Chapter 29

14.7K 401 32
                                    

Tempest 

Alasingko palang ng umaga ay nasa byahe na kami panay ang baling ng ulo ko sa headboard ng upuan ko dito sa Hilux van dahil antok na antok pa ako. Papunta kaming Moa park and ride para sa Super Sonic Event na aatttendan namin dahil isa kami sa mga mag peperform. Three days event din yun kaya ibig sabihin ay tatlong araw kaming mag peperform.


"Girls, pang third kayong mag peperform, pag dating naman natin doon ay mag uumpisa na ang program rehearsal." Imporma ni Unice habang para naman kaming lantang gulay na tulog.

"Pang ilan ang Silent Kiss?" Tanong ni Tomo habang nakapikit at naka sampay ang ulo sa balikat ko.

"Hmm. Pang pito sila dahil ang ranking ay base kung gaano kasikat ang banda." Sagot ni Unice.

"So sinong una?" Tanong naman ni Miki. Curious ako kung sino kaya nakinig ako kahit na nakapikit ang mga mata.

Muling sumagot si Unice. "Tempest."


Sabay-sabay naman kaming napabangon ng ulo at nawala ang mga antok. Nag katinginan din kaming apat sa narinig. Hindi ko alam kung nag bibiro si Unice pero kung totoo na Tempest ang mag peperform. BAKERO!


"Dinga?" Wika ni Rei.

"Baka! Naeexicte ako pero kinakabahan at the same time!" Dagdag ni Miki dahil sya ang pinaka may gusto sa Tempest.


Ang Tempest kasi ay isang international band. Sikat sila around the world lalo na sa Europe at America, last year ay nag perform sila sa Victoria Secret Fashion show at hindi biro ang event na yun dahil mga international artist lang din ang nag peperform doon kagaya nila Taylor Swift at Bruno Mars at marami pang iba.


"Well, ang alam ko ay hindi dapat sila kasama pero dahil pinilit ni Wind ang manager nya kaya ayun walang kahirap-hirap silang napasama sa listahan."


Tomo gape with glee. She even jumped of her seat. Napalingon ako kay Miki na huminga ng malalim at mukhang kinabahan na ng malaman na totoo nga ang sinasabi ni Unice. Si Rei naman ay wala ng ngiti sa mga labi habang seryosong nag titipa ng mensahe sa cellphone nya.


Pag dating namin sa lugar ay dumaan kami sa likod at agad pinapasok sa back stage bago iginaya sa isa sa mga tent doon. Isa kami sa mga unang dumating. Nakita rin namin ang Silent Kiss na kapwa namin girl band na nakatingin sa amin. They are five in the group dahil may pianist din sila kaya mas popish ang tunog nila sa amin habang kami naman ay rock-pop just like paramore nung nag uumpisa palang sila.


Poker face akong tumingin ng makita ko si Missy na nakatingin sa akin ng masama. Simula high school ay nakakalaban ko na sya kasama ang banda nya sa mga battle of the bands at kami lagi ang nananalo or mas mataas ang rango namin sa kanila kaya sa loob ng ilang taon ay mahigpit na karibal ang tingin nya sa akin.


"Missy is looking at you." Bulong ni Rei.

Tumingin ako kay Rei. "I know pero lagi naman yan ganyan kapag nakikita ako, allergic sa akin."

"Oo kaya nga lahat ng na link sa'yo na link din sa kanya eh. She's really envious of you."


Dalawang vocalist ng banda ang naging boyfriend ko at isang model at lahat din yun ay naging boyfriend ni Missy. Hindi ko alam kung bakit gustong gusto nya akong mahigitan eh hindi naman ako nakikipag kumpitensya sa kanya.

Accidental WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon