Chapter 40

10.8K 300 13
                                    

Questions

Meg

Halos wala akong maintindihan sa meeting dahil inaalala ko na naman ang pag aaway namin ni Lid. Pag katapos kasi ng pag tatalo namin ay hindi pa kami ulit nakakapag usap ng maayos. Mag kasama kami sa bahay pero hindi kami nag papansinan dahil nauuwi rin agad sa away.

Hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin para mag kaayos kami. Iba ang gusto nya sa gusto ko tapos pareho pa kaming mataas ang pride kaya walang nag papatalo sa amin.

I could say na ako ang mas independent sa amin dalawa dahil nasanay akong mabuhay ng mag isa unlike him na kasama ang pamilya nya buong buhay nya kaya nahihirapan kaming pareho pakibagayan ang isa't-isa.

"Hey, tapos na ang meeting nakatulala ka pa rin dyan." Siniko ako ni Rei kaya napatigil ako sa pag iisip.

Nagulat ako ng makitang wala na palang tao ang buong opisina kundi kami nalang ni Rei. Sa sobrang pag iisip ko halos hindi ko na napapansin ang mga nasa paligid ko.

"Sorry, inisip ko lang kasi yung problema namin ni Lid."

"Hindi pa rin kayo okay?"

"Hindi pa eh, ang totoo nahihirapan ako dahil hindi ko alam kung paano ko aayusin." Napabuntong hininga ako.

"Sinabi mo na ba sa kanya ang tungkol sa plano natin pag alis papuntang New York?"

Napatingin ako sa kanya dahil hindi ko alam na pupunta kaming New York. Wala akong maalala na sinabi ni Unice na aalis kami.

"When?"

"You are obviously not listening, pinag usapan kanina sa meeting yun." Umpisa nya. " Naayos na rin lahat ng mga dapat ayusin between our management and Tempest's management...it's all settled."

"What?"

Halos manlumo ako sa kinauupuan ko dahil napakahalaga pala ng meeting na yun pero dahil hindi ako nakinig ay hindi man lang ako nakapag protesta at ngayon ay mas nadagdagan pa ang problema ko.

"Meg, how will you tell this to Lid?"

"I don't know..." Hindi ko naman kasi talaga alam kung paano dahil hindi pa nga kami nag kaayos tapos may bagong problema na naman kaming pag tatalunan. Hindi ko na alam ang gagawin.

"Next week na pala yung alis natin."

"Huh! Teka lang bakit ang bilis?"

"Ang sabi ni Unice one week lang tayo doon then babalik ulit tayo dito para tapusin yung ibang mga commitments natin saka tayo mag se-settle doon for a while."

Hinilot ko ang sintido ko dahil parang sumasakit ang ulo sa dami ng iniisip ko. Napatingin kami sa pinto ng bumukas yun at nakita namin sila Luke at Wind. Nag katinginan kami ni Rei at parehong napakunoot noo dahil kanina pa natapos ang meeting kaya nakakapagtaka kung bakit nandito pa sila.

"Hi girls." Umpisa ni Luke.

"We just want to invite you to have lunch." Anyaya naman ni Wind.

Hindi agad kami nakaimik dahil pareho kaming nagulat. Bago pa kami nakasagot ay biglang pumasok si Edcel para sabihin sa amin na hinihintay daw kami ni Lid at Lee sa labas kaya agad kaming napalabas ng office at pumunta sa studio.

Huminga ako ng malalim dahil na miss ko ang asawa ko. Saglit kong pinag aralan ang itsura nya. Naka white polo sya at jeans with leather shoes. I'm the luckiest girl on earth for having a gorgeous husband. Nag tama ang mga mata namin at kita ko rin ang longing sa mata nya para sa akin. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya.

Accidental WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon