Chapter 3

20K 442 41
                                    

Pag katapos ng eksena namin sa stall ng hotdog akala ko ay aalis na sya at iiwan kami ni Tammy pero nag kamali ako, dahil sinamahan nya kami sa lahat ng rides na pwedeng sakyan ni Tammy, kaya ang naging tatlo kami sa gala na ‘to. Hindi tuloy ako mapakali, dahil sa tuwing titingin sya sa akin ay hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, naiilang ako sa kanya, dahil parang may laman ang mga sulyap nya. Napapalayo pa nga ako kabang nakikitang malapit na syang dumikit, ewan ko ba, feeling ko kasi mapapaso ako.

Tiningnan ko sya habang karga nya si Tammy at nakapila kami dito sa bump car. Minsan ay napapayuko pa rin ako kahit na suot ko na ang salamin na binigay sa akin ni Lid dahil may mga nakakakilala pa rin sa akin, lalo na at maraming kabataan sa lugar na kagaya nito.

“Hey, are you okay?” Tanong nya kaya saglit akong napatingin sa kanya. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang pero may nakita akong pag aalala sa mukha nya. Hay nako Meg, asa ka pa, diba nga, pag katapos ng kasal nyo ay umalis agad sya, saka wag mong kalimutan ang mukha nya noong araw na kinasal kayo.

Oo hindi ko nakakalimutan, para syang pinag sakluban ng langit at lupa na parang huling araw na nyang mabubuhay sa mundo.

“Okay lang ako marami lang kasi tao.” Sagot ko saka umiwas ng tingin sa kanya.

“Dapat kasi hindi kana sumama dito.” Naiinis nyang wika.  Napaangat ulit ako ng tingin at kitang kita ko ang nakabusangot nyang mukha.  Aba, sya kaya itong bigla nalang sumulpot para guluhin kami ni Tammy tapos sya pa ‘tong may ganang magalit. Teka nga.

“Hoy, una sa lahat, baka nakakalimutan mo na ikaw ang bigla nalang umepal dito kaya ikaw dapat ang hindi na sumama dito!” Singhal ko sa kanya na nakaagaw pa ata ng atensyon ng iba dahil nakakarinig na ako ng bulungan sa likod ko. Lintek naman, mukhang mas lalong pa akong mahihirapan na itago ang sarili ko. Hindi pa ako nakakaporma ng bigla nyang hilahin ang bewang ko at hapitin ako palapit sa katawan nya.

Lintek! Ano ‘to??? Bakit ang lakas ng tibok ng puso ko? Bakit ang init ng pakiramdam ko? at bakit nanlalambot ang mga tuhod ko? Dahil lang sa yakap nya?

“Baby, sorry na, ayoko lang naman na mahirapan ka na pumila dito, kaya sinabi kong sana hindi kana sumama dito, dapat hinayaan mo nalang kami ng anak mo.”

Anong pinag sasabi ng gago ‘to?  Baby? Anak?

Inangat kong saglit ang ulo ko at tinukod ang baba sa dibdib nya. “Ano bang ginagawa mo!” Bulong ko sa kanya Parang gusto ko tuloy mag sisi dahil kitang-kitang ko ng malapitan ang mapulang labi nya. Tumigil ka Meg! Ang manyak mo na huh.

“Gusto mo bang hindi ka makilala ng mga tao?” Bulong nya saka nilapit ang mukha sa akin. Narinig ko ang mahihinang tili sa likod namin. “Makisakay ka nalang…” Para namang akong nauupos na kandila na tumango nalang.

Okay, sabi mo, edi sumakay.

“Baby, tara na, sa ibang rides nalang tayo sumakay, or kung gusto mo kumian muna tayo huh?” Malambing nyang wika sa akin. Hindi ko alam kung paano mag re-react sa ginagawa nya, dahil ang galing nyang umarte. Tapos ramdam na ramam ko pa ang mga braso nya sa bewang ko na sobrang higpit na nakayakap. Lalo tuloy hindi makapag function ang utak ko, idagdag mo pa ang mabango nyang amoy. Okay tama na yan Meg, kanina mo pa sya pinupuro, hindi na healthy yan.

Accidental WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon