Chapter 41

9.7K 300 19
                                    

Meg

Love ain't enough

Mahimbing ang naging tulog ko dahil sa loob ng isang araw ay nakasama ko si Lid at wala kaming ibang ginawa kundi ang mag gala at mag usap ng random stuff pero lahat yun ay nabalewala dahil pag gising ko palang ay nakita ko syang nakaupo sa tabi ko at parang malalim ang iniisip.

Minsan hindi ko talaga mabasa ang mga kilos nya. Pakiramdam ko tuloy hindi ko pa talaga sya kilala dahil may mga bagay na kinakagulat ko kapag nalalaman ko na marunong pala syang gawin.

Kinuskos ko ang mga mata bago umupo at tumabi sa kanya. Hindi sya gumalaw at parang hindi ako naramdaman.

"Good morning." Bati ko pero seryoso nya lang akong tiningnan kaya bahagya akong kinabahan. "Lid, bakit?"

Hindi pa rin sya nag salita at tinitigan lang ako na parang inaalam ang iniisip ko. Hindi ko alam kung bakit sya nag kakaganito pero hindi ko gusto ang kinikilos nya. He's staring as if I am the biggest mystery for him.

"Tumawag si Rei tinatanong nya kung kamusta daw yung date natin." Umpisa nya.

Nakahinga ako ng maluwag dahil akala ko naman may problema naman kami kaya sya tahimik. Ngumiti ako at ipinatong ang ulo ko sa balikat nya.

"Anong sinabi mo?"

"Meg, do you love me?" Wala sa hulog nyang tanong kaya napaangat ako ng tingin sa kanya. Saan galing yun?

"Oo naman," paninigurado ko.

"Gaano mo ako kamahal?"

Bigla akong napaisip sa tanong nya. How much do I love him? Hmmm, gaano ko nga ba sya ka mahal? Napakabilis kasi ng mga pangyayari sa buhay namin dalawa. Sa isang iglap nakasal kami at pag uwi ko naman dito sa pilipinas ay agad din nahulog ang loob namin sa isa't-isa. Paano ko nga ba sasaguting ang tanong nya?

Umangat ang tingin ko sa mga mata nya na mukhang kanina pa nag hihintay ng sagot mula sa akin.

"Noong mawala si Mama, akala ko mag isa nalang ako, nasanay akong walang inaasahan kundi ang sarili ko though I have my friends with me, Mag isa naman ako uuwi ng bahay,"

Tama, simula ng mawala si Mama, natakot akong mag mahal kasi alam kong masasaktan lang ako kapag iniwan ulit nila ako. Pero ng dumating si Lid ay nag bago ang pananay ko na yun. Dahil ipinaramdam nya sa akin na hindi na ako ulit mag-iisa. Ipinaramdam nya sa akin kung paano ulit mag karoon ng pamilya.

"But when you came into my life, everything changed, you are the light of my life. I love you so much na hindi ko na maisip na may iba pang lalaki akong mamahalin."

Tumango-tango lang sya at tumitig lang sa akin. Hindi ko alam kung saan papunta ang usapan namin pero pakiramdam ko ay may patutunguhan pa ito.

"Sino naman ang mas mahal mo? Ako o ang pangarap mo?"

Napaayos ako ng upo at napakuno't noo dahil sa narinig. Saan naman galing ang tanong na yun?

"Lid, I thought you said you will support me?"

Tumawa sya ng pagak. "Oo sabi ko nga yun, pero hindi ko sinabing susuportahan ko ang pag alis mo papuntang New York."

"Alam mo na?" Nanlaki ang mata ko sa gulat dahil balak ko palang talagang sabihin sa kanya. "Sinong nag sabi sayo?"

"Hindi na mahalaga kung sino ang nag sabi. Now, tell me, aalis ka? Iiwan mo'ko?"

Sumulyap ako sa kanya at nag baba ng tingin ng makita ko ang galit sa mga mata nya. Mukhang wala na talaga akong magagawa kundi ang harapin ang totoong problema namin. Ang pag alis ko para sa pangarap ko.

Accidental WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon