Chapter 9

1K 34 7
                                    

Sa ilalim ng liwanag ng mga bituin, doon nag-uumapaw ang kasiyahan at pagmamahal na hindi kayang sukatin ng salita lamang. Kahit mabilis ang mga pangyayari, wala akong naramdaman na kahit kaunting pagsisisi. I love Mikel very much.

Hindi inaasahan na ang pag-amin ko kay Mikel ang magbibigay ng sagot at kasiguraduhan sa palaging katanungan sa aking isipan na kung "Mahal rin ba ako ng aking asawa?"

At ngayon sa pinaka-espesyal na araw, nawala ang pangamba at takot na matagal ko nang pinakatago-tago. Walang mapaglagyan ang saya ko nang malaman ko na mahal din ako ng aking asawa at naghihintay lamang ito ng tamang panahon kung kailan ako aamin ng nararamdaman.

Knowing that my husband loves me is the best gift I have ever received in my life.

"You being my wife is a gift for me, I love you!"

"Regalo rin para sa akin na maging asawa ka, Mahal din kita, El," I said tearfully.

KINABUKASAN ay hindi ako makabangon sa kama. Masakit ang buong katawan ko. Ngunit kahit na ganoon ay masaya ako sa kinalabasan ng kaarawan ko at anibersaryo namin ni Mikel.

"Good morning, baby," Mikel's voice startled me. Hindi ko namalayan na nasa kwarto na pala ang asawa ko. May bitbit siyang pagkain at inumin, nilapag niya ito sa table na nasa gilid ng aming kama.

"Morning," I greeted weakly. Makikita ang paghihirap ko sa pagkilos.

"Have your breakfast first, and take your medicine," alam niya na may lagnat ako. Paanong hindi niya malalaman, nakayakap lang siya sa akin magdamag na akala mo ay mawawala ako sa tabi niya.

Inalalayan niya ako na bumangon upang makaupo. Sinubuan niya ako ng pagkain at pagkatapos ay pinainom ng gamot.

"Do you want me to massage it?" Nagulat ako sa tanong niya.

Huwag naman sana ang iniisip ko ang gusto niyang imasahe. Namula ako sa kahihiyan sa naisip. Mas lalo lang namula ang pisnge ko ng pumasok sa isipan ko ang imahe ni Mikel na minamasahe ako sa parteng iyon.

"Ano? Ang bastos mo!" I said, sabay hampas sa kanya na may balak talaga siyang hawakan ako sa parteng iyon.

"Wala namang masama, Mag-asawa naman tayo," he said with a mischievous tone, just teasing me. I only moved further away from him.

"Hey, I'm just kidding!" he said, laughing, as he held his stomach because he couldn't help but laugh at my expression. Nakakainis talaga ang isang ito, maginoo pero gago.

"Akala ko totohanin mo e, masasapak talaga kita!" I said, glaring at my laughing husband. I couldn't help but admire his handsome face, no matter what he does.

"Damn, You're so cute," he said, kissing my lips. Bigla ko naman siyang tinulak hindi dahil ayaw ko kundi dahil hindi pa ako nagtoothbrush. Nakakahiya. Kinurot ko siya sa tagiliran.

"Ouch!" he exclaimed, surprised, looking at me wondering why I did that. Deserved mo iyan.

"Halik ka ng halik, hindi pa ako nagtoothbrush!" I glared at him again.

"You're so beautiful," Mikel said, staring at me. Gandang-ganda talaga ito kapag nagsusungit ako. Biglang sumama na naman tuloy ang mukha ko. Hindi pa nga ako nagtoothbrush at nagsusuklay.

"Ewan ko sa'yo!" Masungit na lang na sabi ko. Alam ko naman na maganda ako.

"Sungit. Are you pregnant?" I couldn't help it and threw a pillow at him. Kagabi pa lang may nangyari sa amin, buntis agad? Sadyang pilyo talaga itong asawa ko.

Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Nanlalambing na naman. Marahang hinihimas ang aking impis na tiyan.

ILANG ARAW bago ako nakakilos ng maayos. Hindi rin ako pinapakilos ni Mikel hangga't hindi pa ako magaling.

"Kaya ko na kasi, ang kulit mo."

"Don't move, it might still hurt," Mikel insisted. Ang kulit.

"See?" Nagmamayabang na sabi ko sa kanya.

"Ang kulit." Napapakamot na lang siya sa matangos na ilong niya dahil sa kakulitan ko. Ngunit masaya rin siya dahil hindi na ako nahihirapang kumilos.

❃❃❃

NAGBE-BAKE kami ni Mikel ngayon. Every weekend, it's our quality time as a husband and wife.

"Ilang minuto na lang maluluto na," I happily told my husband who was just staring at me.

Inilabas ko sa oven ang mainit-init pang cookies. Nagtimpla ako ng gatas naming dalawa.

"You like it a lot, huh?" Sabi niya, masayang pinapanood ako.

"Syempre naman favorite ko 'to e, kahit araw-araw ko pang kainin." Sabi ko while enjoying my food.

"You're such a baby," Mikel said, teasingly pinching my cheeks.

Hinila niya ako at pinaupo sa hita niya, hawak ko ang tasa na may lamang gatas at sa kabila ko namang kamay ang isang piraso ng cookies.

"I love you," marahang bulong niya, hinalikan niya ako sa aking pisngi at labi.

NAGDIDILIG ako ng mga halaman sa aming mini-tulip garden. Nasa opisina si Mikel ngayon. Alam ng asawa ko na paborito ko ang mga tulip, kaya nagpagawa siya ng mini-tulip garden sa gilid ng aming malaking bahay, para siguro may paglibangan ako at hindi maboring kapag wala akong kasama. Walang akong kasama sa bahay, tanging ang kasambahay lang ang kasama ko. Nitong nakaraang linggo lang umuwi si Nanay Adel sa amin.

Matanda na si Nanay Adel, matagal nang katiwala ng pamilya Lavigne. Siya rin ang nag-aalaga kay Mikel mula pa noong bata pa ito hanggang ngayon. Kahit may asawa na si Mikel, kasama pa rin niya ito, at hindi na iba ang turing namin kay Nanay Adel kundi pamilya. Siya rin ang laging kasama ko sa aming bahay.

"Habang tumatagal, napapansin ko na lalong gumaganda ang mga bulaklak."

"Talaga po, Nay?" Bakas sa boses ko ang tuwa.

"Oo, Anak. Kapag ang isang halaman ay inaalagaan at pinapahalagahan ng may kasamang pagmamahal, gaganda at gaganda iyan." Tiningnan ko si Nanay Adel, masaya ako dahil sa narinig.

"Parang ikaw, Mayumi. Makikita sa iyong mga mata ang saya tuwing kasama mo si Mikel, kaya lalong kang gumaganda, anak."

"Nanay naman, nambola pa!" In embarrassment, this is what I said in response to Nanay Adel's praise.

"Bakit nambobola, e, nagsasabi naman ako ng totoo. Para kang tulip, Mayumi, maganda at nakahahalina na kapag inalagaan at pinapahalagahan ng maayos at may pagmamahal, tiyak na mas gaganda." Mahabang paliwanag ni Nanay Adel.

"Ibig sabihin po, mahal talaga ako ni Mikel?" I asked, happy and curious.

"Oo naman, mahal na mahal ka niya. Hindi mo ba napapansin na kapag tumitig siya sa'yo, akala mo ay mawawala ka na sa tabi niya," sabi ni Nanay Adel, na may pa iling-iling pa. Talagang tinamaan na ang puso ng pinakamamahal na alaga.

A Love Written In The Stars✓ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon