Chapter 48

12.1K 434 60
                                    

Beg

Dahan-dahan akong nag lakad papuntang yacht. Sinalibong pa ako ni Lid at kinuha ang kamay ko. Hindi ako pumalag dahil wala na akong lakas. Hindi ko alam kung bakit kami nandito.

Bakit ako ibinigay sa kanya ni Wind gayon alam naman nya na bumitaw na ako kay Lid.

Pag dating namin sa taas ay inutusan ni Lid ang driver ng yacht na paandarin na. Tumingin ako sa dagat. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Basta nakatayo lang ako at nakatingin sa malayo.

Naramdaman ko ang pag lapit ni Lid sa gilid ko. Naamoy ko ka agad ang masculine scent nya.

Kinagat ko ang ibabang labi ko. Paano kami na punta sa ganitong tagpo?

"Lid, why are we here?" Sumulyap ako sa kanya.

Ang suot nyang black suit kanina sa meeting ang suot pa rin nya. Hindi ko maiwasan na titigan ang matangos nyang ilong. Ang Adam's apple nya ang gumalaw sa pag lunok nya.

"Hindi mo alam?" Malamig nyang tugon.

"Mag tatanong ba ako kung alam ko?" Bahagya ko syang hinarap. "Saka, nakapag usap na tayo diba?"

Tumawa sya ng nakakaloko. "Nakapag usap? I think, ikaw lang ang nakapag salita. Ikaw lang ang nag labas ng gustong sabihin."

Mabuti nalang ay nakatingin pa rin sya sa dagat kaya malaya ko syang napag mamasdan. Hindi ko mawari ang tono ng boses nya. Hindi yun galit pero hindi rin naman friendly.

Huminga ako ng malalim dahil alam ko na hindi magiging madali ang pag uusap namin.

"Dahil alam ko naman na ang sasabihin mo." Humina ang boses ko.

Bigla kong naalala ang sakit na naramdaman ko ng makita ko sila ni Mara at ang anak nila. Ang mga luha na inubos ko para lang mawala ang sakit sa dibdib ko. Ang mga panahon na sobrang nananabik ako sa kanya.

"Talaga? Alam mo? Sige, ano?" Lumingon sya sa akin. Dinig ko ang pag hahamon sa boses nya.

"Na masaya kana kay Mara at sa anak nyo. Lid, tanggap ko na." Lakas loob kong sabi.

Hindi ako iiyak sa harap nya. Hindi na ako ulit aasa pa. Tapos na ako sa phase na yun.

Tumingin ako sa kanya at nakita ko ang pag iling nya. Tumawa sya ng mahina pero parang galit ang mukha nya. Ang mga kamay nya ay nakakuyom.

"Damn...I hate you."

"What?" Marahas kong salita sa kanya.

Anong karapatan nyang magalit sa akin. Sya pa ang galit? Sa lahat ng pinag daanan kong sakit ng damdamin dahil sa kanya? Ang kapal ng mukha nya na magalit sa akin. Sya ang nakipag hiwalay. Sya ang unang nag move on. Sya ang unang bumitaw sa aming dalawa.

"Why did you cheat on me?" Matalim ang tingin na ibinigay nya sa akin.

Hindi agad ako nakapag react sa sinabi nya. Pilit inaabsorb ng utak ko ang sinabi nya pero hindi talaga makuha. Tumawa ako ng sarkastiko. Anong kalokohan ang pinag sasabi nya?

"I did not, you did it first!" Balik ko sa kanya.

Totoo naman ang sinabi ko huh. Sya naman talaga ang unang nag loko. Gusto ko syang saktan gamit ang mga kamay ko pero hindi ako makagalaw.


Tuluyan syang humarap sa akin kaya nakita ko ang buong galit sa mukha nya. Ang leeg nya ay namumula pati ang tenga nya.

Hinarap ko ang titig nya. Hindi ako mag papatalo sa kanya dahil wala akong ginawang masama.

"Ako? Ako pa, Meg?" Madiin ang boses nya. "I followed you, 5 months after you left me, then, I saw you and Wind...kissing..."

Saglit akong natulala sa sinabi nya. Naalala ko ang pag halik sa akin ni Wind. Malungkot ako at lasing. Si wind lang ang masasandalan ko noong mga panahon na yun. Pero dahil mahal ko si Lid, tinulak ko si Wind at nagalit ako. Yun ang una at huling beses na hinalikan ako ni Wind.

Accidental WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon