Chapter 42

9.9K 317 19
                                    

Meg

Love VS Dream

Kumaway ako mga sa tao habang nakangiti. Kakatapos lang ng set namin. Tumingin ako sa mga kabanda ko. Niyakap ako ni Tomo saka kami nag lakad papuntang back stage ng mag ka akbay. Naka sunod naman si Miki at Rei amin.

Pangatlong araw palang namin sa New York pero ang dami na naming ginagawa. Ini-expose na kami sa crowd para kapag lumabas na ang collaboration namin with Tempest ay may alam na ang mga tao sa amin.

Ngumiti kami ng salubungin kami ni Unice ng yakap. "I'm so proud of you girls!"

"Maganda ba yung tugtug namin?" Tanong ni Rei kay Unice.

"Yup. It was perfect! Galing nyo!" Tili pa nya. Ngayon ko lang syang nakitang ganito kasaya.

"Finally, kakain na?" Tanong ni Tomo.

Tumingin ako sa kanya at binatukan sya saka tumawa. Napakatakaw talaga ng isang 'to. Nalukot ang mukha nya sa akin. Nahagip ng mata ko ang pag upo ni Miki sa plastic chair at nag punas ng pawis.

"Oo Tomo kakain na tayo." Natatawang sagot ni Unice.

Natawa ako saka tumingin kay Edcel. "Cel, pa retouch mamaya."

"Sure Meg, ikaw pa ba?"

"Thanks!" Ngumiti pa ako sa kanya.

Pag katapos ng isang gig ay isang masayang dinner ang pinag saluhan ng buong team. Mag katabi kami ni Rei habang kumakain. Nag kakantahan ang ibang staff at sayawan sa gitna. Isang private resto kasi ang nirentahan pa talaga ni Unice para sa amin.

"Tingnan mo sila ang saya-saya nila..." Wika ni Rei habang nakatingin sa mga tao sa gitna.

"Oo nga eh, ang sarap nilang panuorin."

"Kung wala sila wala rin tayo dito." Tumingin pa sya sa akin.

Tama naman sya. Hindi lang namin sariling effort ang lahat, kundi ng bawat isang tao na nandito sa loob ng kwarto kung nasaan kami. Tumango ako at ngumiti. Tiningnan ko ang phone ko at nakita ko ang picture namin ni Lid. Ang huling beses na mag kasama kami.

"Nag paramdam naba sya sayo?" Tanong bigla ni Rei.

Napatingin kami kay Tomo ng kunin nya ang mic kay Miki at kumanta ng through the fire. Napangiti ako dahil sa napaka hyper nya talaga.

"Ang sakit sa tenga!" Reklamo ni Miki at inagaw ang mic.

"Hindi pa..." Parang may nag bara sa lalamunan ko.

"Namimis mo na sya?"

"Sobra...sobrang miss ko na si Lid."

Hindi ko alam kung makakayanan ko pa. Noong nasa pilipinas pa kami ay buo na ang loob ko pero ngayon ay parang nag dadalawang isip na ako. Tumingin ako sa mga taong nag kakasayahan sa gitna. Anong mangyayari sa kanila kapag nag quit ako? Anong iisip ng mga kabanda ko kapag bumitaw ako? Anong mararamdaman ng mga fans namin kapag umalis ako?

Pero paano si Lid? Paano kami?

It's difficult to be the person you wanted to be, when you are also trying to be the person he needs you to be. Yes, love inspires you to dream big. But having goals also mean sleepless nights, conflicting schedules, and forgotten obligations to your loved ones. Compromises make a relationship work. And if you can't do it, then let go as early as possible.

"Malapit na rin naman tayo umuwi." Pukaw ni Rei sa akin.

"Rei, pinapili nya ako, kung ang trabaho ko o sya."

"Anong pinili mo?"

Hinilot ko ang noo ko dahil parang biglang sumakit ang ulo ko. Ang totoo ay wala pa akong napipili pero alam ko dapat na akong pumili.

"Wala pa akong napipili...nahihirapan ako tumingbang." Nahihirapan kong tugon.

Tumingin sya sa akin. "Meg, nandito na tayo, natutupad na ang mga pangarap natin"

Alam ko yun Rei! Pero ang hirap! Kapag naiisip ko na hindi ko makakasama si Lid parang gustong ko ng umurong pero hindi ko kaya.

Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang picture namin ni Lid habang naka-akbay sya sa akin at nakahalik sa pisngi ko. I miss you Lid.

"I don't know what to choose..."

Tumango-tango sya. "Sometimes we have to choose between dream and love, because we can't have it all."

Saglit akong natigilan sa sinabi nya. Huminga ako ng malalim dahil para akong kinakapos. Tumingin ako kay Rei.


"Anong pinili mo?" Tanong ko sa kanya.

Hindi agad sya nakapag salita pero ng makabawi ay agad sumagot.

"What do you think?" Mukhang alam ko na kung anong pinili nya. She is here.

"But I'm not like you."

Ngumiti sya ng mapait na parang may naalalang masama. Napatingin ako sa tawanan ng mga nasa gitna dahil sa pag kanta ni Unice ng sintonado.

"Remember the time that I need to choose between love over my dream?"

"Yes." Naalala ko yun dahil saksi ako sa pag iyak ni Rei.

"Mahirap...sobra akong nadurog na akala ko hindi na ako makakabangon." Mahina nyang salita.

"Anong ginawa mo?"

"Nag dasal ako sa Diyos. Sabi ko sa kanya na sya na ang bahala sa akin. Pinaubaya ko na lahat sa kanya."

I understand her. Galing kasi sya sa isang nakakasakal na relasyon at ng makawala sya para syang nabunutan ng tinik sa lalamunan. Pero iba naman ang sitwasyon ko kay Rei. Love does not demand sacrifice, but it makes the idea worth doing. Naalalako ang sinabi ni Mama sa akin noon.

Waiting is a sign of true love and patience. Anyone can say 'I love you' but not everyone can wait and prove it's true. Ngayon naiintindihan ko na ang ibig nyang sabihin. Hindi sa lahat ng pag kakataon kailangan mong ipag laban ang pag ibig mo, dahil dadating ang tamang panahon para sa pag ibig na yun.

That's it! We are not ready for this kind of commitment because we have different priorities and the timing is not right.

Pag balik namin sa pilipinas ay agad akong pumunta sa condo para makapag pahinga. Wala na rin si Yaz dahil nag umpisa na ulit ang klase nila kaya bumalik na sya sa San Isidro kasama ni Master Hanami.

Sa loob ng mahabang panahon ay namuhay akong mag isa pero nag dumating si Lid sa buhay ko. Naranasan ko ang may sandalan kahit sa mailing panahon lang. Naranasan ko ng mag karoon ng isang taong makakasama.

Hindi ako makhinga habang iniisip ko na mag iisa na naman ako. Hindi ako makahinga habang iniisip ko na kailangan kong bitawan si Lid ng panandalian. Ayokong syang ilayo sa pamilya nya dahil alam kong hindi nya kaya. Nabuhay sya na kasama sila at alam kong hindi nya kayang umalis.

Kinuha ko ang phone ko at tumawag sa kanya. Kabang-kaba ako dahil pakiramdam ko ay ito na ang pinaka mahabang ring nanarinig ko buong buhay ko

"Hello." Napakipit pa ako ng marinig ko ang boses nya. I miss you so much...

"Hi, how are you?" Pinasigla ko ang boses ko.

"Asan ka?" Tanong nya sa malamig na boses.

Napakagat labi ako. "Condo."

"Pupuntahan kita dyan."

"Okay, I'll wait for you here." Umupo ako sa sofa at sumandal.

"See you."

"Take care." Sagot ko saka ibinaba ang tawag.

This is it. Kailangan ko ng pumuli. Mabilis pumatak ang mga luha ko.

Accidental WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon