Chapter 21

14.7K 474 54
                                    

Baler

Meg

Napangiti ako pag katapos ng malakas na sigawan sa loob ng Hilux van. Tapos na ang series of gigs namin sa loob ng isang buwan kaya ngayon ay masayang-masaya kami dahil makakapag bakasyon kami kahit isang linggo lang.


I laughed when Tomo shouted with glee while raising her two hands in the air. Bahagya kong nilayo ang katawan ko at tiningnan sya para hampasin sa braso.


"Aray!" Daing nya habang tumatawa na may kasamang hampas din sa braso ko pabalik.

"Ang ingay mo kasi!" Ngisi ko.

"Saan ang gala?" Singit ni Miki na lumingon mula sa unahan namin.


Kapag ganitong may bakasyon kami ay nag hahanap talaga kami ng gagalaan para kahit paano ay mairelease namin ang mga stress na meron kami mula sa pag trabaho namin.


"Meg, before I forget, you can now buy a car one of these days." Salita ni Unice sa gilid ni Tomo.


Nanlaki ang mata ko, si Tomo naman ay nag make face dahil bitter pa rin sa pag kakaroon ko ng bagong kotse. Marunong na akong mag drive noong college pero dahil sa mga hindi inaasahan pangyayari ay natigil yun.


"At ikaw naman, after ng next series of gigs nyo, saka kita pag eenrolin sa driving school, happy?" Wika naman ni Unice kay Tomo at kinurot sa pisngi.

Natawa ako ng pigilin ni Tomo ang ngiti sa labi nya saka humarap kay Unice. "Sabi mo yan huh!"

Tumango si Unice. "Oo na,."


Smooth ang naging takbo ng eksena sa loob ng sasakyan, siguro dahil wala na kaming aalalahahin na gig kinabukasan na kailangan namin mag practice at hindi lang sa songs at performance namin kundi sa mga damit na susuotin namin at make-up na babagay sa mga mukha namin.


Tumingi ako sa likod ko kung saan nandoon sila Edcel at Hyacinth na mukhang relax na rin dahil nga bakasyon kami ng isang linggo.


"Gusto nyong sumama sa gala?" Tanong ko.

"Saan Meg?" Tanong ni Edcel.

"Oo nga saan?" Singit ni Rei.


Tumingin ako saglit kay Rei na katabi ni Miki bago nag isip. Bigla kong naalala ang isang gig namin sa Aurora, hindi kasi kami nakapag libot noon dahil one night lang ang gig na yun at kailangan na agad namin bumalik sa manila.


"Baler tayo." Suggestion ko.

"Oh tara!" Segunda ni Miki.


Lumingon si Tomo sa likod para yayain sila Edcel at Hya.


"Sama kayo huh."

"Sige Tomo, sama ako." Sagot ni Hya.

Pumalakpak naman si Edcel. "Yiz, sama aketch. Boys hunting!"


Nag tawanan kami at muling nag usap ng details para sa baler trip namin. Pag uwi ko ng condo ay pinakain ko muna si Zorro ng kangkong at naligo saglit para makapag pahinga na.

Accidental WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon