Chapter 2

22.3K 441 20
                                    

Nakatingin ako sa batang si Tammy habang hila-hila nya ako papasok sa loob ng enchanted kingdom. Tumatakbo sya at excited habang tinitingnan ko s’ya. Bawat madaan kasi namin ay hindi nakakalagpas sa mga mata nya. Maraming na rin tao sa buong amusement park dahil weekend kaya walang pasok ang karamihan sa mga bata.

“Gusto kong sumakay doon!” Turo nya sa isang malaking barko na maraming tao sa loob na parang swing na nasa ere. Napatingin ako doon at nakita kong panay ang sigawan ng mga tao na nakasakay doon. Ngumiwi ako dahil mukhang extreme ride ang napili nya. Adventures ata ang batang ‘to huh.

Yumuko ako para mag harap ang mga mukha namin. Tumingala sya sa akin.“Delikado yan, baka hindi ka pwedeng sumakay d’yan.” Nakita ko pa ang pag simangot nya sa sinabi ko. Kanina ko pa na papansin na kapag hindi nya nakukuha ang gusto nya ay nag ta-tantrums sya. Mukhang spoiled sya sa lola nya at siguro pati sa mga magulang nya, kaya nga naisama nya ako sa lintek na EK na ‘to kahit na wala naman sa plano ko, dahil nga kakagaling ko lang sa isang nakakapagod na byahe sa labas ng bansa.

“Pero I want to ride that!” Utos nya na parang hari na hindi pwedeng mabali. Tumaas ang kilay ko.

Aba, lintek na bata to, ginawa pa ata akong katulong. Chill ka lang Meg, kaya mo yan, kasalanan mo rin naman kasi yan, kung hindi ka bumaba kanina ng van para puntahan ang batang yan, edi sana wala kang problema, edi sana nag re-relax ka lang habang pauwi ka sa condo mo, pero dahil pakielamera ka, ayan ang napala mo.

Ngumiti ako ng tabingi saka muling nag salita. “Pero may age limit kasi ang mga pwedeng sumakay d’yan, at dahil bata ka pa, hindi ka pa pwedeng d’yan.” Turo ko sa malaking barko. Hindi ko alam ang tawag d’yan, pero naalala kong nasakyan ko na yan, at halos halukayin ang loob ng tyan ko sa tuwing mag swi-swing ito sa ere, tapos pag baba ko pa ay sumuka ako, kaya ipinangako ko na hindi na ako sasakay sa lintek na ride na yan

Nag papadyak sya at nag cross arms na halatang hindi gusto ang sinabi ko,nag pout pa sya habang nakatingin sa akin. Umiling nalang ako, buti nalang at dumating na ang lola nya kaya agad kaming nag usap. Doon ko nalaman na spoiled nga si Tammy lalo na sa daddy nito.  Well, Napaka cute naman kasi eh, yung bang kapag nag puppy face sya sa’yo ay agad kang mapapasunod sa gusto nya.

“I’m sorry Hija for dragging you here.” Wika ng ginang sa akin.

“Okay lang po yun.” Sagot ko, “Ano po palang pangalan nyo?” Kanina pa kasi mag ka-kasama ay hindi ko manlang alam ang pangalan nya. Nakakahiya naman kung tatawagin ko syang tanda, napakawalang galang ko naman kapag ganun. Saka hindi pa naman sya mukhang matanda, ang ganda-ganda nya nga eh, ageless beauty.

Ngumiti sya bago nag salita. “I’m Star Valencia, you can call me, tita star.”

Sumagot ako, “Sige po, tita star.” In fairness ang cute ng name nya. parang science inspired lang. Kanina ng unang beses ko syang makita ay hindi ko alam na mabait pala sya, mukha kasi syang suplada, tapos ang pustura nya pa at mukhang mayaman talaga kaya nakahinga ako ng maluwag ng nag click kaming dalawa.

“Mamita! I want to ride that big ship!” Maktol ni Tammy saka tinuro ang barko sa harap namin na halos mamatay sa kakasigaw ang mga nakasakay. Seriously, anong nakita ng batang ‘to sa malaking barko na yan? Gusto nya bang mamamatay sa takot? Ang lakas din naman ng loob nya. Ganito na ba ang mga kabataan ngayon?

Accidental WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon