Chapter 35

13.2K 366 27
                                    

For real

Lid

Umayos ako ng upo sa swevil chair at naunat ng kamay. Kakatapos lang ng meeting ko at may ilang pinipirmahan nalang at makakauwi na ako. Muli kong binalikang ang pag babasa ng mga papers sa table ko ng may kumatok kaya umangat ang tingin ko. Wala akong inaasahang bisita kaya hindi ko alam kung sino ang nasa labas ng opisina ko. Wala rin itinawag ang sekretarya ko.


"Who's that?" Tanong ko.

"It's me, Ella." Sagot ng nasa labas. Napangiti ako ng marinig ko boses nya. She's my brother's wife but she is more a sister to me.

"Come in!"


Pag bukas ng pinto ay iniluwa ang napakagandang si Ella. Naka floral dress sya kaya kitag-kita ang pagiging feminine nya. Ang kanyang mahaba at brown na buhok ay nakalugay. Ngumiti ako ng mag tagpo ang mga mata namin. Ang swerte ng kapatid ko sa kanya.


"Hi, Tapos kana?" Tanong nya saka tumingin sa mga hawak kong papel. Tiningnan ko rin yun at miling umangat ang tingin sa kanya.

"These can wait but you, no." Umiling pa ako at tumayo para makipag beso sa kanya. Sa mabahang sofa sa loob ng opisina kami humantong. Tumayo pa ako para bigyan sya ng kape.

"Thanks.' Wika nya saka inabot ang baso ng kape sa kamay ko.


Umupo ako sa tabi nya at humigop ng kape. Saglit natahimik ang paligid namin bago sya nag salita.


"How are you?"


Tumingin ako sa kanya. Alam kong hindi lang simpleng how are you ang ibig nyang sabihin. Best friend ni Ella si Mara kaya alam kong hanggang ngayon ay hindi nya tanggap ang relasyon ko kay Meg dahil si Mara pa rin ang gusto nya para sa akin.


"I'm so happy...so happy that I don't how to get angry." Ngumiti pa ako ng mawalak. Totoo ang mga sinabi ko sa kanya. Kilalang may temper ang buong angkan namin pero lately ay hindi yun lumalabas sa akin dahil masyado akong masaya sa piling ni Meg para magalit.

"Good for you." Wika nya saka humigop ng kape. "Lid, paanong nangyari na bigla mo nalang tinalikuran si Mara? What happened?"


Sinasabi ko na nga ba na hindi lang simpleng pag bisita ang gagawin ni Ella. Ilang beses na kaming nag usap at sa tuwing nag uusap kami ay lagi nya isinasama ang tungkol kay Mara pero ito ang unang pag kakataon na pag uusapan namin ay tungkol sa break up namin ni Mara.


Nag umpisa ang fascination ko kay Mara ng makita ko syang umiiyak. Nakita ko ang pag hihirap sa mukha nya kaya inalo ko sya at pinatahan. Naalala ko pa na para syang bata na nag susumbong sa akin kahit hindi naman talaga kami mag kakilala. Tapos nakaramdam ako ng urge na protektahan sya dahil alam kong yun ang kailangan nya at unti-unti ay natutunan ko syang mahalin. Ang sabi ko pa sa sarili ko ay papaligayahin ko sya para hindi na nya maramdaman ang sakit ng dinulot ng kapatid ko sa kanya.


"Ella, naalala mo yung sinabi ko sayo dati about the painting?" Tumingin sya sa akin at nag isip sandali at ng maalala ay nag liwanag ang mukha nya.

"Oo naalala ko, yun babaeng nasa painting na may hawak ng gitara?"


Naalala ko na aksidenteng pumasok sa loob ng kwarto ko si Ella at nakita nya ang malaking painting sa dinding ng kama ko. Larawan ng isang babaeng nasa stage at may hawak ng gitara habang kumakanta ng nakapikit at nasisinagan ng mga ilaw ang buong stage. It was a magical painting for me because it haunted me for a long time. There even was a time that I wish that the painting was real.

Accidental WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon