Chapter 6

16K 408 35
                                    

Nakatingin lang ako sa daan habang nag da-drive si Lid at focus ang mata sa kalda. Nasa likod naman si Tammy at nakatayo sa gitna namin ni Lid. Sumulyap ako kay Lid, ang tahimik kasi nya na parang walang balak na kausapin ako talaga. Edi wag nya kung ayaw nya.

“Meg, pwede ba akong maging rockstar?” Natawa naman ako sa tanong ni Tammy. Nilingon ko sya at kinurot ang matambok nyang pisngi.

“Oo naman, pag medyo malaki kana ay pwede kana mag aral ng gitara.”


“Turuan mo ko huh!” Utos nya pa. Manang-manang sa Uncle nya. Ganito ba talaga ang mag Valencia?

Tumango-tango ako. “Oo naman akong bahala sayo, magaling akong teacher.”

Pumapalak pa sya. “Yehey!”

Sumulyap ako kay Lid na bahagyang ngumiti, hindi sya sobrang ngiti, yung parang pinipigilan nyang ngumiti. Naalala ko tuloy si Edward Cullen kapag amused sa nangyayari, ganun kasi ang itsura ni Lid. Bumaba ang tingin ko sa kamay nya ng buksan nya ang radio.

“Chinito!” Tili ni Tammy.

Bakit naman sa lahat ng kanta, yan pa talaga.

“Mapapansin mo ba… kaya ang tulad ko, kahit na sa sulok lang ng iyong mga mata!” Kanta ni Tammy at ngumiti pa ng matamis sa akin. “Ganda nung song no?”

Ngumiti ako ng tabingi at sumulyap kay Lid na bahagyang nakangiti. OMG, para talaga syang si Edward Cullen kapag ganyan ang ngiti nya. Kung fan kang ng twilight alam mo kung anong ngiti ang sinasabi ko.

“Balang araw ay malalaman mo rin ihhhh.” Kanta pa ni Tammy. “At kung ikaw ay nakatawa, ako pa ba ay nakikita ahhh…nalilimutan ko ang itsura ko kapag kausap na ikaw, sana naman ako’y pakinggan at ng ikaw ay malinawan ahhh dahil nabihag mo ang aking paningin at damdamin...ohh chinito…chinito.”

Feel na feel pa ni Tammy yun kanta habang hindi naman ako mapakali sa upuan ko dahil tinatamaan ako sa kanta. Saka ko lang din napansin na chinito pala si Lid. As in chinito talaga na kapag tumuwa ay nawawalan ng mata at nagiging butas ng alkansya ang itsura. Umiling ako at bumalik ng upuan ko saka kinuha ang bag para kuhain ang cellphone sa loob.

Miki, sinong ngang gumawa ng kantang chinito?

Nag hintay ako ng ilang minutong at agad kong binasa ang reply ng kabanda ko.

Si Yeng constantino.

 

Anong management ni Yeng?

 

Star records ata yun…pero kila2 sya nung isang music arranger natin, si Jed, mag ka church mate ata sila.

 

Ahhhh talaga? Sige2 gusto kong ma meet si Yeng. May itatanong lang ako.

 

Ano?

Accidental WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon