Chapter 37

14.6K 375 37
                                    

Pride

Meg 

Napatingin ako kay Lid ng makita ko ang pag isang lagok nya sa hawak na bote ng Jack Daniels habang nasa tabi ko. Nasa isang mahabang pabilog na sofa kami kasama ang mga kaibigan ko. Nabigla pa ako kanina ng tumawag si Lara para mag invite na pumunta kami sa bar dahil may event daw kaya nandito kami ngayon.


Hinawakan ko ang kamay ni Lid kaya napatingin sya sa akin ganun din ang mga kaibigan ko. Kumpleto silang lahat pati mga kabanda ko ay nandito rin.


"Okay ka lang?" Mahina kong tanong para hindi marinig ng mga kasama namin. Tumango naman si Lid sa akin. 

"Yes, don't worry." 

"Alalay lang sa pag inom mag dadrive ka pa mamaya huh." Paalala ko pa dahil nakakatatlong baso na sya. Tumango sya at ngumiti. Napanatag ang loob ko ng makita ko na mukhang hindi naman sya kinakabahan na nasa harap sya ng mga kaibigan ko. 

"So, Lid asan yun kasama mo last time?" Napatingin ako ng masama kay Mimi ng mag tanong sya. Ang babaeng 'to talaga hindi rin mapigil ang pag ka taklase. 

"Oo nga, asan si Mara?" Dagdag pa ni Tomo na walang preno ang bibig. Tumingin ako kay Lid na bahagyang na gulat sa mag kasunod na tanong. 

"We broke up and didn't hear any news about her." Kalmado si Lid habang sinasagot ang mga tanong. Nakaramdam naman ako ng kasiyahan sa narinig.

"Mabuti naman kasi alam mo kung lolokohin mo lang din ang kaibigan namin mag bigti kana." Prangkang wika ni Mimi kaya napatingin lahat sa kanya. Natawa si Winston at Lara na mag katabi at nag cheers pa bago inisang lagok ang mga hawak na baso ng JK bago tumingin kay Lid. 

"Mimi!" Saway ko at tumingin kay Lid na walang reaksyon.

"What? Nag sasabi lang naman ako ng totoo, I'm just giving him some advice para naman malinaw diba." 

"Ikaw talaga yang bibig mo ayaw mong pigilan!" 

"Wala namang sinabing masama si Mimi." Pag tatangol pa ni Tomo.

"Hi five Tomo!" Wika ni Mimi saka sila nag appear. Umiling nalang ako. Nakita ko naman ang ngiti sa mga labi ni Zia habang katabi si Yuan. 

"Hay nako, nag sama pa kayong dalawa, mag hiwalay nga kayo!" 

"Z, walang mali sa sinabi namin!" Koro pa ng dalawang makulit. Si Zia naman ay humarap kay Lid at ng apologize.

"Lid, pag pasensyahan mo na si Tomo at Mimi huh mga walang preno kasi ang bibig ng dalawang yan."

"Okay lang, tama naman sila at alam ko rin na naging jerk ako before but I won't be like that again." Wika ni Lid at inakbayan ako para halikan sa noo kaya napangiti ako ng mag hiyawan ang mga kaibigan ko. 

"Okay-okay, convinced na ako na nag bago na nga si Lid, welcome to the club dude!" Inilahad ni Fortune ang kamay at inabot naman ni Lid yun gamit ang isang kamay nya. 

"Thanks." Wika ni Lid.


Nag palakpakan ang lahat na naging dahilan ng unti-unting pag kawala ang tensyon dahil mas naging magaan ang pakikitungo ng mga kaibigan ko kay Solid. Maingay ang paligid ganun din sa table namin. Nag sayaw si Rei at Miki sa dance floor habang nag iinuman naman sila Lid kasama sila Fortune. Nakatingin lang ako sa kanila at pinapanuod sila. Nakakatuwang makita na komportable si Lid sa mga kaibigan ko.


"Mukhang masaya ka huh." Napatingin ako kay Lara ng tumabi sya akin at kumuha ng alak bago nakipag cheers sa akin. 

Accidental WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon