Chapter 34

13.1K 365 46
                                    

Fears

Nag palakpalak ang lahat ng matapos ang lahat ng matapos mag salita ni Unice. Isang successful gig na naman ang natapos namin. Nasa isang maliit ng kwarto kami kami at nag aayos ng mga gamit para makaalis na.


Pauwi na ulit kami ng Alabang pag katapos ng isang nakakabapagod na trabaho pero bago yun ay sa isang restaurant muna kami huminto para kumain. Pag sakay namin ng Hilux van ay agad pinaadar ni Manong Lito ang sasakyan. Nakasunod naman and isang truck na pinag lalagyang ng mga instruments at lahat ng gamit namin para sa performance. Dalawang van na itim din ang nakasunod pa sa amin.


"Rest day bukas ah what are you guys planning to do?" Tanong ni Rei habang pinag lalaruan ang keychain sa cellphone nya.

"Matutulog ako!" Wika ni Tomo na mukhang antok na antok na.

"Bahay lang din ako." Dagdag ni Miki.

"Ikaw Meg?" Lingon ni Rei sa akin.


Saglit akong natigilan at nag isip. Ano nga kayang gagawin ko bukas? Bigla akong napatingin sa cellphone ko ng tumunog iyon. Nataranta ako ng makita ko na ang pangalan ni Lid.


"Shit..." Bulong ko na hindi malaman ang gagawin.

"Bat ayaw mong sagutin?" Takang tanong ni Miki na katabi ko.


Lumingon ako sa kanya at aksidenteng napindot ang end call. Bumalik ang tingin ko sa cellphone dahil hindi ko nasagot ang tawag. Hindi ko alam kung anong iispin ni Lid. Ano ba namang kasing nangyayari sa akin eh.


Isang linggo na kaming hindi nag kikita at kapag nag uusap kami sa telepono ay sandali lang dahil pareho kaming busy.


Nataranta ulit ako ng muling tumunog ang cellphone kaya agad kong sinagot.

"Hello?" Bungad ko.

"Bakit mo ko pinatayan ng phone?!" Medyo inis ang narinig ko sa tanong nya.


Tumingin ako kay Miki na matamang lang nakatingin pero mukhang narinig ang sinabi ni Lid sa kabilang linya dahil mag katabi kami at hindi masyadong maingay sa van ngayon.


"Ahhh.. I just accidentally pushed the end button, I'm sorry..."

Rinig ko ang pag buntong hininga nya. "I miss you..."


Shit...lalo akong na frustrate dahil sa loob ng isang linggo ay nilabanan ko ang pag ka miss ko sa kanya pero dahil sa narinig ko ay biglang bumalik lahat ng pananabik ko sa kanya.


"I miss you too..." Napahinto ako dahil yun lang ang kaya kong sabihin sa kanya. Yun lang ang gustong kong sabihin sa kanya.


Na miss ko sya ng sobra at naiiyak ako na ewan. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko.


"I don't have job tomorrow. When is your rest day?" Masaya nyang tanong.

Pumikit ako bago sumagot. "Hindi ko pa alam eh, baka satruday pa?"


Muli ko akong tumingin kay Miki na gulat na gulat sa sinabi ko. Thurday bukas at rest day namin kaya naiintindihan ko ang reaksyon nya sa sinabi ko.

Accidental WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon