ko, kahit na palaging nagtatampo at nagiging isip-bata pa ako. Hindi talaga siya umaalis sa tabi ko, kahit na minsan itinataboy ko na siya.
Nagising ako nang marinig na may kausap sa telepono si Mikel. Iminulat ko ang mata ngunit hindi ako kumilos. Mabuti na lamang at hindi ako nakaharap sa kaniya at hindi nito malalaman na nagising pala ako. Tanging ang baritonong boses lang niya ang naririnig ko.
"Y-you're back?" gulat na tanong ni Mikel sa kausap na nasa kabilang linya.
Habang ako ay matamang nakikinig lang. Rinig na rinig ko ang pag-uusap nila dahil sobrang tahimik ng paligid.
"Yes, honey! I miss you na, see you!" sabi ng babaeng kausap na nasa kabilang linya.
Biglang sumikip ang dibdib ko sa narinig. Nanlalabo ang aking mga mata. Tila halos hindi ako makahinga. Nang mamatay ang tawag, dali-dali akong pumikit, nagpapanggap na tulog. Yumakap si Mikel sa akin at bumulong.
"I love you, wife!" malambing na sabi niya at hinalikan ako sa ulo.
Lalong tumulo ang luha ko sa narinig, hindi ko alam kung dahil sa paninigurado na mahal ako ng asawa o dahil may isa pang taong damay sa relasyon namin. Basta iyak lamang ako nang iyak ng gabing iyon, hindi ko magawang makatulog dahil sa dami ng iniisip ko sa maaring mangyari.
Sana ay mali ang iniisip ko. Sana hindi tama ang hinala ko. Dahil hindi ko alam ang gagawin ko kung sakali na ang pinakamamahal kong asawa ay magtataksil sa akin lalo na ngayon at may anak na kami.
BINABASA MO ANG
A Love Written In The Stars✓
Romance[COMPLETED] "In the quiet of the night, I trace the lines of our love in the stars, each twinkling light a reminder of our shared destiny." ー Mayumi "Mayumi Chantrea, a simple woman and the sole heiress, has to marry Mikel, in order to fulfill her g...